Chapter 10

3 1 0
                                    

LUMABAS ako mula sa kusina ng makarinig ng sigawan mula sa labas.Agad akong nagtungo sa sala at naabutan si Vough na hawak ang kwelyo ni Spade samantala ang aking asawa ay walang emosyong nakatingin saakin.

"Ano bang problema mo Kuya?Ganiyan kana ba kadesperadong saktan siya?Tangina naman Kuya.Ikaw dapat yung magsisilbing halimbawa para saamin pero ikaw yung gumagawa ng kagaguhan.

"I don't love her okay?I just want to get revenge!he said without hesitation.Nangilid ang luha ko at tumulo iyon ng ilang segundo.

"At itong babaeng to?Bat nandito to?Hindi ba't she cheated on you too?

"Narealized ko lang na mahal ko parin siya.She's still my one and only!he said coldly.

Tinignan ko ang babae at nakangisi ito saakin.

Tinanggal ni Spade ang pagkakahawak ni Vough sa kwelyo niya at inayos.

"Wag mo ng hintayin na may umagaw sa asawa mo Kuya!Vough said and then he looked at me."Take care Ate Celestine.

Umalis na siya sa harap namin at nasasaktan ako.Nagkakatotoo na yung sinabi ni Alas.

"Let's go.

Pinunasan ko muna ang aking luha at kinuha ang gamit ko.Nang makarating kami sa labas ay nasa passenger seat na si Heya kaya wala akong nagawa kundi ang umupo sa driver seat.

"Baby can we go to McDo first?I'm hungry!Heya asked him.He just nodded.

Sumandal na lang ako sa bintana at doon umiyak.Impit ang mga hikbi ko para di ako makaistorbo sa ginagawa nilang paguusap.Ganto pala yung naranasan ng mga taong humihingi saakin ng advice.

"How about you Celestine?

Inaangat ko ang tingin ko at nasalubon ang kunot noong mukha ni Spade.

"B-Busog a-ako.

"Okay?!

Napangiti na lang ako ng mapakla at sumandal muli.Kinuha ko ang cellphone at earphone ko.Ilang araw ko nang hindi to nagagamit.Nagpatugtog na lamang ako at saka pumikit.

Sinabayan ko ang kanta ngunit mahina lamang.

🎶Sanay di na lang kita nakilala
Sana'y di na lang kita nakasama
Sinaktan mo lang ako.

Bumigat na ang talukap at nakatulog.

Nagising na lamang ako dahil sa pagangat ko sa ere.Binuksan ko ang mga mata ko at ang guwapong mukha ni Spade ang nakita ko.

"S-Spade.

"Matulog ka na!he said.Tumango na lamang ako at nagsusumiksik sakaniya."Sleep well Celestine.

Nakatulog na muli ako sa bisig niya at pinagpahinga ang pagod ko ng puso.

Napabangon na lamang ako dahil sa ingay.Tinignan ko ang gilid at nasa di pamilyar na silid ako.Agad akong bumangon at bumaba.

Naabutan ko si Spade na panay mura dahil sa pagtilamsik ng mantika.Tumatawa akong lumapit sakaniya at saka kinuha ang pamprito.

"Gising ka na pala.

"Ang ingay mo kasi!natatawang sambit ko."Halika nga para naman matuto kang magluto.Para kapag nagasawa ka uli mapagluluto mo na siya.

"Celestine.

"What?Tama naman siguro ako noh?Hayss bayaan mo na yan.Pag umuusok na yung kawali tsaka ka magbuhos ng mantika tapos paguminit na yung mantika ay iprito mo na yung isda!paliwanag ko.Tinignan ko siya at nakangiti ito saakin."Always smile Spade.Ano bang paborito mo?

"Sinigang.

"Sinigang na ano?Baboy?Bangus?

"Bangus po!he said.Tumango ako at kumuha sa ref.Naghanap rin ako ng sinigang mix sa mga kabinet.

Nang makumpleto na lahat ng ingredients ay inipitan ko ang buhok ko at naglagay ng apron.Tinignan ko si Spade na nakatutok sa pagpiprito.

"Asan nga pala tayo?i asked him while chopping the onion.

"Palawan.

"Talaga ba?excited na sabi ko.Tumango siya saakin kaya napangiti ako ng matindi."Tayo lang ba ang narito?

"Hindi.

"Ha?Sino pa?Baka maging kaibigan ko siya?nakangiti kong sabi.Akma siyang sasagot ng marinig ko ang pamilyar na boses.

"Hello guys.What are u doing?

Heya

"Hi Celestine.Kaya mo palang magluto.Pwede bang ikaw muna dyan.Magbobonding lang kami ni Spade!Heya said.Tinignan ko si Spade at sana ay di siya pumayag.Nakatingin din ito saakin pero tumango na lamang siya.

"Babalik ako.Hintayin mo ko!Spade said.

Ngumiti ako sakaniya at di pinakitang nasasaktan ako.Pagkatalikod nila ay doon tumulo ang luha ko.

"Bat ka na naman ba umiiyak?

Pinagpatuloy ko ang pagluluto at kahit ng matapos ako ay hindi parin sila umuuwi.Naghintay ako hanggang sa gumabi na.Hindi ako kumain at nakaupo lamang sa kusina.

Hanggang sa marinig ko ang tawa ni Heya.Nakangiti akong lumabas at sinalubong sila.Napawi ang ang matamis kong ngiti ng makita ang hawak nilang paper bag ganun na rin ang pagkain na hawak ni Spade.

"Celestine.

"Kumain na ba kayo?i asked him.He nodded slightly."Sige umakyat na lang kayo sa taas.Kakain pa ako eh.

"Hindi ka pa ba kumakain?

"Hindi.Sabi mo hintayin kita!piyok na sabi ko at saka sila tinalikuran.Agad akong umupo at kumain.Kahit nawalan ako ng gana ay ginawa ko na.

"I'm sorry Celestine.Inaya kasi ako ni Hey--".

"Okay lang Spade.Matulog kana.Basta ba wag ka ng magbibitaw salita na di mo kayang panindigan.Ang sakit Spade.Naghintay ako ng pitong oras para sabay tayong kumain.

"Pero pagbalik niyo kumain ka na pala.Ano pang silbi na pinagluto mo ko kung ako lang ang kakain? umiiyak na sumbat ko.Hindi ko na kaya pang magmukhang matapang sa harap niya.

"Kakain ako.

"Hindi na.Patapos na rin ako!turan ko.Iniligpit ko ang pinagkainan ko at hinugasan ko.Alam kong nasa likod ko pa si Spade at nanonood saakin.

"Pwede ka ng umakyat.Kasama mo ba si Heya sa kuwarto?

"Yes.

"Okay.Ako na bahala magsara ng pinto!Sleep well my husband!i said before leaving him.

Lumabas muna ako saglet para magpahangin.Napahinga na lamang ako ng maluwag ng matanaw ang karagatan.

"Masaya na siya eh.Siguro naman kaya na niya akong palayain diba?lumuluha at nasasaktang sabi ko sa sarili.

Chasing Hurricane (Painful Memories#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon