PANIMULA - The Sculptor

16 1 0
                                    

Disclaimer:
The novel is just a work of fiction, and so is the nine-dash line.
__________________________________________________________________

Siksikan na, Miguel, I'm sure mamaya mangangamoy na naman tayo,” reklamo ni James sa akin habang siniset-up ang dalang camera.

Hindi ka pa ba sanay, James? Kalma lang dapat, gayahin mo si EIC Miguel oh,” natatawang sagot ni Joy sa kanya.

Napailing na lang ako sa biruan nilang dalawa at nag patuloy nalang din sa pagset-up ng dala kong camera. Kailangang pulido ang mga makukuhang larawan para sa bagong isyu na ilalabas ng pahayagan namin.

Apat na taon na rin kaming magkakasama sa tuwing may iko-cover na event at marami na rin kaming pinagdaanan sa loob ng The Sculptor Publication - the official student publication of a
Anuñuevo College of Arts and Letters (ACAL).

Matanda na rin ang eskwelahan na ito, nag-celebrate palang sila ng ika-100 years mula nang ma-establish ito noong 1924, American period pa at mga Thomasites pa ang mga guro na nasa pamantasan. Ang The Sculptor  naman ay naitatag naman noong panahon ng Martial Law noong 1974. Marami rin sa mga alumni namin noon ang nagwork sa underground noong panahon ng Batas-Militar para magpublish ng mga diyaryo na tumatalakay about sa societal issues noong mga panahong iyon.

Kaya, ang mga sumunod na henerasyon ng mga mamamahayag sa The Sculptor ay sinundan ng mga kabataang politically aware at hindi natatakot magpahayag ng opinyon, lalo na kung tungkol sa karapatang pantao.

Nga pala, ang mga kasama ko ngayon sa coverage, si James Caballero, isa sa mga junior photojournalist ng publication. Anak siya ng alumni namin na photojournalist din na si Sir Deo, isa sa mga nagwork underground noong panahon ng Batas-Militar. Si Joy de Jesus naman ang feature editor namin habang ako ang Editor-in-Chief ng publication at news writing naman ang gamay ko. 

Third year BA COMMUNICATION students at next year ay senior year na namin kaya malaki rin ang pressure sa amin since kami ang batch na may hawak ng maraming position sa editorial board.

Nandito kami ngayon sa Monumento de San Juan kung saan maraming estudyanteng taga-ACAL ang sumama sa welga. Nakaambang kasi ang Jeepney Phaseout na programa ng gobyerno kung saan ang mga tradisyunal na jeepney ay papalitan ng nga modernong jeepney at epektibo na ito sa mga susunod na araw.

Ani ng mga estudyanteng nakausap namin ay hindi lang mga draybers at operators ang apektado kundi pati silang mga estudyanteng commuters. At dahil mayroong student interest sa nasabing welga, kailangan namin itong i-cover as the eye, ear and voice of students.

Makibaka! Huwag matakot!” sigaw ng mga kabataang estudyante.

Humiwalay sa amin si James para naman pumunta sa kabilang hanay ng mga nagwewelga at kami nalang ni Joy ang naiwan sa pwesto. Patuloy lang siya sa paghanap ng mai-interview habang ako ay patuloy lang din sa pagkuha ng litrato.

Nga pala Miguel, ano ang theme ng bagong isyu ng The Sculptor? Parang wala pang napag-uusapan ang Editorial Board,” biglang tanong ni Joy.

Natahimik ako. Oo nga pala, wala pang main theme ang bagong isyu ng The Sculptor kasi busy din sa finals at sandamakmak na coverage. Pero nabanggit sa akin ni Ramon, ang news editor namin, na siguro ‘activism’ ang magandang angle since maraming mga taga-ACAL ang sumasali sa rally noong mga nagdaang araw.

“Wala pa. Ano ba maganda? Kasi suggestion ni ni Ramon, activism daw eh kaso risky kaya?” sagot ko kay Joy.

“Hindi risky kapag based naman sa facts. Unless hindi ka objective and fair,” at kumindat sa akin si Joy habang inaabot sa akin ang camera.

SULYAP...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon