Chapter::12
•|DEATH POV|•
Walang umimik sa aming dalawa pareho lang kaming tahimik na naka upo at pinag mamasdan ang aming nasa harapan....
Hindi ko maintindihan kung bakit kahit walang nag sasalita sa amin ay wala akong maramdaman awkwardness mas nakaramdam pa ako nang kapayapaan sa hindi maintindihan na dahilan...
"Death..."gulat akong napalingon rito nang tawagin niya ang pangalan ko titig na titig lang Ako sakanya hinihintay ang iba pa nitong sasabihin
Napalunok Ako nang lingunin ako nito pareho kaming titig na titig sa mata nang isa't isa
"May kapatid ka hindi ba?" tanong nito, napakurap kurap Ako dahil Hindi ko inaasahan ang tanong nito
"Oo, bakit?" takang tanong na sagot ko ngumiti ito saka muling binaling ang tingin sa harap habang ako ay nanatili ang tingin rito
"Anong pakiramdam na kasama mo ang kapatid mo?"tanong nito habang naka tingin sa kung saan
"Masaya lalo na at malapit kaming dalawa ni, Deadly sa isa't isa." may ngiting sagot ko rito
mahinang tumawa ito "Deadly kung ganun pareho kayo nang kakayahan o sadyang tamad lang mag isip ang magulang niyo ng pangalan?"natatawang tanong nito,napa iling na lang ako
"Pareho lang,Oo pareho kami nang kakayahan at tama ka tamad talaga magulang namin para mag isip ng pangalan."natatawa naring sagot ko
"Mahal na mahal mo ba ang kapatid mo,Death?"
"Oo naman siya ang kasiyahan namin."walang pagdadalawang isip na sagot ko rito
"Mabuti kung ganun." mahinang wika nito
"Ikaw ba walang kapatid?" tanong ko rito, malungkot ang mga mata nito habang naka titig sa mga mata ko
"Meron." naka ngiti ngunit mababaksan ang lungkot sa mukha nitong sagot
"Anong nangyari?Bakit ang lungkot lungkot ng mga mata?" masuyong tanong ko rito saka hinawakan ang pisngi
"Wala toh kahit ilang taon na kasi ang nag daan hindi ko pa rin maiwasang malungkot tuwing naaalala ko ang kapatid ko."
"Na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang sisisihin Ang sarili ko."puno nang pait nitong wika kasabay nang pag tulo nang luha nito nito na agad kong pinupunusan gamit ang hinlalaki ko
"Bakit mo naman sisisihin ang sarili mo? Kahit hindi ko alam ang nanyari alam kong wala kang kasalanan kaya wag mong sisisihin ang sarili mo hindi ko man kilala ang kapatid mo pero isa lang ang sigurado ako hindi niya magugustuhan na sinisisi nang kapatid nito ang sarili niya." masuyong wika ko habang hinahaplos haplos ang pisngi nito
"Sa mismong mansion siya pinatay..." gumagaralgal ang boses nito saad
"K-kitang...K-kita mismo nang mga mata ko kung pano....p-pano nila p-pinahirap ang.. a-ang k-k-kapatid ko.." hilam ang luhang kwento nito,tumayo Ako at lumipat nang upo sa tabi nito saka siya niyakap..
"Rinig na rinig ko...Ang m-malakas na t-tawa nila habang.....h-habang ang k-k-kapatid k-k-ko ay s-sumisigaw d-dahil sa sakit at pag hihirap habang s-sila t-t-tuwang t-tuwa..."humihikbing saad nito
"W-wala man lang a-a-akong nagawa... p-p-pina....pinanood k-k-ko lang k-kung p-pano n-nila p-pinahirap ang kapatid ko..."puno nang pag sisising umiiyak nitong wika
"Shh...wala kang kasalanan."mahinang saad ko rito habang hinahaplos ang buhok nito pilit siyang pinapatahan sa labis na pag iyak
"Wala nga ba,Death?"may bakas ng pag iyak sa mga mata nito habang nag tatanong ang tingin na naka titig sa mga mata ko
"Kung hindi sana Ako naging mahina at naging duwag kung nagawa ko lang sana siyang tulungan kung mas pinili ko lang na ipag tanggol siya kaysa sa mag tago at panooring pinapahirapan siya Hanggang sa hindi na nakayanan nang katawan niya siguro nandito pa din siya....siguro kasama pa namin siya.."nag simula na namang mamuo ang luha sa mga mata nito habang binibitawan ang bawat salita na puno ng sakit at pag sisisi..
"Hindi sapat yung dahilang dahil bata pa Ako... h-hindi ko d-dapat h-hinayaang pag tulungan n-nila ang k-k-kapatid ko..."nararamdaman ko Ang mabigat na pag hinga nito
"Ikaw na rin ang nag sabing bata ka pa at normal sa mga bata ang makaramdam nang takot."mahinahong saad ko rito
"Kung Ako ang nasa sitwasyon mo noon sigurado akong ganun din ako. Wag mong sisisihin ang sarili mo wag mong hayaang makulong ka sa nakaraan dahil hinding hindi ka magiging masaya sa kasalukuyan at hinaharap kung lagi kang lumingon sa nakaraan."
"Sigurado akong ang gusto lang nang kapatid mo ay maging masaya ka."
" At sigurado akong sa Oras na malaman toh nang magulang mo Hindi nila magugustuhan dahil sinisisi mo na pala ang sarili mo ng Hindi nila napapansin."
"Kaya naman simulan mo nang patawarin ang sarili mo sa kasalanang hindi namna ikaw ang may gawa."turan ko rito,naka hinga Ako ng maluwag nang makitang ngumiti na ulit ito
"Hindi ko pinag sisisihang sayo ako nag kwento." iiling iling nitong saad saka umayos nang upo, napa layo Ako sakanya nang mapansing nakayakap pa rin pala ako sakanya...
"Bakit nga pala sa akin ka nag kwento?Nandyan naman sila, Antonette pero bakit ako?"takang tanong ko rito,naka titig lang siya sa akin
"Gusto kita,ewan ayun sigurado ang dahilan kaya Hindi Ako nag dalawang isip na ikwento sayo kasi Gusto kita." may ngiti ngunit seryoso ang tinging sagot nito mag sasalita pa sana Ako nang biglang dumating si, Antonette
"Anong nangyari sayo?" takang tanong ni,Darvyn rito nang makita ang pag aalala sa mukha ni, Antonette
"May mga dumating na Kawal."saad nito agad namang tumayo si, Darvyn napatayo na rin Ako
"Bakit raw?" tanong nito
"Hindi namin alam hinahap ka." may pag aalalang sagot nito
"Tara sa baba parang Kilala ko na kung kaninong mga Kawal yun." nakapa buntong hiningang saad nito saka mas nauna nang bumaba sumunod naman kami agad rito
Totoo nga may mga Kawal at sa tingin ko ay may iba pa silang kasama sa labas
"Ms.Shahan."magalang na bati nila rito saka umuko bilang pag galang
"Anong ginagawa niyo rito?" kunot noong tanong nito at halata sa mukha nitong Hindi niya nagustuhan ang pag punta nang mga toh rito
"Pinadala kami nang inyong Ama rito upang sunduin dahil Hindi niyo man lang daw ho siya dinalaw gayong narito ka na pala."
"Alam ni Papang nag tatampo Ako sakanya kaya bakit niya iisiping dadalawin ko siya?At Hindi Ako nag punta rito bilang taga rito nag punta ako rito biglang studyante nang Mystical Regal Academy."
"Ngunit,Ms.Shahan gusto kayong makita nang Ina at Ama niyo." may paki usap na saad nito
"Paumanhin ngunit Hindi kita mapag bibigyan pinag bawal rin kami Ako ni,Mr.William ba dalawin sila at may mga kasamahan akong Hindi ko Pwedeng iwan."pag paumanhin nito..
" Kung hindi na po naming mababago ang isip niyo ay aalis na kami, maraming salamat sa pag tanggap at humihingi ako ng paumanhin dahil ginamba namin kayo."magalang na saad nito saka sila muling yumuko rito bago sabay sabay na umalis..
"Nagagawa nga naman nang maraming mata kahit saan." naka pabuntong hiningang saad nito
"May sariling Kawal ang pamilya niyo? Ang alam ko ay mga Royalties lang ang Meron."takang tanong ni, Antonette rito
"Feeling Special lang talaga si Papa."pag bibiro nito
"Wag niyo na lang problemahin yun sigurado akong Hindi na sila babalik. "naka ngiting saad nito saka ginulo ang buhok ni, Antonette....
Sa tingin ko ay nasa mataas na katungkulan Ang pamilyang Shahan dahil halos kilala silang lahat nang mga taga rito Hindi ko nga lang kung anong katungkulan...
Bakit ba sa tuwing nag kakaroon nang bagong membro ang Sovereigns ay puro mysteryo yung tipong mapapaisip ka kung ano ba talaga o kung sino ba talaga siya....
Yvkiasha Darvyn Shahan at Kaithlyn Ezra Jones mag kaibang tao pero parehong naging pala isipan Ang katauhan sa buong Academia...
BINABASA MO ANG
The Therondia Kingdom(🌹)
FantasyMystical Regal Academy Book 2 Yvkiasha Darvyn isang Babaeng galing sa Therondia Kingdom.. Darvyn ang nag iisang anak nang pamilya Shahan kaya pinalaki itong nakukuha at nasusunod ang gusto Lumaki itong sakit sa ulo nang mga magulang, lagi itong na...