CHAPTER 5

1 0 0
                                    

"We're here!" deklara ni Charm ng sa wakas ay makarating na sila sa island.
"Woah! White sands!" agad na sabi ni Juvy.
"Hmmm... Fresh air and great view!" ani Kasandra at nilingon niya ang katabing si Calvin.
"What a wonderful resort!" sabi naman ni Liezel.
"Uhh... Sexy babes..." kumento ni Kervin ng makita ang ibanh mga guest sa beach.
"Nice! OA kayo, ha!"
"Charm, maganda naman talaga kasi dito at nag-e-express lang kami ng nararamdaman namin. Anyway, it's a free country! We can do whatever we want!"
"Kervin, kung wala kang magandang sasabihin 'wag ka nang magsalita."
"Charm, you're not listening. I said 'MAGANDA naman dito'."
"Arg! Shut up Kervin! Just please, shut up!"
"Guys, tama na 'yan nandito tayo para mag enjoy!" awat ni Mariel sa dalawa.
"Tell that to him!"
Kinuha na nila ang kanikaniyang mga bagahe. Calvin took over her things. Isang bag lang kasi ang dala nito samantalang dalawa ang sa kanya. Isang bagpack, at isang overnight bag lang ang mga iyon. Pero kinuha pa rin nito ang lahat. Parang walang kahirap-hirap na dinalang lahat nito ang mga bag nila. He is a real gentleman when it comes to that. He never let her suffer from bringing things. One thing she adores about him.
"Bakit ba ang dami mong dalang gamit? Two days lang naman tayo dito." Narinig niyang tanong ni Liam kay Liezel mula sa likuran niya.
"Anong madami? Eh, kulang pa nga ang nadala ko."
"How long do you think we will stay here? One month?"
Napalingon silang lahat kila Liam at Liezel na nagtatalo na naman. Madalas niyang makita ang dalawang ito sa mga party ng Torres at may mga pagkakataon na nakakausap at naging kalaro din nila ang mga ito noong mga bata pa sila. Pero ito ang unang beses na makakasama at makakabonding niya ang mga ito sa loob ng dalawang araw.
"Liam, can you just help me with this?"
"Nagdala ka ng dalawang maleta at isang overnight bag! Samantalang dalawang araw lang tayo dito. Ngayon magdusa kang magdala n'yan ng mag-isa."
"You're so rude, Liam Magdangal! I hate you!"
Iniwan na ni Liam si Liezel. May mga resort staff naman ang lumapit na dito para tulungan itong dalhin ang mga gamit nito.
"Liezel, lets go," sabi ni Maryst na pinapakalma si Liezel.
Muli na niyang binalingan si Calvin, "Ano kamo ang sabi mo kanina?" May sinasabi kasi ito kanina ngunit hindi na niya nabigyang pansin nang dahil sa eksena nina Liam at Liezel.
"I said you're stubborn," ang tanging wika lang nito saka siya iniwan.
"Ha? Ano? Bakit? Anong ginawa ko?" tanong niya dito ngunit malayo na ito.
"You're sister is really silly."
"I know, right. Nakakapagod na nga, eh."
"Hey!" angal niya kay Juvy at sa kaibigan nitong si Amy na taga village din nila. "Ako ba ang pinag-uusapan n'yo?"
"Ate, wala naman akong ibang Ate. So, oo, ikaw nga."
"At paano naman ako naging 'silly'? I graduated with honor."
"Then, maybe you are a deaf?" side comment ulit ni Amy.
"Anyway, Kuya Calvin said he is looking forward to this trip. He hopes you two can have good memories together not just as bestfriend but as a real couple," paliwanag ni Juvy. Hindi siya makapagsalita. Hindi kasi siya sigurado kung maniniwala siya sa sinabi ng mga ito o pinag-t-tripan lang siya ng dalawa.
"Is she okay?"
"Okay lang 'yan. Medyo slow at manhid lang s'ya pero okay lang s'ya," usap ng dalawa habang naglalakad palayo. Habang s'ya ay naguguluhan pa din. Sa huli ay inayos na lang niya ang sarili at sumunod sa mga ito.
Pagdating sa lobby ay inasign sila ni Charm sa mga kwarto na gagamitin nila. "Liam and Kervin will join the suit, then Liezel and Maryst, Juvy and Amy, Kasandra and Calvin. At syempre ako solo."
"Wait, bakit kami magkasama ni Calvin?"
"Mag-fiance naman na kayo, and in a month ikakasal na kayo kaya okay lang na magsama na kayo sa iisang suit."
"P-pero…" angal sana niya ngunit wala na siyang nagawa. Hindi pa nga siya nakakarecover sa halik na pinagsaluhan nila sa boutique ni Charm dahil halos gabi-gabi niyang naiisip iyon paano pa kaya ngayon na magkasama sila sa sariling kwarto?
"Don't worry," wika ni Calvin habang nag-aayos sila ng gamit sa loob ng kwarto. "I saw they have tents na pwedeng hiramin. Sa tent na lang ako matutulog."
"Hey, you don't have to. Isa pa, 'di ba noong mga bata pa lang tayo ay madalas na tayong matulog nang magkatabi? Kaya wala kang dapat alalahanin."
"Pero parang ikaw nga itong sobrang nag-iisip ng tungkol doon." Lumapit ito sa kanya at pinisil-pisil ang balikat niya. "Anyway, just enjoy this trip." Naalala niya ang sinabi nila Juvy kanina. Sasabihin kaya nitong muli ang tungkol sa pagiging real couple nila? "Minsan lang ang gantong pagkakataon. Okay?" Matagal na katahimikan ang namayani. "Hey, are you okay? Did you hear me?"
"Huh? Tapos ka na bang magsalita?"
Tumawa ito ng malakas. "Yes, I'm done. Lutang ka na naman."
"Hindi kaya."
"Really, let's test that!" Hinatak na siya nito upang magpunta sa beach at sumakay sa banana boat!
"Oh, my, God!" sigaw niya ng magsimulang umandar ang boat.
"Woah!" Umaalingaw-ngaw ang mga boses nila ni Calvin at ilan pa nilang mga kaibigan na nakasakay din sa banana boat pero kasabay din noon ang kanilang mga tawanan at hagikgikan.
Sumunod nilang pinuntahan ang flying fish boat na mas extreme sa banana boat. Walang patid ang mga sigaw nila sa bawat pag-angat nila sa tubig. Extreme man ang ride ay na-enjoy niya iyon dahil si Calvin ang kasama niya. Sumubok din sila ng underwater snorkeling at scuba diving pero ang pinaka na-enjoy n'ya ay ang parasailing. Bukod kasi sa relax lang ito ay malaya ding nakapagkwentuhan sila ni Calvin habang nakatanaw lang sa magandang kalikasan. Tila bumalik sila sa pagkabata na ang tanging ginagawa lang ay ang magsaya.
"I miss your smile. I miss seeing you like that."
"Huh?" bumaling siya sa kaibigan.
Matagal itong nakangiting tumitig sa kanya na tila kinakabisado nito ang kanyang mukha bago lumingon sa malayo. "Mula kasi ng mapasakamay mo ang sing-sing ko hindi na ulit kita nakitang naging ganyan kasaya. All I want to do is to make you smile. To make you happy."
"Calvin…"
"Yet… it seems like I lost a big part of you."
"Please don't say that. To be honest, I feel happy. I am very happy whenever I'm with you. It's just… I feel pressured. Pressured of all their expectations. Then," hinawakan niya ang kamay nito. "I forget this. Nakalimutan kong hawak mo pala ang kamay ko at hindi ako nag-iisa. Thank you. Thank you for always being there for me. Susubukan kong mas i-enjoy pa ang new journey natin. At lagi na akong mag-i-smile." Pilit na ngumiti siya na ikinatawa naman nito. Maya-maya pa ay bumaksak na sila sa tubig. Agad siyang dinaluhan ni Calvin habang siya naman ay awtomatiko nang yumakap dito.
"Thank you," wika nito nang magkatinginan silang dalawa.
Kinagabihan ay nagkaroon ng bonfire. Masaya ang lahat. Sayawan. Kwentuhan. At syempre, kainan. Mayroon ding alcoholic drinks kaya ang ilan sa kanila ay tila may tama na.
"Yahoo!" Tumabi si Calvin sa pwesto niya. "Natikman mo na ba 'to?"
"Ano ba iyan? Patikim." Ang isang bagay na magkasandong-magkasundo sila. Ang pagkain.
"Ang sweet n'yo naman," wika ni Charm.
"Kasandra loves seafoods, Kaya nga halos lahat ng seafood resto sa Manila nakainan na namin."
"Pero iba pa rin talaga kapag fresh at sa tabing dagat mo s'ya kinain. Mas masarap."
"How about Calvin?" singit ni Liam "Natikman mo na ba? Masarap ba?"
"Ew!" agad na reklamo ni Liezel. "Ano ba iyang mga tanong mo? Kadiri ka talaga!"
"Kiss ang tinutukoy ko." Iminuwestra pa nito ang mga kamay. "Kiss! Ikaw itong madumi ang isip."
"Kunware ka pa. Iba naman talaga ang tinutukoy mo! Syempre nagkiss na sila."
"Yes, and I witnessed it once! Napakapassionate. Pang romantic movie!" saad ni Charm.
"What!" halos sabay-sabay na sigaw nila Kervin, Juvy... at Amy? Bakit parang kanina pa may alam si Amy? Well, she is her little sister's bestfriend kaya posibleng alam din nito ang totoo.
"Kailan? Bakit hindi ko alam!" reklamo ni Juvy saka siya sinamaan ng tingin.
"Pwede ba, huwag n'yo nga kaming ihot seat ni Kasandra," wika na ni Calvin.
"Okay! Then let's have a drinking game!" suhestyon ni Charm na agad sinegundahan nila Kervin at Liam.
Kervin clears the table while Liam gets a bucket of drinks. Then Charm starts to spin the bottle that pointed to Maryst who's already drinking a bottle of cocktail. "Truth or dare?"
"Truth."
"Okay. Hey, Maryst, here's your question."
"Go on."
"Do you have someone you love for a long time."
"Hell, yeah!" sabi nito at napainom. Napatitig siya dito. Medyo lasing na siguro ang dalaga. Hindi kasi niya naimagine na direct na sasagutin lang nito ang tanong ni Charm. And base sa pagkakakilala niya dito ay napaka mahinhin at sweet nitong tao. Well, maybe she doesn't know her well.
Maryst turned to spin the bottle and now pointed to Calvin, "Truth or dare?"
"Truth."
"Can you love someone else?"
"What?"
"Besh, ang lalim naman ng tanong mo," singit ni Liezel habang seryosong nakatitig si Maryst kay Calvin. "What she's asking is did you love someone else before Kassy?"
"Ahm. Nope." Naghiyawan ang mga kaibigan nila habang siya ay tila nag-init ang mga pisngi.
Paanong 'no'? Eh, ilan na ang naging girlfriend nito. Tanong niya sa kanyang isipan.
"Okay!" sigaw ni Calvin nang tumapat kay Kervin ang bote. "Truth or dare?"
"Truth!"
"Do you still have feelings for your first love?"
"Uhh…" huni ng tropa.
"Drink!" sigaw ni Kervin bago nagshot.
"That's unfair!" angal ng ilan sa kanila.
"Truth or dare?" tanong naman ni Kervin kay Liam.
"Walang thrill ang truth, dare ako."
"Okay! Kiss the person next to you!" anunsyo ni Kervin. Nagulat ang lahat ng walang dalawang isip na hinalikan nito ang katabing si Liezel. Pagkatapos ng halik ay gulat pa rin ang dalaga.
Nagpatuloy ang masayang laro hanggang sa siya na ang tatanungin. "Truth or dare?"
"Dare."
"Kiss Kuya Calvin the way you kiss him the last time," napalunok siya sa dare ni Juvy.
"Drink."
"Aw. Why?" reklamo ni Amy.
"Maybe that's too intense for a young audience," sabi ni Liam.
"Woah."
Sa ilang beses na pagkakataong natanong siya ay puro 'drink' ang naging tugon niya kaya ngayon ay medyo tipsy na siya.
"Ate, huwag ka namang puro drink. Ang KJ na."
"Here's my question," wika ni Charm. "How long have you been in love with Calvin?"
"I have loved him since we were kids. He knows that. But now is totally different to the point that I can't explain. I’m just... I’m just happy to be with him."
"That's deep," comment ni Liam.
Dalawang rounds pa ang naganap bago mapuntang muli kay Calvin ang spotlight. "I dare you to kiss Kasandra on her neck."
Hindi niya alam kung anong meron sa kanya. Naabutan n'ya na lang ang sariling malayang ipinakita ang leeg kay Calvin at bahagya pang tumalikod dito. Maya-maya pa ay naramdaman na niya ang mainit na labi nitong dumadampi sa kanyang leeg.
"Wohuh!" sigawan ng lahat.
Hinawakan niya ang cocktail na iniinom niya ngunit pinigilan siya ni Calvin. "That's enough. Lasing ka na."
"Talaga ba? Parang hindi ko naman nararamdaman," aniya habang tumatawa. "I'm just enjoying the night! Woah!" napailing na lang ito.
"Kassy!"
"What!? It's me again?" tumawa ang mga ito. "Whatever, dare!"
"Alright! Do a lap dance with Calvin!"
"What?" tumawa siya ng malakas pero sa huli ay ginawa niya pa rin.
"Wohuh!"
"That's my girl!"
"More! More! More!"
Then suddenly I strip half way down.
"Woah!"
"Okay, that enough! You're drunk. We're going." tumayo si Calvin at binuhat siya na parang sako. Narinig niya ang hiyawan ng mga kasama at kahit palayo na sila ay sige pa rin siya ng tawa at pag-suntok sa hangin.
"Wohuh!" huling pahabol niya. "Yeh!" bago tuluyang naramdaman ang matinding hilo. "Calvin, dahan-dahan naman. Nahilo tuloy ako," aniya nang ihiga siya nito sa kama.
"Ako pa? Eh, ikaw itong maraming ininom," wika nito habang nakahawak sa magkabilang bewang.
Hindi niya ito pinansin at sa halip ay hinatak niya ito pahiga ng kama bago pumaibabaw. "I'm not. I'm just happy to finally enjoy things with you without thinking about others." Ngumiti siya habang pinagmamasdan at hinihimas ang mukha nito. "Can you kiss my neck again? It felt so good." She lowered her head and started to kiss him. Saglit itong gumanti ngunit agad itong tumigil at tumayo.
"Lasing ka na nga," umayos siya nang pagkakahiga habang kinumutan naman siya nito. "Matulog ka na. While, I need to take a shower." Dahil sa hilo ay nakapikit na lang siya pero naramdaman pa rin niya ang banayad na paghalik nito sa kanyang noo. "Goodnight."
"Goodnight."













***Author's Note***
Follow me on Facebook for full story.

https://www.facebook.com/kalishiajoy.dreame

😊🥰😉

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perks of being my First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon