Nagets niyo yung hint dun? Ako parang hindi eh. Feeling ko dapat sa Chapter 4 ko nilagay yung hint.
Chapter 4
Bella's POV
After kong magrelax sa park, dumiretso na ako sa bahay. I decided to take a rest muna bago pumunta sa party ng isang business partner ni Dad mamayang gabi.
Ayoko sa mga ganitong bagay. Gusto ko lang ng simpleng buhay. But I have no choice. God gave me this life.
I am Isabella Han, 18, nag-aaral sa Kim-Han Academy. The school was owned by my father and my uncle. I am at my 5th year. Yeah, once na makapagtapos ka ng 4th year, you can choose if mag-aapply ka ba sa PLUS Program or not.
Sa buong Pilipinas dalawang schools lang ang PP, ang Kim-Han at ang Sapience High. The girl I met on the park is the sister of Xander, my ex-boyfriend.
I knew it from the very first time na tumitig ako sa mga mata niya. Magkamukhang-magkamukha sila ni Xander, The Idol.
Yeah, he was somewhat popular sa Philippines. He was known as JB (John Bonid) and besides his songs, commercials, cameo appearances, celebrity guestings, music videos, and even movies, ay wala ng may alam ng tungkol sa personal life niya. May sarili siyang condo and nung naging kami, hindi man lang napansin ng mga tao because he is always in disguise whenever we're dating.
But just a year ago, he changed. Ewan ko kung bakit but I cried a thousand barrels that time.
Ugh! Why am I even telling a story of him?
-------
When I woke up, 7:00 PM na.
Gosh! 8 pa naman yung simula ng party.
After kong magshower, nagbihis ako ng long black gown and a pair of red heels. My hair was semi braded and I wore very light makeup.
Pagkababa ko, I saw my parents na nakaayos na and all set.
"Let's go, Princess?" Tanong ni Dad. " You look stunning."
"Thanks big man." I answered. Yeah, ayos lang kay dad kahit tawagin ko siyang big man. Para lang din namam kasi kaming magkakabarkada eh.
------
Pagkarating namin ng venue sakay ang mercedes benz limousine ng Han family, sumalubong agad sa'min sina Tito Edward at Tita Kate.
Nagbeso sila sa'kin at saka nagyakapan.
"Tita, where's Drew?" I asked
"Hays, Isabella. Alam mo naman yung cousin mo eh. He's at the garden outside."
Kahit kailan talaga, ang introvert nitong si Drew.
"Excuse me, Tito, Tita, Mom, Big Man..."
And then I walked towards the garden. Madali ko siyang nakita kasi may pavillion naman dun at dun siya nakaupo.
"Tolpin..." Tawag ko sa kanya. Short for Utol Pinsan.
"Oh, ba't andito ka panget? Bumalik ka na nga dun tolpin." Sabi niya.
"Hoy, ang ganda ko nga sabi ni Tito Edward eh. Di ako panget."
"Oo na nga, maganda ka na. Pero seryoso, baka hinahanap ka na dun."
"Yeah, guess you're right. Pero di ka ba sasama?"
"Nope. Napilitan lang talaga akong pumunta dito. Walang labis, baka uuwi na rin ako maya maya. Bahala na yung mga gurang kong magulang."
"Hey, stop calling your parents that. See you at school."
At saka ko siya iniwan dun.
Nakihalubilo na ako sa mga tao sa loob pero yung mga sinasabi nila, paulit-ulit lang na mga puri eh.
"Oh, look who's here." Boses palang, naiinis na ako. Hindi naman na ako bitter sa kanila ni Xander eh pero bakit parang palagi nalang niya akong pinag-iinitan.
"Hi there, WENDY." Diniin ko talaga yung Wendy. Naiinis kasi ako. Ayaw ko ng gulo pero here she go again, making one.
"Sino escort mo, Bella? Sasama sana dito si John kaso alam mo na, show business." She said casually. She's talking about Xander, John Alexander Bonid to be exact.
"Andyan ka lang pala, Wendy eh."
"Wendy Gardens, san ka ba kasi nagsusuot?"
And when I heard those two voices, I smell more trouble.
"C'mon, Levy, Lucy, I was just talking to Isabella."
"Uh, may you excuse me for a while? I need to attend some IMPORTANT matters."
Hayyys, sa wakas at nakawala na rin ako sa panget na atmosphere na yun.
I was walking towards the corner. Nakakapagod kasi. But then I saw a piece of paper on the floor.
I read and.... Numbers?
Alison's POV
Nasa bahay lang ako buong araw, at nilock yung kuwarto. Nilock ko nalang tutal di ko naman mabuksan eh -_- and this time, pati yung bintana gawa sa narra wood. Di pa ako baliw para subukang sipain yan no.
Naisipan ko nalang manood ng anime. Lahat ng mga latest episodes pinanood ko.
Kung nag-eexpect kayo na may FB, sorry kasi wala. Eh ang panget nyan. Ano bang mapapala ko jan bukod sa sandamakmak na friend requests? Eh mga hindi ko naman kilala. Tsk.
Binuksan ko yung email account ko. Malay mo may magandang dulot pala yun. Kailangan ko kasing gumawa ng account para kung sakali mang magbigay ng online homework yung mga baboy sa school.
Eh yung napala ko, isang message lang naman pala. Pero ano to? Ginagago ba ako ng nagpadala nito?
Binuksan ko pero langya, ano naman mapapala ko dito.
Aso Calling...
"Oh?"
[Waaaah! Ang saya saya ng date namin Alison. Pumunta kaming amusement park at sinakyan namin lahat ng rides! Ang sweet sweet ni babe.]
"Tss."
[Pero Alison, ang weird. Dun sa amusement park may bumangga sa akin at bigla nalang siyang may pinagsasabi. Mga numero eh.]
Numero?
"Are the numbers 7,1,0 and 8?"
[Hala, panu mo alam? Simula nung marinig ko yung mga numero, hindi na siya maalis sa isip ko.]
Kung iisang set of numbers ang natanggap namin ni aso, I'm sure may kakaibang nangyayari dito.
"After an hour from now, call the number. 7108."
[Ha? Bakit?]
"Just do it."
And then I ended the call.
Dialing 7108...
----------------------