you 're now registered to UNLI30. Enjoy unlimited texts to all networks and 60 mins of call to Smart and Talk n' Text subscribers. Valid for 1 day.
"Yes.!!Un.. Aray ko! Bakit mo naman ako binatukan best? " kuno't kilay kong sabi sa sadistang bestfriend ko. Hindi ko nga alam kong bakit naging bestfriend ko yan, sa sakit pa man yang mangbatuk. Siguro my lahing amazona.
" maka-yes ka diyan daig mo pa ang nanalo sa lotto ah. "
"oo! Nanalo ako sa lotto. Tara libre." sarcastic kong sagot sa kanya.
"aray naman! Nakakadalawa ka na ha. Isa pang batok, ipapabantay bata 163 na kita." pwede ring isusumbong ko siya kay kuya Kim. Kung hindi ko lang yan bestie, pinalapa ko na yan sa shark? Joke Lang. Love ko parin siya haha
"sino ang tinatakot mo? Ako?" sumbat niya sa akin with matching kamay sa beywang and rolling eyes. Ang cute2 niyang tingnan. Nakakatawa talaga...
" anong ningingiti mo diyan?"
"wala bestie nu.. ╰(*'︶'*)╯ Happy lang me kasi UNLI na ulit ako." proud na proud na sabi ko sa kanya para iwas topic.
"ano pa bang bago diyan. Always ka namang unli eh. Araw2x kaya. " Wala sa mood na sabi niya.
Basta ako gagawin ko ang gusto ko. walang basagan nang trip. Btw I'm Samia Ysabel Aragon. A not so avid texter, kasi kung hindi busy sa phone kong kakambal, sa school or sa taping ang lakwatsya ko^_^
At hindi buo ang araw ko, if I can't text o di kaya kahit GM [group message] man lang. brand ng phone ko? Hindi man ito iPhone, atlis touchscreen parin. Ang mahal kaya ng isang unit ng iPhone. Minimum 30,000. eh katumbas yun nang isang term ko sa college. Ano ang gusto niyong gawin ko? Magstostop sa pag aaral para makabili ng iPhone? Ano ako baliw?! Kahit isa akong certified texter, gusto ko parin magaral no.
At yun na nga, naggm na ako sa lahat ng mga close friends at classmates ko sila lang kasi ang may alam ng private number ko.
¤if you are waiting for someone that will truly love you... JUST WAIT... On the way na ko.! ♥
#otwtobistro.hungry
#datew/bffs ¤Click send. Yan nkagm na rin ako.
"best san ba si Kier? " si best na mukhang naiinip na
" e dapat tapos na yung practice nila ngayon eh." San naman kaya nagsusuot ang lalaking iyon.
"etext mo nga."
" ito na tinetext ko na. "
To: [ add contacts ] Kier
Msg: pogs! San ka na? Kanina ka pa namin hinihintay dito sa harap nang gate.
Click Send.....♪Bzzzt Bzzzt ♪
1 new message received [click to view]
Kier: on the way na. My dinaanan lang ako. :)"parating na raw . O yan na pala siya." gulat na sabi ko.
Shit! Bakit parang slow motion yung takbo ni Kier. Take note, yung hair niya nililipad pa nang hangin. Edi wow. Ang gwapo talaga nya. What a sight! Commercial model ang dating. Yung laway ko siguro tumutulo no.
"sorry guys. I'm late. My binili kasi ako.uhmm..Ysabel para sayo pala" inabot niya ang isang box sabay kamot sa batok niya.
Hindi ko maiwasan mapangiti sa ginawa niya. Despite sa pagiging busy sa kanyang practice, eh napaglaan niya pa din nang oras ang pagbili nang paborito ko. That's what I really like about him. Yung gagawa talaga siya nang paraan para ngumiti ako.
It's been years since nagtry akong sumulat nang story sa wattpad. Di ako passionate na rookie writer, kung kelan lang kong feel na sumulat dun talaga ako sumusulat.
Sulat. Stop. Stop. Sulat. Kaya na natatapos ang isang story eh.
And since Boring at Walang magawa ngayong nasa home quarantine lahat... itatry ko yung best ko na makapagsulat. 👍🏻