Introducing Me

95 0 2
                                    

CHAPTER ONE:

Xander's POV

Hello! I'm Risa Xander Mcqueen. I'm a third year highschool student. I'm 15 years old. Sabi sa'kin ng teacher ko, reserved person daw ako. Ako yung kind ng girl na tahimik, itinatago ang mga nararamdaman, at loner nga raw. Oh, scratch the tahimik part. Yeah, tahimik ako pero I used to chat and chat with my friends and seatmates. I'm a person who always smile and laugh but in every smile, I am hiding every hurt that I have inside. It's like I'm wearing a mask na makapagtatago ng buo kong mukha.

Tama na nga sa introduction part. I'm just an ordinary girl.

Masaya naman ako kasi may mga kaibigan akong nakakausap ko sa classroom. Nung second year kasi ako, parang napag-iiwanan na talaga ako. Sabi nga ng mga kasama ko ngayon, ako lang daw dati yung loner sa classroom. Eh kasi naman, may mga grupo sila e. Meron naman akong mga ka-close dati pero lumipat na sila ng mga schools eh, ako na lang ang naiwan.

Mas ginusto kong maging tahimik.

Nung second year, tanging cellphone lang lagi ang aking kaharap. Pag wala pang teacher o walang teacher, ilalagay ko lang sa tenga ko ang earphones ko, ok na ako. Music ang lagi kong karamay.

May kapatid nga rin pala ako. I have an elder sister and a younger sister. Yeah, tres marias kami pero ako lang talaga ang kakaiba. I never played barbie dolls or any girls' toys. I hate wearing girly dresses. Nagsusuot naman ako pero that was long time ago, mga panahong batang bata pa talaga ako. Hindi ako nagsusuot ng mga sandals with heels. Gusto ko doll shoes, flat step-in at rubber shoes.

I love sports especially volleyball, badminton, table tennis, and also basketball. Oh diba, boyish ako pero babaeng-babae ako. I swear! Parang nagdidisguise lang ako pero ito talaga ako. Hahaha, ang gulo ko no?

Hayaan na nga yan.

Sa classroom, may dalawa lang akong kaklaseng napakaclose sa'kin. Napaka dahil sa kanila lang talaga ako nagsasabi ng mga nangyayari sa buhay ko pero hindi pa rin lahat. Reserved nga raw kasi ako. Ayaw na ayaw kong nag-o-open up sa iba. Sinasarili ko lahat. BTW, they are Kiela Marie Phantomhive at Elith Mignonette Michaelis.

Sa family, ganun din, hindi ako nagsasabi sa kanila ng mga nangyayari sa'kin. I used to hide everything.

Yung ate ko, she's a freshman in UPLB. Matalino yan. Yeah, mana-mana lang, haha. Matalino rin ako eh. Wala pong pwedeng kumontra. Aabangan ko sa labas ang kokontra. Haha, joke lang ^  ^ . Lagi kong kaaway yan. Wala sigurong araw na lilipas na di kami nag-aaway. Haha, galing namin no? Pero, ngayong malayo sya, parang nag-iba na. Nakakamiss pala yung palagi kang may kaaway. Kasi parang kulang ang araw ko pag hindi ko sya naiinis at hindi ko sya nakikitang magsungit. Sungit-sungit kaya niya. Sya nga dati taga-gawa ko ng project eh.

Nakakatuwa nga eh. Nung second year ako, pang-4th lang ako. Pa'no ba naman 4th lang eh hindi naman ako nagpapasa ng mga projects ko eh. Gumagawa ako pero hindi ko talaga pinapasa. Oh, san pa kayo. Naiinis kasi ako sa mga teachers eh. Lagi kasi akong napapagalitan nung adviser namin dati. Ewan ko, parang gustong-gusto niya akong laging pinapahiya sa klase namin.

Gabi-gabi nga akong umiiyak dahil sa kanya eh. Wala na ata akong ginawang maganda sa classroom. Ang hihirap naman kasing pasunurin ng mga kaklase ko eh. Ako na nga lang mag-isang kumikilos eh. Di ko naman maasahan yung vice president ko. Masyado kasi syang malaro eh.

Pag napapagalitan ako nung adviser namin, tinatanggap ko lang. Wala akong sinasabi. Alam ko naman ang totoo at alam din ng mga kaklase ko iyon.

Pag pinagsasabihan ko yung mga kaklase kong maglinis na, wala namang kikilos sa kanila. Ano naman daw kayang magagawa ko sa kanila?

Kaya sa tuwing ganun, akong mag-isa ang maglilinis at mag-aayos ng classroom. Minsan, ay madalas pala, late akong pumasok kaya ayun, hindi talaga nalilinis classroom namin. Mga kaklase ko kasi, sa room gumagawa ng assignment kaya di makapaglinis. Kapag inutusan na silang maglinis, ayun mga nakasisimangot.

Ewan ko ba sa kanila. Ayaw naman palang napagsasabihan pero ayaw namang magsigalaw. Tsk tsk. Imba talaga sila.

Ngayong third year ako, masaya naman ako. Taga-load ko nga ate ko eh. Haha. Bait kong kapatid ano?

Oh sya, tama na sa past. Yung present na pag-usapan natin.

Syempre, babae nga ako diba? Natural lang namang magkagusto sa lalaki, right? Meron akong gusto sa mga kaklase ko. Ewan ko ba kung bakit sya. Ang masaklap, sya pa ang dahilan kung bakit galit na galit yung isa naming kaklase sa akin. Ewan ko sa kanya. Di naman sya girlfriend. Obsessed masyado, di nya naman pagmamay-ari.

Lagi kong pinipigilan yung feelings ko para sa kanya pero ang hirap gawin. Nagsimula sa simpleng crush nung first day of school nung second year ako pero hanggang ngayon hindi pa rin mawala.

Alam kong malayong magkagusto sya sa'kin. Ang gaganda kaya nung mga babaeng gusto niya. Hindi ko inda-down sarili ko, pero kung looks lang talaga ang pag-uusapan, walang-wala ako. Hindi ako maganda pero marami talagang bagay na naiiba ako sa kanila. I am unique in my own ways. Lahat naman diba? Kaya nga di mo pwedeng icompare ang isang tao sa iba.

Ang gusto ko nga pala sa isang tao ay yung Christian, makakasundo ko, mapagbigay, matulungin, marunong makinig, palangiti, palakaibigay, maaasahan, at makakaramay. Ang mga ayaw ko naman ay yung mga taong mataas ang pride, mayabang, assuming, at masama ang ugali.

My Dream Guy is My Lover BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon