CHAPTER 1

1 0 0
                                    

Kobe, Japan, 2018

"Bakanakotoha issai shinaideyo, ii, Yuki-hime?"

"Kiite imasu ka?"

Hindi pinakikinggan ni Yuki ang walang sawang babala nina Shino at Shiba na ‘wag nang ituloy ang balak niyang pagtakas. Sa halip ay inip na hinihintay lang niya ang kanyang order na Beef Shio Ramen sa isa sa mga sikat na restaurant sa Kobe Motomachi, isa sa pinaka malaking shopping center ng Japan. Hindi niya masisi ang dalawa dahil sa ilang beses na pagtatangka niyang pagtakas ay matinding parusa din ang natatanggap ng mga ito katulad niya. Ang dalawa kasi ang nagsisilbing tagabantay niya.

"Anata ga shiyou to suruto watashitachi wa anata o kizutsukemasu!?" pagtatanong ni Shino kung nakikinig ba s’ya. Hinampas niya ang mesa at tumingin sa mga ito. "Gomen'nasai, Bosu!" tila mga takot na tutang hinging paumanhin ng mga ito at sabay na yumuko sa kanya.

Sa wakas ay dumating na ang ramen na agad niyang kinain. Naaawa man siya sa dalawa ngunit ayaw na talaga niya sa buhay niya bilang prinsesa ng mga yakuza. Bukod sa magulo at malayo sa normal ang buhay niya dito ay hangad din niyang mahanap ang isang tao sa Pilipinas.

Matapos kumain ay nagtungo siya sa palikuran habang abala pa rin sa pagkain ang dalawa niyang kasama. ‘Di nagtagal ay pa-simple na siyang tumakas at agad na nagtungo sa Kobe station. Ngunit pagdating sa station ay agad na siyang naharang ng ilan sa kanilang mga tauhan. Mabilis lang niyang napatumba ang mga ito ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalayo nang may muling sumugod sa kanya. Naiwasan man niya ang pag-atake nito ay matinding laban naman ang naging kasunod noon. Hindi maipagkakailang isa siya sa pinaka magagaling na Yamaguchi pagdating sa pakikipaglaban dahil sa matinding training na meron siya mula pagkabata. Kahit sa buong organization ay walang makatalo sa kanya, maliban kay Kenjin. Si Kenji ang isa sa pinaka magaling na tauhan ng kanyang lolo at nagsisilbing kanang-kamay nito.

Nataman man niya si Kenjin ng dalawang beses sa mukha at sa sikmura. Pagdating naman sa ikatlong atake sa braso ay walang kahirap-hirap na sinalag nito ang sipa niya saka hinawakan ang mga paa niya. "Princess, please stop this stupidity. You know you can't do anything as long as I'm here."

"No! I'll make sure I will escape and have my own life!" patuloy pa rin siya sa pagpupumiglas. Ilang tama at sakit pa ang naranasan niya bago siya ibalibag nito sa loob ng sasakyan.

Pagdating sa mansyon ay matinding galit mula sa kanyang Lolo ang hinarap niya. Ipinatali siya nito saka siya hinagupit. Bali wala na ang sakit na nararanasan niya mula sa mga palo nito. Dahil mas matinding sakit ang nararanasan niya sa bawat oras ng pananatili niya doon.

"You, stubborn brat! You will stay here for three months!" galit na sigaw nito matapos niyon ay malakas na pagbagsak na ng pinto ang narinig niya bago siya tuluyang nawalan ng malay.

Manila, Philippines, 2018

Sa kabilang banda sa Pilipinas, ang kauna-unahang super typhoon sa taong 2018 ang na nanalansa sa buong bansa. Habang sa munting bahay ng mga De Guzman ay prenteng ine-enjoy ni Kasandra Ruiz ang malamig na panahon habang nanonood ng paborito niyang palabas na W: Two World. Hindi niya maiwasang magsaya dahil sa mga nakalipas na buwan ay abala siya sa kanyang trabaho bilang Auditor sa isang outsourcing company. Tanging ang araw na iyon lang siya nakapagpahinga ng maayos at sa wakas ay nagkaroon pa siya ng oras na mag-marathon ng mga K-dramang matagal na niyang nais mapanood.

Habang nakaupo sa sahig ng kanilang sala ay kumakain din siya ng pambansang meryenda ng mga pinoy, ang turon. Kukunin na sana niya ang natitirang piraso ng turon ng may kung sinong nauna nang kumuha dito. "Ooy!" angal niya at napatingin sa kumuha. Bumungad sa kanya si Calvin, ang bestfriend kuno niya pero lagi naman siyang inaasar. "Hoy! Akin ‘yan!"

Perks of being my First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon