Chapter 5

11 1 0
                                    

Chapter 5

Alison's POV

[I've been waiting for your call, Ms. Sy.]

Bukas yung ilaw sa kuwarto, malamig yung gabi, pinagpapawisan na ako.

Nakaisang ring palang ay may sumagot na nung tawag. Nakakabigla. I never thought such number would exist at nagiging paranoid lang talaga.

But I know one thing so far...

Sinadya ng kung sino mang may-ari ng number na to na tawagan namin siya. Tss. Subukan niya lang gaguhin at iscam ako, lintik lang ang walang ganti.

"Oh?" Sagot ko na bumawi sa sandaling katahimikan. Bastos na kung bastos. Eh mas walang modo nga tong isang to, pinaglalaruan ata kami ni aso.

[As expected from the rebel daughter of Sylvia and Patrick.]

"Ba't mo kilala yung mga unggoy?" Lalake ang kausap ko. And as far as I know, sigurado akong matandang pagong tong kausap ko. Baka business chuchu tapos nalamang maganda ako kaya hiningi yung number ko dun sa gorilla at chimpanzee. May malalandi din palang pagong no.

Pero malabo yun kaso pati kay aso may balak din. Eh ano namang magugustuhan ng pagong sa aso? Ang tanga lang eh.

[Yes, we have been investigating them.]

"Ah. So zoologist ka pala."

[Tomorrow, go to the nearest bus station. Wait within time intervals 9 and 10 AM. You will see a black mini bus. Try to hop in. I will tell you everything.]

END CALL

Ay bastusan. Porket pagong siya? Hays, isa nalang ang kailangan kong hintayin. Kung ano ang sasabihin niya kay aso.

Magfoforty five minutes na rin bago matapos yung tawag ko kay aso kaya 15 minutes nalang ang kulang para tawagan ni aso yung number.

Maliban nalang kung tatanga tanga siya at late yung oras niya. At ang mas malala, baka nga advanced pa eh.

Aso Calling...

Tss. Sabi na eh.

[Uy Alison, tinawagan ko yung number pero---]

"Busy. Kasi tinatawagan ko siya. Tss."

[Ha? Pano mo alam na busy? Pero diba tapos na yung 1 hour, edi tinawagan ko siya.]

"8:50 pa."

[.....]

Tss. Stupid dog.

[Ay, hehe. Advanced pala yung oras ko. Hehe.]

"Call the number now."

I ended the call.

Diana's POV

"H-hello?" Feeling ko ang atat nitong mamang numero eh. Isang ring pa nga lang sinagot na.

[Miss Bonid.]

"Hehe. Wala po dito si Mommy eh. Sorry po ha. Mamaya nalang po kayo tumawag. Sasa--"

[I am talking to you, Diana.]

Ha? As in ha?!!

"B-ba't niyo po ako kilala mama?! Waaah, scammer po ba kayo? O baka naman killer! Waaaaaah!"

Natakot ako kaya inend ko yung tawag. Anubayan?! Bakit ba kinunsinti ni Alison yung scammer?

Calling Alison...

"Huy Alison, ba't mo naman kinunsinti yung scammer?! Alam mo bang baka ipatrack nun yung location natin at saka tayo papatayin?!"

[Tss. Call the number back.]

"Pe--"

Ayun, binabaan niya ako. Waaah! Nakakatakot yung scammer eh. Pero nakakatakot din si Alison.

Scammer? Alison? Scammer? Alison?

Ehh, siyempre scammer nalang no. Nakakatakot kaya si Alison.

Dialing 7108...

[Miss Bonid, glad you called back.]

"Ewan ko sayong scammer ka. Ano bang kailangan mo ha?!"

[ Tomorrow, go to the nearest bus station. Wait within time intervals 9 and 10 PM. You will see a blue mini bus. Try to hop in. I will tell you everything.]

Ehhh? Ay walang modo din, binaba na yung tawag. Problema nun? Mukhang makikipag-eyeball ata sa'kin yung scammer eh. Huhu.

Calling Alison...

"Alison, pinapapunta niya ako sa pinakamalapit na bus station bukas. Nakakatakot."

"Go."

END

Ay, ano yun? Sabi niya go? Edi ibig sabihin dapat nga akong makipagkita dun sa scammer. Huhuhu. Pero kaya ko to. Fighting! Kesa naman sipain ako papuntang moon ni Alison no. Mas nakakatakot yun.

KINABUKASAN

Alison's POV

Malayo ang bahay namin sa bahay nila Diana kaya malamang sa ibang bus station yun naghintay.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, mabuti nalang at kahapon lang ay umalis yung mga unggoy papuntang jungle. Ewan kung kailan babalik, sana di na nga.

Inihain nung daga yung pagkain sa mesa. Minsan talaga nagtataka ako kung bakit puro mga hayop yung nakapalibot saken?

"Miss Alison, linggo po ngayon. San po kayo pupunta?" Kailan pa naging tsismosa ang daga? Hindi ko nalang siya pinansin saka umalis na ng bahay. Nagpahatid ako kay Kuya Sef sa bus station. Ang paalam ko may kikitain lang akong kaibigan at hindi rin naman ako magtatagal. Pumayag naman siya basta hindi lang daw ako magpapagabi.

9:45 na nang makarating kami ng bus station. Pagkababa ko, nakita ko agad ang paparating na black mini bus pero hinintay ko muna na makaalis si Kuya Sef bago ko nilapitan.

Nang makalapit ako sa bus, tiningnan ko nang maigi yung driver. Nakatingin lang siya sa daan at parang wala namang kakaiba sa kanya. Maliit lang talaga yung bus, may dalawang row at sa bawat row ay isa lang yung upuan. Edi 10 seats lahat, bobo ang hindi makaimagine. Ang pinagtataka ko lang, walang laman ang bus bukod sa akin at sa driver.

Ineexpect ko na sasakay din dito si aso kasi nakita ko siyang naghihintay sa may station kaso nilagpasan lang siya nitong bus at mukhang hindi man lang niya napansin itong mini bus.

Aangal sana ako sa driver nang bigla nalang tumigil yung bussa harap ng iaang abandonadong bodega.

Hindu kumikibo yung driver bagkos ay lumapit siya sa'kin at tinali yung dalawang kamay ko at yung dalawang paa ko. Alangan namang tatlo yung paa ko diba? Ano ako, alieng santa?

"You choose: your ears or your sight?"

"Eh anong klaseng choices yan? Ayokong mabulag saka di pa ako tanga para piliing mabingi."

"Just choose."

Bigla naman akong nanlamig sa sinabi niya. Okay, fine.

"Tsk. Ears."

At bigla nalang akong nakaramdam ng antok.

------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNDERCOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon