Guitar Guy (one-shot story)

104K 2.5K 877
                                    

GUITAR GUY

by stainless_pen

 ♫♪ There are no words, to paint a picture of you girl 

Your eyes, those curves, it's like you're from some other world 

You walk my way, oh God it's so frustrating

So why do I disappear when you come near, 

It makes me feel so small, 

Why do I blow my lines, most every time, 

It's like I got no chance at all...♪♫

"Anna! Anna! Tingnan mo! Ang ganda talaga ng boses niya noh?" pabulong kong sabi kay Anna, ang bestfriend kong masyadong energetic.

"Naku friend! Kaya pala ang lakas ng tama mo dyan sa lalakeng yan!" sabi niya sa akin atsaka lumingon siya kay Sein, yung lalakeng kumakanta kanina. At the same time, yung lalakeng crush na crush ko.

"UY SEIN! ANG GANDA RAW NG BOSES MO SABI NI CINDY!" Talagang inannounce pa ng walangyang bestfriend na to sa buong klase. Nakakahiya!

Agad namang naghiyawan ang mga kaklase ko.

"WAAAA! UYYYYYYY! CINDY, LAB LAB SEIN! AYIEEEEE!”

"OYYYYY! CINDY HA? LUMALOVELIFE KANA! NAKS NAMAN!"

"MGA KAKLASE! SI CINDY NAMUMULA! HAHAHA! AYIEEEE!"

"OMYGOSH! HARTHART!"

"UWAAAA! CINDY! MUKHA KA NANG KAMATIS! HAHAHAH!"

Ayan. Ayan nanaman ang mga walang hiya kong mga kaklase.

Matagal na akong ganito. Matagal na akong inaasar ng mga kaklase ko. At matagal na rin akong may gusto sa lalakeng may pinakamagandang boses sa mundong ibabaw.

Siya si Sein. Ang classmate kong palaging may dalang gitara. Parang girlfriend na nga niya yang gitara niya eh. Lintik naman! Pwede bang ako nalang? (‘di, joke lang.)

Sa tuwing walang teacher na pumapasok sa klase namin, lagi niyang pinapatugtog ang gitara niya at sinasabayan naman niya ng pagkanta. Pumupunta siya doon sa isang sulok ng classroom kasama ang mga classmates kong lalaki. Nagso-sound trip sila dun. Ang lalakas ng mga boses ng mga lalaki kong kaklase pero kahit anumang lakas ng boses nila sa pagkanta, parang tanging kay Sein lang ang naririnig kong nasa tono. Napapasabay naman ako sa pagkanta tuwing kinakanta niya ang kanyang favorite song. Ang kantang palagi niyang binabalik-balikan at kahit kailanman, hindi ko naramdamang nawala siya sa tono.

"MGA KAKLASE! TAHIMIK MUNA! MAY I-AANOUNCE AKO!" sigaw ng president namin habang patuloy parin sa pang-aasar ang mga walanghiya kong mga kaklase.

Guitar Guy (one-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon