WHAT IF 04: BROKEN PROMISES

15 0 0
                                    

TITLE: BROKEN PROMISES


Own Ending By: Lily Malison


"Tell me her name." Mahinahong tanong ko kay Vrix, agad naman siyang napatigil sa paglalagay ng mga damit sa maleta at napatingin sa akin.

"Do I really need to---"

"Please, I want to know." Seryosong pagkakasabi ko habang pinipigilan ko ang pagpatak ng luha sa mata ko.

"Grace." Tipid na sagot niya.

"Is she better than me?" Muling tanong ko.

"Ano bang klaseng tanong 'yan, Margotte?!" Inis na tanong niya sa akin.

"Bakit hindi mo na lang sagutin 'yung tanong ko. Is she better than me?" Muling tanong ko.

"Oo." Agad niyang sagot saka muling bumaling sa pagi-impake ng mga gamit niya. Ako naman ay napaupo sa gilid ng kama kasabay nang pagtulo ng luha ko.

"Kaya ba mas pipiliin mo siya kaysa sa akin? Mas pipiliin mong iwan ako? Talikuran ang halos dalawang taon na pagsasama natin bilang mag-asawa. 'Cause she's better than me? Ako ba, ni minsan ba wala akong nagawang tama sa relasyon natin? We've been together for almost 6years bago pa man tayo ikasal 2years ago. Sa 8yrs na magkasama tayo, wala man lang ba ako nagawang tama? O minahal mo man lang ba ako?" Seryosong tanong ko, kasabay ng pagtulo ng luha ko. Natapos na si Vrix sa pag-iimpake ng mga gamit n'ya kaya naman sinira na niya ang maleta at itinayo ito sa gilid.

"Minahal kita Margotte, at alam ng diyos 'yan. At hindi ko na rin kayang saktan ka pa ng matagal..."

"So ano 'tong ginagawa mo? Hindi mo pa ba ako sinasaktan sa lagay na 'to? Ano 'to joke? Nakikipagbiruan ka sa akin ganon ba?"

"Margotte----"

"Kung ang ibig mong sabihin sa akin ay napagod ka ng mahalin ako. Ang tanong ko lang ay bakit?" Seryosong tanong ko.

"H'wag mong ipamukha sa akin na ako lang 'yung nakaramdam ng ganito. Dahil alam kong maging ikaw, nararamdaman mo rin na unti-unti nang nawawala ang sparks sa pagitan nating dalawa," saad ni Vrix.

"Oo, naramdaman ko 'yon. Pero naghanap ba ako ng iba? Nag-file ba ako ng annulment? Iniwan ba kita? 'Di ba hindi? Kasi ayaw kong tuluyan na masira ang relasyon natin. At ginagawa ko lahat ng makakaya ko upang ibalik 'yung dating tamis ng pagmamahal natin. Pero ikaw? anong ginawa mo? Hinanap mo sa iba 'yung pagkalinga." Mariing pagkakasabi ko."Vrix, nangako ka sa akin noon. Na hindi mo 'ko sasaktan. Hindi ka lang sa akin nangako, maging sa harap ng diyos at ng mga magulang nating dalawa. Ang sabi mo sa akin noon, kapag dumating ang araw na bigla na lang mawala 'yung kilig sa'ting dalawa, gagawa ka ng paraan upang manumbalik 'yon. Ito ba 'yung paraan na sinasabi mo? Ang sumama sa iba at iwan ako?" Naiiyak na tanong ko.

"Intindihin mo na lang ako---"

"Vrix, matagal na kitang iniintindi. Ako ba, nagawa mo 'kong intindihin?" Mariing tanong ko habang tuloy ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata.

"Margotte, I'm so sorry. I'm really sorry. Sorry kung hindi ko nagawang tuparin ang lahat ng ipinangako ko sa'yo. Isipin nalang natin na marahil hindi talaga tayo 'yung nilaan ng diyos para sa isa't isa. Hindi kita gustong saktan, hindi ko gustong makita kang umiiyak. Pero mas masasaktan ka kung ipipilit pa natin ang isang bagay na hindi na nagwo-work, tulad ng relasyon natin. At wala akong ibang hinihiling sa diyos kundi ang makita kang masaya, kasama ang lalakeng pipiliin ka hanggang sa huli." Mahinahon at sincere na pagkakasabi ni Vrix."Aalis na ako, iniintay na ako ni Grace. Ingatan mo sana lagi ang sarili mo." Mahinahong saad ni Vrix saka n'ya hinila ang maleta n'ya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHAT IF Stories Compilations (a collaboration with Marigold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon