The Time

54 1 0
                                    

CHAPTER 4

Xander's POV

Today is Friday.

I'm lost. Joke. Brownout sa school. Hapon na nga ngayon eh. Wala na na kaming ginagawa. Swerte nga namin. Yung ibang years may klase pa, kami laro-laro na lang.

Nasa stage nga pala kami ngayon. Napag-pasyahan naming magkaroon ng munting sharing about sa kinaiinisan at kung ano-ano pa.

Nung ako na ang mag-o-open, medyo kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Then, there, sinabi kong may inis ako kay Apple. NAiinis ako dahil hanggang ngayon iba pa rin ang pakikitungo niya sa'kin.

Tapos, ayun na nga, tumulo na ang luha ko. Sinabi kong, " Sa totoo lang, may gusto pa rin ako kay Stefan. Hindi nawala yung nararamdaman ko para sa kanya. Actually, hindi ko lang sinasabing gusto ko sya para hindi na magalit sa'kin si Apple. Hindi ko alam kung bakit parang ang laki ng galit niya sa'kin." Habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Bwiset! bakit ba kasi masyadong mababaw ang mga luha ko.

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para masabi ang mga bagay na iyan.

Ang nakakainis, akala ko hindi nila mahahalata. Tapos, may usapan kaming hindi lalabas yung mga revelation sa iba pero marami ang kumalat. Naniwala kami sa kanilang hindi nila iyon ipagsasabi sa iba ngunit nabigo kami.

May nagsabi na sa mga taong nabanggit naming kinaiinisan namin na may pagkairita kami sa kanila.

Grabe, iba na pala talaga ang tao. Napakaplastic at sinungaling na! I hate it.

Sa inis namin, hindi na namin napigilang magparinig sa kanila. Sinabi naming polluted na ang hangin dahil sa mga naglutangang plastic sa paligid.

Kiela's POV

Hello po! Ngayon lang ako lumabas. Yeah, yeah, yeah. :))

Masayahin ako eh, may angal?

Nagsusungit na ako pero di pa ako nakakapagpakilala.

Ako nga pala si Kiela Marie Phantomhive. Isang simpleng babaeng ewan. LOL :D

Sadyang masayahin lang po. I can have whatever I like. I'm contented with my life.

My bestfriend is Elith Mignonette Michaelis. Loka-loka kami parehas. Haha. Kasama sa kalokohan namin ang baliw at drug addict daw na katabi. Si Xander.

Ang cute ng name niya no? Parang panlalaki pero sa kanya lang ata ang pambabae. Haha, wag niyo akong isusumbong ha. Magagalit yon. Matalino kaya 'yan. Buti na nga lang di pinanganak na mayabang. She's a good friend, good listener, good adviser, and whatever good pa. Siya ang tipo ng taong hindi marunong manlaban.

Ano ba 'yan. Bakit sya ang topic? Ako kaya ung may POV ngayon. Aish, edi sya na lang laging bida. Tampo ako, joke! XD

May nag-iisang lalaki lang naman sa buhay ko. Sya ang aking long time crush magmula second year. Sya na ang pinakamatagal na naging crush ko. Gusto niyong makilala?

Sya nga pala ay walang iba kundi si Brian Christopher Capulet. Matangkad, maputi, at matalino. Nasa kanya na ata lahat ng pwede mong hanapin sa isang lalaki.

Hinaharot ko nga sya palagi eh. Haha, para naman makasama ko sya noh!

Hindi naman niya nahahalata eh. Kaya wapakels na ako no.

Yeah, tama, hindi niya alam. Ako naman tong si take advantage. Haha, ayos di ba?

Nakakatakot kayang malaman niya. Baka hindi na niya ako kausapin at lumayo na sya sa akin. Ayaw ko namang mangyari yon no.

Pero nakakalungkot kamo ngayong araw. Nakikita ko na naman si Xander na umiiyak. Wanna know why?

She confessed to a guy na alam niyang kahit kailan di sya magugustuhan. You know what I like her the most? She's the type of girl na kayang itago lahat. Ang galing nga niyang magtago eh. Sa pagkakaalam ko pa nga ay marami syang alam na sikreto ng marami naming schoolmates. Ang galing nga no, pinagkakatiwalaan sya ng maraming tao, ng mga schoolmates namin, at naming mga close sa kanya.

Nakakaiyak din tuloy. Sa amin lang kasi niya sinasabing gusto pa rin niya si Stefan. Hinding-hindi mo mahahalatang may gusto pa rin sya sa kanya kasi everytime na may magtatanong she'll deny it at walang makakapansing hindi niya sinabi ang totoo.

Nakakaawa na talaga siya. Love ko pa naman siya.

Ok, next time na lang ulit. ^_^

Xander's POV

Hi, back to me. Nakauwi na nga pala ako, kami pala.

Nagpapalit na ako ng damit ko dahil naka-school uniform pa ako.

Magluluto pa ako eh. Yeah, right. You read it correctly, magluluto. Tingin niyo naman sa akin di marunong magluto. Hoy, marami akong alam na gawaing bahay no. I can sweep the floor, wash clothes, mop the floor, and cook foods. Maaga kaming sinanay kasi hindi naman kami mayaman.

Kahit naman nasa ibang bansa tatay ko hindi naman kalakihan ang sinasahod niya. Pero kahit ganon, natutustusan pa rin niya ang mga pangangailangan namin. Naibibigay pa nga niya ang mga gusto namin pero dahil nga di kalakihan sahod niya, kapalit ng mga bagay na ibinibigay niya sa amin ang pag-aaral namin nang mabuti.

At dun ako proud sa sarili ko, kasi nasusuklian namin nila ate ang mga paghihirap ni tatay.

Hala, bakit napunta sa tatay ko?

Habang nagluluto ako, tinetext ko si Stefan. Sabi ko, " Uy, wag mo sana akong layuan sa nalaman mo." Paulit-ulit kong itinetext si Stefan pero ni isang reply wala akong natanggap.

Alam ko na naman yon eh. Nagpapakapraning lang talaga ako  na may pag-asang magrereply siya. Kung bakit naman kasi kahit alam ko na parang nagpapakabulag ako. :((

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dream Guy is My Lover BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon