Chapter::11

316 14 0
                                    

Chapter::11

•|Death POV|•

Kunot ang noong nakatingin ako sa kung saan dahil kanina ko pa nararamdaman ang pag tingin tingin ni, Antonette sa gawi ko at mas ipinag tataka ko ay si, Darvyn naman ang tatapunan nito nang tingin saka mapang asar na ngingiti

"Parang mag nag iba sa Sovereigns pansin niyo yun?" biglang tanong ni,Troy

"Bakit hindi mo tanungin ang, Abigail mo."pambabara ni,Trey rito

"Ayaw niyang sabihin eh lalo na at ang Sovereigns lang ang nag usap ayaw daw niyang makisawsaw." nakangusong wika nito

"Isa lang naman ang nag iba eh." sabat ko "At yun ay ang pakikitungo ni,Darvyn sa atin saka madalas na siyang ngumiti mula kanina pa." dugtong ko.

"Sabi na eh type mo ang babaeng yun tama ang nakikita nang mga mata ko tuwing mahuhuli kitang naka titig sa kanya."saad ni,V habang naka turo sa akin

"Wala akong alam sa sinabi mo,V." tanggi ko rito

"Aminin mo na may gusto ka sa kanya wala namang masama dun eh."pamimilit nito

"Naku,V mukhang na totorpe siyang aminin."mapang asar na sabat ni,Trent

"Death ni Darvyn natatakot ma busted."natatawang turan ni, Troy

"Ay Death ni Darvyn Ano yan the D couple hahaha."birong saad ni,Trey saka binuntutan nang tawa

"D couple? Double D?Mga kalokohan niyo." iiling iling na turan sakanila ni Dom "Pero pwede din." mapang asar ang ngiting dugtong nito

At dun sila nag simulang pag kaisahan akong asarin kay,Darvyn talagang Hindi ako tinigilan hanggang sa maka uwi kami sa Mansion

Ngunit hindi ko maikakailang masaya Ako dahil hanggang ngayon ay kompleto kami at sana hanggang dulo mag kakasama kami...

"Antonetteeee!!!!"lahat kami ay napalingon dahil sa biglaang pag sigaw ni,Darvyn na ngayon ay hinahabol ang tumatawang Antonette na halatang nang aasar

"Darvynnnnnnn!!!!"napatigil sa pag takbo sila,Darvyn at Antonette na parehong napalingon kay,Kenzo na sa tingin ko ay si,Darvyn dahil napangisi ito nang makitang si,Kenzo ang sumigaw..

At nag simulang nag habulan ang tatlo sa hindi ko alam na dahilan

"Hayop ka,Kenzoooo!!!" ngayon naman ay si, Sydney ang hahabol kay,Kenzo na tatawa tawa lang dahil halata sa mukha ni,Sy ang inis

"Sydneyyyyyy!!!!!" napatigil kaming lahat nang biglang sumigaw si,Brazen akala ko ay kung anong nangyari pero nang napatingin Ako rito ay tumatakbo na ito para habulin si,Sy habang si,Sy naman ay hinahabol si,Kenzo habang si, Kenzo ay hinahabol si,Darvyn at hinahabol naman ni, Darvyn si Antonette..

"Anong meron bakit sila nag hahabulan?" takang tanong ni,Troy

"Baka nag uunahan sila?"pang huhula ni, Trey

"Mukha naman silang hindi nag uunahan eh." pag kontra ni,Trent

Napatingin ako kay, Darvyn nang marinig ko ang tawa nito Hindi ko maiwasang mapatulala ito dahil ito ang kauna unahang nakita ko siyang tumawa mas maganda siya pag naka ngiti...

"Hulog na hulog na si, Death wala nang pag asa tong makahahon."dinig kong mapang asar na wika ni, Trent

"Manahimik ka, Trent hindi naman porket hulog na hulog na siya aasar mo na." kunyaring panunuway nito

"Mas gumanda siya ngayong naka ngiti at talagang mahahalata mo sa mukha niyang masaya siya,nakakahawa."may ngiti sa labing saad ni,V

"Sana talaga dumating yung araw na buksan niya ang sarili niya para sa atin."naka pabuntong hiningang saad nito

Halos lahat kami ay pasampak na umupo sa sahig dahil sa pagod na naramdaman naming lalo na at hindi pala ganun kadali ang pamumuhay rito nakakapagod..

"Saan ka nga pala nag punta, Darvyn?"tanong ni, Antonette rito, napatingin tuloy kaming lahat sakanila..

"Sa taas nang puno natulog." pabirong sagot nito,halata sa mukha niyang nag sisinungaling siya

"Bakit hindi ko na mapasok ang isip mo?"takang tanong ni, Antonette rito

"Nagawa mo pa ding pasukin ang isip ko yun nga lang wala akong iniisip kaya wala kang mabasa o makita."natatawang sagot nito

"May ganun ba? wlang iniisip lahat kaya ng tao may iniisip."takang sabat ni,Ram

"Meron naman basta alam mo kung pano pigilan."naka ngising sagot nito

"Turan mo naman ako. "sabay sabay na hiling ng Class Delta rito nagkatinginan sila saka sabay sabay na tumingin nang nakikiusap kay, Darvyn

"That?!Kaya niyong gawin yun nang Hindi ko kayo kailangang turuan baka mauwi lang tayo sa pag mamanipula ko sainyo."naka ngiwing saad niya sa mga toh, bagsak ang mga balikat nang mga tong bumalik sa kinakaupuan nila kanina

"Ang kailangan niyo lang isip ay wala kayong iniisip sa madaling salita blangko pag nagawa niyo yun madali niyo na lang din magawang matutunan na makipag usap gamit ang isip."turan nito na nag paliwanag sa mukha nila

"Talaga magagawa namin Yun? Kahit wala kaming kakayahan nang mind reading?"malawak ang ngiting tanong ni, Rey

"Oo."sagot nito bakas sa Class Delta ang kasiyahan dahil may bago naman silang natutunan

"Pero hindi siya magiging madali kasi may posibilidad na hindi kakayanin nang isip niyo kaya makaramdam kayo nang sakit ng ulo."pag babala nito

"Kaya namin yan sakit lang naman pala ng ulo eh." mayabang na wika ni, Deacon

Ngumiti nang makahulugan si, Darvyn sa mga toh

"Sabi mo eh."ngiting ngiting wika nito saka tumayo "Pero gusto ko lang sabihin na walang lunas ang sakit ng ulong mararanasan niyo."dugtong nito bago umalis at umakyat sa taas

"Nag bibiro lang naman siya diba?"kinakabahang tanong ni, Yves sa kasamahan nito na katulad niya ay bakas rin sa mga mukha nila ang takot at kaba

"Sa tingin ko hindi siya nag bibiro."sabat ni, Antonette sakanila nilingon nila ito at sabay sabay na "Sa tingin mo? "tanong nila rito

"Hahahah bakit parang takot na takot na kayo?" mapang asar na tanong ni, Kenzo na binuntutan pa ng tawa

"Hindi ah!"defensive na tanggi nila nagtawanan tuloy ang iba

"Wag kayong mag alala mukha naman hindi niya kayo pababayaan." sabat ni,Dash medyo na gulat pa ako dahil simula nang mawala si, Kaithlyn ay hindi na siya masyadong nakikipag usap sa iba

"Bakit niyo ba kasi gustong matutunang wag mag isip?" masungit na tanong ni,Seika "Mag paka bobo na lang kayo tutal wala Naman isip ang mga bobo." may pang iinsultong dugtong nito

"Nag iisip pa rin naman ang bobo ah." naka ngusong pag tatanggol ni, Kahlil tumango naman ang kasamahan nito bilang pag sang-ayon

Iniwan ko na lang silang nag uusap duon para umakyat sa taas kung tama ang pag kakatanda ko ay may lanai rito

Natigil ako nang madatnan ko rito si,Darvyn ang akala ko ay pumasok ito sa isa sa mga kwarto para mag pahinga..

Nakapikit ito hindi ko tuloy sigurado kung tulog siya o sadyang nakapikit lang. Pag mulat nito ay saktong nag tama ang tingin namin hindi manlang ito nagulat siguro ay kanina pa nito naramdaman ang pag kakatitig ko sakanya..

"Bakit hindi ka maupo?mangangalay ka lang kung buong oras kang naka tayo dyan."malumanay nitong saad napaiwas ako nang tingin ng mapansing kanina ko pa pala siya tinitigan

Naupo Ako sa katabing upuan nito saka tinanaw ang tanawing nasa harapan namin,ang sarap sa mata dahil puro puno ang mga ito,presko rin ang hanging nalalanghap ko...

Hindi ko mapigilang mapa ngiti habang pinagmamasdan ang galaw ng mga dahon at ng mga sanga nito dahil sa hangin at ang nakaka kalmadong huni ng ibon nakakagaan talaga sa pakiramdam....

The Therondia Kingdom(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon