Chapter ❶ 〜 Package

25 0 0
                                    

「10:00 am Sabado」nandito ako sa bahay ko nakahiga dahil walang magawa. bored na talaga ako!.

"Lucy, kain na!"

"Sige ho! tatayo lang muna po ako."

Ngayon nagsisimula ang adventure ko. Tumayo ako mula sa kama ko at inayos tapos ay lumabas na ako.

Ako si Lucy Cheria Paloro, Chi for short. Tamad na Babae at mahilig sa vampires at wolves. ako lang naman ang friendly at mapaglaban sa school at ako lang ang nagiisang babaeng ganoon sa section namin. tama ng makipagdaldal let's eat na.

"Andito na po ako!"
"Tawagin mo muna ang mag kambal mong kapatid"

Tumaas ulit ako at pumasok sa room nila. meet my twin brother and sister. Si Patrick ang 2 minutes na naunang nilabas. si penny ang 0.2 seconds na huling nilabas.

"Huy kain na!" Sabi ko sa kanila. busy kasi maglaro ng mga gadgets nila eh.

"Maya na ate" sabi ni Patrick habang seryosong naglalaro ng IPad mini nya.

"Penny, Patrick kain na nga daw" sabi ko ng naiinis.

"Ate mamaya na po, pakisabi na lang kay nanay!" sabi ni Penny habang naglalaro ng mga dolls niya at nanonood ng mga pambata na palabas sa SmartTV.

"Hay nako! lagot talaga kayo kay nanay!" Inis na inis na talaga ako kaya bumaba na lang ako.

"Asan na ang dalawa" sabi ni nanay habang paupo na ako.

"Andun sa taas busy pa po eh" tumawa si mama. "parehas talaga ang dalawang iyon, ako na lang tatawag." Tumayo siya at tumaas.

Habang nasa taas sila biglang may nag doorbell. "Sino po kayo?" sigaw ko. nakaka tamad talaga Tumayo kaya sumigaw na lang ako.

"Si mrs. Paloro po?" sabi ng lalake sa labas.
"Sige po wait lang" tumaas ako.
"Nay may naghahanap sa inyo sa labas." sabi ko.

Lumabas si mama at may binigay na package imported from California daw. Wow! kanino naman iyon ng galing.

Biglang tumakbo ang dalawa pababa, naguunahan sila bumababa. sa tingin ko may kinalaman ang dalawang batang iyon.

"Para kanino yan?" Excited na tanong ng dalawa. mukhang innocent naman kaya wala silang kinalaman dito. oo nga kanino nga ba? sana saakin!.

"Nakasulat to: Paloro Family at Nakasulat ang address ng bahay na ito." Sabi ni mama. anong laman? excited na ako!.

In-open ni mama at na shock kami.

Stuck with a boyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora