Simula

35 3 2
                                    

SIMULA

Pinagmamasdan ko ang aking mga kaibigan sa bintana ng Guidance office. Naiiling kung tinignan sila habang pinapagalitan ni Sir Hermosa. Sinubukan kasi nilang mag cutting kanina, kaso nahuli sila ng SSG. Nakita ko pa ang pag irap ni Olivia kay Sir dahil sa paninirmun nito.


Pinagsabihan ko na sila tungkol sa plano nilang iyon pero, wala itinuloy parin nila. Ang titigas kasi ng ulo, ayan tuloy napahamak pa sila. Muli akong umiling nang sinubukang kaltukan ni Sir Hermosa si Olivia. Hula ko sinasagot sagot niya nanaman si Sir.


Ilang minuto pa ang lumipas bago sila pinalabas sa GO. Nakabusangot ang mukha nilang dalawa pagkalabas. Magulo pa ang kanilang buhok at medyo nadumihan ang kanilang uniporme.


"Badtrip talaga yang SSG na yan. Mga pakialamero." inis na singhal ni Olivia at sinipa pa ang upuan na sa gilid ko.


Inayos ko naman ang sinipa niya at pinagkunotan siya ng noo. Bakit ba siya nagagalit? Mali naman talaga ang ginawa niya.


"Eh anong gustong mong gawin nila? Hayaan kayo? Asa ka Olivia."


She rolled her eyes at me because of what I said. I looked at Lilhanna who's busy looking around. Tinatakpan pa niya ang mukha niya gamit ang buhok. She must be embarrassed. Sino ba naman ang hindi mahihiya sa ginawa nila.


"Tara na, may susunod pa tayong klase. Baka malate tayo, yari nanaman kayo." sabi ko pa at hinila silang dalawa.


Naglakad na kami papuntang building namin ng, mapansin kong pinagtitinginan kami ng mga estudyante.  I'm sure they already know what happened awhile ago. Nakakahiya naman talaga kasi ang ginawa ng dalawang to. Pumasok ba naman sila boys CR. May daanan kasi doon papuntang labasan ng school. Kaya doon nila sinubukang mag cutting.


Ang kaso nahuli sila Rheos, yong president ng SSG sa junior high. Sinubukan pa nilang tumakbo pero nahuli sila ng iba pang officers. Kaya ayan diretso GO sila.


"Bakit ba sila tingin ng tingin?" tanong ni Lilha at muling tinakpan ang mukha niya gamit ang buhok.


"Are you seriously asking that? Girl nakakahiya yong nangyari kanina."


Napangiwi naman siya sa sinabi ko. Ayaw niya lang aminin eh, tinignan ko si Olivia na walang pakialam sa paligid niya. The asual Olivia Nalien.


"Bilisan nalang natin baka dumating na si Ma'am Aragon." sabi ko at nagmadaling maglakad.


Pagkadating namin sa Classroom. Wala pa naman si Ma'am, thanks lord. Maingay ang mga kaklase namin at mas lalong umingay ng makita nila ang dalawa kong kasama. Dumiretso agad ako sa upuan ko at kinuha ko ang bimpo na dala ko at agad pinunasan ang leeg ko. Pawis na pawis ako!


"Grabe kayong dalawa. Bilib na talaga kami sa inyo." napailing ako sa sinabi ni Jettro.


Isa patong tarantadong to. Siya naman nag suggest sa dalawa kong kaibigan na gawin yon. Napaka bad influence! Lumukot ako ng papel at agad ibinato sa mukha niya. Nagulat naman siya at sinubukang gawin din sakin yon pero nakaiwas ako.


"Nakakainis ang Rheos na yon. Kong hindi dahil sakanya hindi kami mahuhuli!" singhal ni Olivia at hinampas pa ang kanyang lamesa.


Tss, hindi niya lang matanggap na napahiya siya eh. Nakinig lang ako sa usapan nila. Nagbiruan pa silang next time nalang daw, baka sakaling successful na. Mga sira ulo! Gusto talaga nila ng problema.


"Buti nalang at hindi ka sumama sa kanila Ada." sabi ni Prill sakin, kaya tumawa lang ako.


Hindi ko gawaing mag cutting noh. Kahit anong sulsul pa ni Olivia sakin, hindi ko gagawin yan. Malalagot ako kay Lola pag nag kataon. Ayoko nang dumagdag sa problema niya, lalo na sa mga magulang ko.


On our ways (POBLACION DE UNO #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon