Pulutin Mo Lahat

10 0 0
                                    

SAYO ITO C,
Kilala na kita, kung snipper ako malamang duguan ka na, lalo na yang bibig mo yang napakalaki mong bunganga. Mga ngipin na puro sungki parang matatalim na pangil at ano yan? Sungay sa noo? Owemgiee. Oger, Ikaw si Shrek ung mahilig maligo sa putikan na parang baboy! Pero dahil mabait ako naliligo ka sa poso negro na puro tae lang naman ang laman. Natatawa ako sa'yo non stop ka, you are so witty! Isa kang henyo, araw araw iba't ibang kwento ang pinapahayag mo sa lahat. ISA KANG MALAKING JERBAK na mahirap iflush! Pasensya kung kumakain ka, may respeto ako sa pagkain pero sayo wala! Food yan kasi, naman kasi, yan na lang ang karamay ng mga single sa ngayon dahil walang Forever.

Ayan! Diyan ka magaling, sa pagkuha ng atensiyon ng iba, ano ka papeymus? Oy kahit jejemon sa kanto hinding hindi magpapa fan sign sayong ulaga ka! Sa mga mata mong parang laser beam kung umirap ka aba! Snobbers ang palaka, wala akong problema kung gusto mong magmaganda kanya kanyang trip nga daw daba? Sabi nga nila Chugs at Teddy walang basagan ng trip kaya wala akong pakialam kung snob ka ang punto ko eh walanghiya ka po, nung isang araw kasi naglalakad kaming magkaibigan papuntang Canteen, malamang break time, tapos nakita ko kung paano mo tiningnan mula ulo hanggang paa ang kaibigan ko. Tumaas ang kilay ko di ako na inform na isa ka palang judge pero mind you maganda naman talaga ang friend ko. Nasabi ko sa sarili ko na baka ganun ka lang talaga. Pinagsisihan ko na inintindi ko ung ginawa mo. Mali dapat pala noon palang sinampal na kita ng mga baryang nakaplastic na hawak hawak ko nun, ganun kasi ako pabaunan ni Mama barya as in barya sa umaga. Edi sana diba natalo ko pa ung pagsuntok ng mga gangster gamit ang four finger. Malamang wasak talaga yang mukha mo at yaang ilong mong peke ala eh! Parang clay siguro kasi na deform. Mali! Maling mali ang nangyari, matapos nun, may mga kwentuhang bayan na at mga bubuyog, langaw at bangaw na siyang bulong ng bulong. Kailan pa? Kailan pa nag cater ang Unibersidad na ito ng mga INSEKTO! Iba na talaga ang henerasyon ngayon pati insects ngstistrive na maging smart. Smart Mouth, Big Mouth devouring someone's identity, reputation and dignity. Nakakamatay, dapat sayo nalang tinapat ung mga un, diba nga dapat sa deserving? And fortunately you deserve to feel and experience what you did! Agh! Parang ung suspense movie na I know what you did last summer, naghiganti diba? Di mo alam un bobita ka eh.

Mga ilang buwan pa na parang ganun ang nangyari nung una masaya pa kami ng kaibigan ko we shrug it off, yeah! Shrug it off, tapos we Shake it off shake it off pasayaw sayaw pa kami ni friend. Pero kinatagalan, Ugh! LECHEFLAN! May mga hatred letters na siya. Salot daw siya, oo salot. Sino bang nagpasimuno ng mga ito? Salot? Paano? Ni wala siyang ginagawa sa kanila at sino ba itong mga SALI SALI AT SAWSAW SUKA na mga to? Mga Tampalasan sila, nanginginig ang kaibigan ko, di na niya kinaya bumigay na siya umiyak humagulgol at halos hindi makahinga, sabi ko sakanya okay lang yan famous ka kasi kaya madaming INSEKYORA sa paligid mo isa lang yan bebe bibigyan kita ng maraming love letter wag ka mag alala. Di siya nag salita, may nilabas siya isang kahon mga kasing laki ng karton na pang drop box, binukas nya ang mga ito, matagal na pala siyang ginagambala ng mga ito, multo isang nakakatakot na panaginip, inusisa ko ng mabuti kung ano ang nilalaman mga drawing pictures niyang photo shops may mangkukulam, mga hayop, mga nakakatawang larawan nakakatawa para sa mga taong sira ang ulo. Galit ako, galit na galit sa pagkat tinago niya sakin pinilit nya maging masaya namuhay na parang magaan ang isinabit nila sa katawan niyang maling pagkatao. Puro kasinungalingan ang isiniwalat sa lahat, mula sa maliit na bibig hanggang sa nagpabago bago ang chismis, sang katerba, bakit? Bakit siya pa ang pinili nyong sirain nagsisimula palang siyang bumangon pero binaon nyong muli ang pilit nyang tinakasan noon sa dati nyang eskwelahan ay ngayon nanunumbalik, Perpektong tao ba kayo? Perpektong tao KA? isa ka lang walang kwentang tao dahil ginamit mo yang bibig mo para manira ng tao. Palibhasa ikaw ang tinitingala ng lahat, magaling ka kasi diba? Matalino, mabait, mayaman, at ang mga nakakaawang mga mangmang ay agad kang nagustuhan, pinaikot ikot mo sa iyong palad ang isip nila, kawawa ung kaibigan ko, AWA? mali, maling salita, hindi awa ang kailangan niya ganti! Galit na galit ako SAYO. Di mo alam kung gaano mo sinira ang buhay niya.
Naapektuhan siya ng husto, mula sa isang masayahin at matapang na babae. DA FUDGE! ngayon nagbabago siya nilamon ng pagdududa ang isipan niya pilit kong pinalakas ang loob ni Mimi, araw araw gumagawa ng paraan para makalimutan niya lahat at ibalik ang tiwalang meron siya hanggang sa isang araw siya na mismo ang gumawa ng paraan

.

.

.


.

.

.

HOY! ano ka sineswerte? Mali ka ng iniisip bastos ka ah, Gagantihan kita tandaan mo yan.

Oo siya na mismo ang gumawa ng paraan para lumayo ako sakanya. Pinalayas, inalipusta, minura niya ako, sinabi niya sa akin na plastikamon daw ako (fan ako ni Owwsic so peram po ng words) Mi pa talaga ang orocan ha, nasaktan ako pero hindi ako sumuko patuloy kong pinatunayan na isa akong DIAMOND, I want to shine like a diamond at hindi ako pwet ng baso o plastic na kaibigan. Tinutulak palayo pero bumabalik parin sakanya dahil naniniwala ako na mali ang mga chismis nila. Matatalo namin ang chismis nato, wag ka, kahit pinagtulukan niya ako naumpog din sawakas ang ulo ni Mimi at narealizes niya na andito at totoong kaibigan sakanya. Alam mo, sana makita ka rin ng diwata sa ginawa mo, parusahan ka niya na magsaboy saboy sa buong Maynila ng feathers....... Hoy ano ka sineswerte IN YOUR UGLY FACE! Di pa un ang punishment kundi dapat mong lipunin lahat as in lahat ng sinaboy mong feathers sa Maynila at ibabalik mo un sa kung saan mo unang nakuha. Kaso walang diwata dito, sa lahat ng sinaboy mong kamalasan ni katiting na pagsisisi wala ka ang kapal mo po, kahit kailan talaga hindi mo na mababawi ang ginawa mo kahit magmakaawa ka pa na bawiin yun,

Alam ko wala akong karapatan pagtawanan ka dahil may sarili rin akong hinaharap ngayon, pero sa lahat ng ginawa mo masaya ako na umalis ka, dahil dun nakapagsimula muli si Mimi by the way pati ung iba mong alipores umalis so medyo bawas bawas din ng kaaway pag may time. Ngayon unti unti na nilang nakikilala si Mimi kung sino siya na walang anu ano pa, isang babaeng mabait at may busilak na puso. Ako, di ako mabait dahil sinusulatan kita ngayon pero sana maalala mo ang pagkakamali mo dahil may sakit kang malubha. Nawa matuto kang magpakumbaba at humingi ng tawad iba talaga, What you reap is what you sow.

WALA AKONG AWA SAYO,
Beybi

SarkastikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon