Chapter 2

4 0 0
                                    

"Ayoko nga niyan." Pagsusungit ng kambal ko na si Cassidrei. Inaabot ko sakanya yung pinapabigay ni Basti na frappe galing starbucks.

"Tikman mo lang! Kahit ako na uubos!" Inilapag ko pa rin sa lamesa niya yung inumin kahit ayaw niya nito. Tiningnan niya ako ng masama at kinuha rin ito. Sumipsip siya dito at agad din na ibinigay saakin.

"There? Are you happy?" Sabi niya pagkatapos niyang lagyan ng lip balm ang kaniyang labi. Si Cassidrei ay yung tipo ng babae na sobrang conscious sa kaniyang katawan, kaya iniiwasan niya talaga ang pag inom madalas ng mga matatamis at malalamig.

I nodded at ngumiti sakaniya, lumabas na rin ako kaagad sa kwarto niya habang bitbit yung bawas na frappe.

I opened ny phone at nakita na puno iyon ng messages ni Basti asking if Cassidrei liked what he bought for her.

"Bumawas lang ng unti." I typed and pressed send sa messenger, hindi pa nagtagal ay tumawag na siya. I answered it nung nakapasok na ako sa kwarto ko.

"Nagustuhan niya ba?" Ayun agad ang tanong niya saakin.

"No, she's on a diet. Sinabi ko na sayo na ayaw niya ng mga matatamis eh." Sinabi ko sakanya at nahalata na nalungkot siya, I shrugged at pinalitan yung straw na nakalagay sa frappe with my metallic straw.

"Oh! Bakit ikaw na nainom niyan?!" Sigaw niya nung nakita niya ako. Ayaw na nga ng kapatid ko tapos hindi niya pa binibigay saakin.

"Ayaw niya eh, akin na lang."

"But that's for your sister, Love." He said in a low voice. Doon na nag init ang ulo ko.

"Ayaw niya nga! Sayang naman kung hindi iinumin!" Medyo napataas ang boses ko.

"Pero kahit na, sana iniwan mo lang dun baka maisipan niya na inumin."

"Fine." I said, inilipat ko ang camera sa back cam at habang dala dala yung frappe ay lumabas uli ako at iniwan yung frappe sa tapat ng pinto ni Cassidrei.

Binalik ko ang cam sa front cam at nagsalita, "Ayan, okay na ba yan?" Ayun yung huli kong sinabi bago binaba agad yung call.

Pumasok na uli ako sa kwarto, pinatay yung wifi ng phone ko at inopen ang airplane mode para hindi makareceive ng tawag niya.

Biglang sumakit ang puson ko kaya napadapa agad ako sa kama ko, bwisit! Gutom ka na nga, masakit pa puson mo tapos hindi ka pa makainom nung frappe!

Bumangon ako kahit sobrang sakit ng puson ko at nagpunta sa may drawer ko para kunin yung hot compress at humiga uli. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako dahil sa tatlong katok na narinig ko galing sa aking pintuan.

"Pasok." Sagot ko kahit hindi pa ako nakakabangon, sobrang sakit kasi talaga ng puson ko pati ng ulo ko.

"Love..." Napadilat ako ng mata nung narinig ko yung boses ng pumasok sa kwarto ko. Nilingon ko siya at nakita ko na nakatayo lang siya sa tapat ng kwarto ko habang may bitbit na plastic.

"Ano?" Sagot ko pero nagtaklob ako ng kunot, naiinis pa rin ako sakanya. I like him pero hindi agad mawawala ang inis ko lalo na't meron ako ngayon!

"Sabi ni Kiara nagkaroon ka kanina sa klase, I brought you foods oh." Umupo siya sa paanan ng kama ko. I sighed. Si Kiara talaga, minsan sobrang daldal na.

"I'm sorry, pinabalik ko pa yung frappe. Bilihan na lang kita ng iyo, It's Java Chip."

"Love, dali na, kain na tayo." Naramdaman ko na kinalabit niya ako. Hindi ako umimik.

"Masakit ba ulo mo? I bought meds to. Dali na, bangon na." Hay. Sino ba naman makakatiis sa ganitong lalake? I wonder why my sister doesn't like him. 

Tinanggal ko ang taklob na kumot at umupo sa kama, I looked at Basti and he smiled at me at tinaas yung plastic na puno ng pagkain.

"Sungit mo." Tinusok niya yung straw sa frappe at inabot niya saakin, Kinuha niya din yung tupperware na may laman na maraming kwekkwek!

"Halaa!" Ayun ba lang ang nasabi ko at inagaw ito sa kamay niya. I love kwekkwek!

"Ito sauce and yung tinidor." Inabot niya saakin, nilapag ko muna yung frappe sa gilid ko at kinuha ang mga yun. Binuhos ko yung sauce sa kwekkwek.

Tumayo si Basti habang ako ay nakain ng kwekkwek, nakita ko na kinuha niya yung foldable table ko.

"Itabi mo na muna yan, dito mo ilagay baka matapon sa kama mo." I looked at him, this is exactly why I like him. He's such a gentle man. Para siyang walking green flag.

"Oh ayan, ilapag mo na." Sabi niya nung tuluyan niya ng nabuksan yung table.

"Thank you." Ayun lang ang sabi ko habang punong puno ang bunganga dahil sa kwekkwek.

He chuckled and nodded. "Bati na tayo ha?" Umirap ako at tinusok ang isang kwekkwek at sinubo sakanya.

"Wag mo na akong pagdadamutan uli." Sabi ko nung binawi ang tinidor galing sa bunganga niya.

Tiningnan ko siya habang may kinakalikot siya sa iPad ko, matangos ang ilong niya, hindi ganoon kakapal yung kilay atsaka meron siyang ear piercings. He have this bad boy look pero kapag nakilala mo siya, he is such a nice guy.

Any girl would fall for him, including me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Any girl would fall for him, including me. Hindi ko nga maintindihan talaga kung bakit hindi siya nagugustuhan ng kambal ko.

I closed the tupperware nung ubos ko na yung kwekkwek. Inubos ko na din yung frappe ko.

"You done?" He asked. Kinuha niya yung tupperware at empty cup at nilagay sa plastic. Inabutan niya ako ng gamot para sa sakit ng puson at tubig.

"Drink that. Ayan lagi mong pinapabili saakin kaya naisip ko na dalhan ka na rin." Nilagay ko sa bibig ko yung gamot at binuksan niya yung bottled water at inabot saakin. After drinking, binalik ko sakanya yun at sinara niya ito.

"Look. Dapat ito yung formula na ginamit mo since initial speed nung van yung hinahanap." Inexplain saakin ni Basti kung paano ko masasagutan yung homework namin sa Physical Science. It has been a week simula nung pinuntahan niya ako sa bahay nung nagkaroon ako, at ngayon ay wala na akong regla.

Nasa open field kami ngayon ng school dahil lunch break namin, maaga kaming natapos kumain kaya naisip ko na magpatulong sakanya na sagutan yung assignment.

"Ganito ba?" I showed him my notebook nung nag try uli ako na sagutan yung unang problem gamit yung formula na sinabi niya.

"Yep, galing mo naman." He gave me a pat on my head. I felt butterflies on my stomach. It's always the little things that he do.

"Next naman, analyze mo nang maigi ha." I nodded at binawi yung notebook sakanya.

"Cassi." I looked up at tiningnan kung sino yung tumawag saakin, It's my sister.

Nilingon ko muna si Basti bago siya sagutin and I was right. He was staring at her. I saw his eyes sparkle while looking at her. The butterflies I felt earliet were replaced instantly with pain in my heart.

I smiled, inayos ko ang mga gamit ko at tumayo. "Usap lang kami." Sabi ko kay Basti pero hindi niya ako pinansin. He was just staring at her. Hinila ko na paalis si Cassidrei para hindi ko na makita pa yung ganun.

Para hindi ko na makita kung paano siya nahuhulog nang paulit-ulit sa kambal ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon