Kabanata 1

23 1 1
                                    

KABANATA 1


Madilim ang gabi habang pinakikinggan ko si Lola na kausap si Mama sa cellphone. Himala at tumawag siya, ang huli niya kasing tawag dalawang buwan na ang nakalipas. Hindi na din naman ako magtataka kong bakit ganito, kong bakit ganyan. Sanay na ako.


I leaned against the door of Lola's room. Para mas marinig ang pinaguusapan nila, mabuti nalang at nakaspeaker ito.


"Jusko Riah! Mabuti at naisipan mo pang tumawag." sabi ni Lola at napahawak sa sentido niya.


Hindi ba pa siya sanay sa ugali ng anak niya? Lagi naman yang ganyan.


"Sorry Ma, nabusy kasi ako sa negosyo namin ni Samuel dito." dahilan niya kaya napairap ako.


Paulit ulit na rason, sanay na nga ako. I chuckled of what i've thought. Samuel is her second husband. Annual sila ni Papa at nag asawa sila ng iba. Umalis siya at dinala ang kapatid kong lalaki sa Australia. Habang ang Ate ko naman isinama ng Papa ko sa Japan. While me i choosed to stay with my Lola.


"Nanaman Riah? Paulit ulit nalang na rason iyan. Ano ba talaga ang pinagagawa mo diyan?" muling napahawak si Lola sa sentido niya habang sinasabi iyon.


Tataas nanaman ang dugo niya dahil lang sa babaeng yan.


"Ma naman! Totoo po ang sinasabi ko, nagka problema ang negosyo namin ni Samuel. Kaya wala akong oras na tumawag sa inyo."


"Kahit minuto wala ka anak? Yong anak mo dito Riah, kahit hindi niya sabihin sakin. Alam kong galit siya sa iyo."


Uminit ang gilid ng mata ko habang pinakikinggan ang sinasabi ni Lola. I really tried to hide my anger towards my Mother. But I guess my ways was failed.


"Hayaan mo siya Ma, nag iinarte lang yan. Sanay na ako sa batang yan Ma." tumulo ang luha sa aking mata dahil sa kanyang sagot.


Kung sanay ka na sakin, ako din sanay na sayo Ma. Bata pa lang sanay na ako sa paulit ulit na pananakit niyo sa damdamin ko.


"Riah naririnig mo ba iyang sinasabi mo? Anak mo si Ada. Hindi mo ba naiintindihan na nasasaktan pa din siya sa ginawa niyo ni Clemintino."


"Ma, matagal na yon. Siya nalang hindi nakakatanggap sa desisyon namin ng Papa niya."


Hindi ko na tinapos ang kanilang paguusap, at tumakbo na papunta sa aking kwarto. Humiga ako sa aking kama at ibinaon ang aking mukha sa unan. Naguunahan ang aking mga luha sa pagbagsak.


Sa tingin niya ba madali? She really thinks that it's easy for me to accept the truth. Dahil hindi madali sakin na tanggapin na mas pinili nilang maghiwalay para lang sa ambisyon nilang yumaman. 


Parang tinutusok ng karayom yong puso ko habang iniisip na nagawa nila kaming sirain, Dahil lang sa ambisyon nila. Nagawa nilang sirain ang pamilya namin dahil lang sa pera, at sa ambisyon nilang maging mataas. Sabi nila mahal nila kami kaya nila ginawa iyon. Potangina anong klaseng pagmamahal yan.


Umiyak lang ako hanggang sa nakatulog na. Narinig ko pa ang tawag ni Lola sa akin pero hindi ko na pinansin iyon. Ayokong ipakita sa kanyang mahina ako.


Nagising ako at ramdam ko ang pamamaga ng mata ko, dahil sa pag iyak. Sigurado akong magtataka sila kong bakit ganito yong mata ko. Sasabihin ko nalang siguro na nagbasa ako ng tragic story.


Alas singko na ng umaga ako nagising, agad akong bumaba at naligo. Alas syete pasok namin baka malate na naman ako. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako, nakita ko pa si Lola sa kusina na nag luluto. Nag good morning lang ako sa kanya at ganoon rin naman siya sa akin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

On our ways (POBLACION DE UNO #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon