Simula

5 2 0
                                    

Simula

"Ladies and gentlemen, Philippine Airlines welcomes you to Manila, Philippines. The local time is 6:45 PM. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle clear until we are parked at the gate." I removed my sleep mask when I heard the flight attendant's announcement. I prepared my hand carry, nilagay ko yung cellphone ko sa loob at kinuha yung makeup pouch para makapag-ayos na ng sarili. I tied my curly hair into a pony tail. I am finally home after 6 years. 

I walked out of the plane papunta sa airport lobby para hanapin si Kiara and I instantly saw her because of the big banner she's holding. "Welcome home, marupok!" Ayun ang nakalagay sakanyang banner. Umiling ako habang natatawa, kahit may pagkasiraulo 'tong isang ito ay namiss ko siya ng sobra.

I ran up to her at niyakap siya and she hugged me too. "Bakla! Bakit ang haba na ng buhok mo?!" ayon agad ang tanong niya nung humiwalay na ako sa yakap. Sanay kasi siya na ang ikli ng buhok ko, I always cut it off bago pa humaba higit sa balikat ko. I did that because someone told me that he like girls with short hair. 

"Mas bagay saakin ang ganito, diba?" Tanong ko rin kay Kiara. "Oo naman!" She nodded while smiling. "Pupunta ka ba ng reunion?" She asked me habang hinihintay namin na dumating yung luggage ko. Right, reunion namin ngayon. 

"O magpapahinga ka na lang?" Dugtong pa ni Kiara, Should I go? Or should I stay at my hotel at iwasan sila? But I don't have to do that, I am only mad at him not at my other friends. 

"Pupunta ako, anong oras ba yun?" Namilog ang mga mata ni Kiara. Maski ako magugulat kung ako siya at malaman na pupunta ako sa reunion ng batch namin. I caused quite a big fuss before. 

"Mamayang 9:00 PM pa naman, punta ka muna sa hotel at magpahinga. Ihahatid kita." I heard her say that while I was picking up my luggage. I nodded. Gustong gusto ko na rin naman kasing mahiga after almost 17 hours din ang flight ko galing USA hanggang dito sa Pinas. 

Pinagbuksan kami ng driver ni Kiara ng pinto papasok sa sasakyan nila. Pinahinga ko ang ulo ko sa headboard ng sasakyan nila habang nakatingin sa bintana. Philippines did really change a lot after 6 years, mas marami ng mga sasakyan ngayon at mga billboards. 

Hindi ko namalayan na nakaidlip ako, naramdaman ko na lang na kinakalabit ako ni Kiara. "Hindi kita ginising kanina, andito na tayo sa hotel." Kinusot ko ang mga mata ko at inayos ang sarili. Lumabas ako sa sasakyan at kinuha sa likod and luggage ko, "Samahan mo ako." Sabi ko kay Kiara, kumapit ako sa braso niya dahil baka bumigay ako sa pagod. Pinadala niya na lang sa staff ng hotel yung luggage ko at sumunod siya saamin, si Kiara na ang nag check in para saakin. 

Sumakay kami ng elevator dahil sa 5th floor pala ang aking room, Kiara opened the door at pinauna na ako para makahiga na, kinuha niya yung luggage ko sa staff. She said thank you and closed the door. 

"What time is it?" Tinanong ko siya habang nakahiga at nakapikit. "8:15 PM, sobrang traffc sa EDSA, bwisit." I laughed dahil habanggang ngayon ay halata pa din na mainitin ang ulo niya. "Malayo ba yung venue ng reunion?" I asked her again. Tumabi siya saakin sa kama bago sumagot, "No, mga 30 minutes lang nandun na tayo." I nodded. Buti naman at hindi ko na kailangan magmadali. 

"I should take a bath." Bumangon ako sa kama at nag unat ng katawan. "Pupunta ka pa ba? You can rest na lang naman here." Umiling ako, "Girl, sanay na ako. Kung alam mo lang kung gaano karaming flight ang pinuntahan ko kahit walang tulog para lang makaabot sa mga fashion shows." Nagkibit balikat siya, she knows how hard my job is. Dumeretso na lang ako sa banyo at naligo. 

"What should I wear?" I asked Kiara habang nakatitig sa mga damit ko na nakakalat. "You have tons of clothes, Cassidy! Nagtatanong ka pa din niyan?!" She asked as if manghang-mangha sa sinabi ko. 

In the end I wore a black satin Spaghetti Strap Bodycon dress and a  Christian Louboutin black high heels, I was told that the theme of the party was starry night so I also wore a necklace with a small diamond as its pendant. 

"Hindi fashion show pupuntahan mo bhie! Jusko, nahiya naman ako sayo." Si Kiara habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. I chuckled at umikot pa kunyare. "Your outfit is not bad either." I said at sinuri pa ang suot niya. She's wearing a black flared pants a white crop top. "Nambola ka pa, halika na, nasa baba na si Manong." Nauna na siyang lumabas pero ako ay bumalik pa para magpabango at ayusin ang lipstick. 

"Saan po tayo, Ma'am?" Manong driver asked Kiara.

"Sa club po ni Jake, Kuya." Nagulat ako sa sinabi ni Kiara, si Jake? May club na? "Oo, doon ang venue. Hindi ko agad nasabi, okay lang ba?" Kiara asked parang napansin niya na nagulat ako at kinabahan bigla. 

"Yes, bakit naman hindi?" I said kahit sobra na akong kinakabahan. If the venue is there, malaki ang posibilidad na makita ko siya. Will I see him there? Will I see him with her? Umiling ako para mawala ang mga naiisip, Why should I care? I am much more succesful and happier now. I don't have any reason to be nervous and scared. Sila ang dapat na kabahan saakin . 

Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon