Chapter 1

885 12 4
                                    

so .. here it is im "Cathalina"

 

 CHAPTER 1

“krrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrring!” tunog ng alarm clock ni Cathalina. Agad na bumagon si cathalina para maghanda sa pagpasok   sa kanilang eskwelahan. Nag umpisa na naman ang normal niyang buhay bilang isang kolehiyana kalahating taon nalang at graduate na siya sa kursong business administration na syang gusto nya talaga para makatulong sa mga magulang niya. Isang malaking Kompanya ang pagmamay-ari ng pamilya nila. Pero sa kabila ng pagiging mayaman nila hindi siya pinalaki ng kanyang ina bilang isang spoiled brat kundi sinanay siya nito na mamuhay ng normal na buhay at hindi rin nito pinapalaki ang ulo nya simple lang ang gusto ng kanyang mama ang maging normal ang kanyang buhay.  Kinuha ng ina ni cathalina ang pangalan niya sa isang Colombian orchid na syang paborito nito. Isang magaling na doctor ang mama niya at may sarili itong clinic at paanakan.  “tok!tok!tok!” ang yaya nila ang kumakatok sa kwarto niya. “bababa na ho’ manang, saglit lang ho at nagbibihis na ako”. “ eh hija bilisan mo na raw at mahuhuli kana sabi ng mommy mo”. “sige na manang susunod na po ako”. Ayaw ni cathalina na tinatawag siyang mam feeling nya kasi para siyang matanda at mas komportable siya sa pangalan niya hindi rin naman kasi iba para sakaya si manang daisy itinuring nya na itong pangalawang ina at ganon naman ito sakanya. Simula pagkabata niya sina manang daisy na at ang kanyang ina ang magkatuwang sa pag aalaga sakanya kaya’t mahal na mahal niya ito. Simple lang siya manamit, ordinaryong  t-shirt at maong na pantalon. Simple lang ang kagandahan niya sobrang maamo ng mukha at para bang napaka inosente at wala pang kaalam-alam sa mundo agaw pansin ang mga maitim na eyelash nito at maitim na mata. Matangos ang itong at manipis ang labi at morena ang kulay. Para sakanya wala siyang oras sa pagpapaganda kasi mas pinagtutuunan niya ng pansin ang pag aaral at hindi siya mahilig sa ganon kahit na mismo ang mama niya ang nagsasabi sakanya na dapat ay marunong na siyang mag ayos ayos sa sarili kahit konte pero wala talaga siyang hilig sa mga bagay na yon at tuwing me okasyon lng sya dapat mag-ayos. Sinuot na niya ang sneaker na sapatos niya , hindi naman siya maituturing na nerd ganun lang talaga siya manamit. “Morning ma,” sabay hagkan sa pisngi “morning dearest, how’s your sleep?” “Just fine.” Nginitian nya lang ang kanyang ina. Habang iniabot naman nito ang paborito nyang almusal ang tinapa rice at longganisa,at manggang hilaw na may bagoong mahilg siya sa mga ganung klaseng  pagkain. Hindi nya rin hilig ang kumain ng mga pangmayamang dishes.  “Oh, Anak dahandahan lang at wala kang kaagaw.” “ ang sarap lang kasi ma eh, tska nakakagutom sa school.” Habang ngumunguya nguya pa. “ gusto mo bang mag baon ng sushi at teriyaki?” napatingi sa kanyang ina “ san po ma galing?” “ binigay nung pasyente ko, gusto mo ?” tanging tango ang isinagot niya sa kanyang ina at napangiti nalang ito sakanya habang pinagmamasdang siyang kumain. Saglit lang ay bumaba na rin ang papa niya na inaayaos ang necktie nilapitan ng mama nya ito at hinalikan sa pisngi kitang-kita dito ang wagas na pagmamahalan. “Morning honey, come join us.” Hinila ito papunta sa lamesa. “Good morning papa.” Nilapitan siya nito at hinalikan sa ulo. “Morning baby, mukhang ang dami dami mo nanamang nakain ah, hinay hinay lang at baka maging balyena ka.” Napatawa nito ang mama niya “ papa naman, wag naman. Si mama kase ang sarap magluto.” “ advice lang anak.” Nagtawanan sila. Para naring magkakabarkada ang turingan nila sa isat-isa kaya lagi silang Masaya. “manang daisy pwede ho’ bang paki-oven ng sushi at teriyaki jan sa ref at babaunin ni cathalina.” “ naku ma, talagang magiging balyena yang anak mo.” Tawang tawa ang kanyang papa sa reaksyon ng mukha niya na nakatulis ang nguso at rolling eyes pa.  “hay naku si papa talaga , hayaan mo na ang anak mo.” Pagtatangol naman ng kanyang ina “bleeh.” Ngiting sabi nya labas pa ang dila. “eto na po mam. Inilagay ko narin sa baunan.” “salamat manang"  iniabot na sakanya ng mama   

Niya ang paper bag na naglalaman ng baon niya. At nagpaalam na siya “ sige ma,pa, mauna na po ako maaga pa ako bye love you.” At hinalikan niya ito pareho sa pisngi “ingat anak pahatid kana lang sa driver. Take care ilove you.” Nginitian nya nalang ang mga ito at sumakay na sa sasakyan. 

Tamang tama ang pagdating nya sa school wala pang masyadong tao. “ manong sunduin nyo nalang po ako mamayang alasingko me pupuntahan tayo.” “ sige po mam” “manong cathalina nalang po” “sige cathalina” nginitian nya ito at bumaba na sya sa sasakyan at binitbit ang kanyang black bag pack. Pumasok na siya sa classroom niya at nadatnan ang iba pang mga kaklase naupo siya sa gilid dun kasi ang favorite spot niya. Hindi naman sa loner pero mas gusto nya lang talaga ng tahimik  na lugar kung saan nakakapag focus sya sa mga studies nya at walang istorbo. Wala rin syang maituturing na best friend kasi lahat naman kaibigan nya sa room nila pero wala talaga syang close. Nagring na ang bell at umupo na ang lahat. Lahat tahimik at seryoso sino ba naman ang hindi magseseryoso kapag mathematics, equation,at root power na ang pinag-uusapan. After 5 hours ay natapos din ang lesson and activities medjo mahirap pero kinakaya nya and besides mahilig din sya sa math. Lumabas na siya ng room at papuntang rooftop ng building para dun kumain ng lunch na pinabaon ng kanyang mama umupo siya malapit sa gilid ng pintuan. Isa rin yon sa mga favorite spots nya sariwa ang hangin at tahimik. Habang kumakain siya ay nagrereview siya para sa next lesson mamaya sa physics kung saan medjo nahihirapan siya. Habang sumusubo na siya ay may biglang bumukas ng pintuan at may lumabas na lalaki. Nagulat sya sa biglang pagsulpot ng di kilalang tao. Halos mabulunan siya sa sobrang pagkagulat at pagkabigla. Nagtataka siya na may tao papalang pumupunta don maliban sa kanya.

"my terror teacher becomes my crazy lover"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon