Chapter 4: Flashback - Mae at Gaby

24 3 0
                                    

Natapos ang school day nang biglang bumuhos ang ulan. Ang iba, nagtampisaw, ang iba naman, biglang tumakbo kasi walang dalang payong. Parang isang kwentong pampelikula lang.

Pauwi na si Mae ang bigla siyang napatigil sa harap ng isang bookstore. Bigla niyang naalala ang kanyang ex-boyfriend na si Gabriel or Gaby na lang for short. His full name is Gabriel Alcantara.

Bigla niyang naalala ito kasi dito sila unang nag kakilala...

-Mae's POV-

-- sign: HEAVEN BOOKSTORE --

Ah, eto isang bookstore... Baka nandito yung hinahanap ko na libro. Nai-release na raw kasi ang Icha Icha Tactics na young adult version. Binabasa rin kasi yun ni idol, si Kakashi Hatake...

Pumasok si Mae sa loob at hinanap ang librong kanyang ninanais

Shelf # 23... 24... 25...

Hay, andito pa kaya yun?!

26... 27...

Hanggang sa may nabunggo si Mae sa harapan niya nang di niya namamalayan nung una. Nabuwal siya pati yung nabunggo niya.

"Aray... Ay, sorry po..."

"Okay lang 'yun" Biglang tumayo yung lalaki at inabot yung kamay niya kay Mae para tulungan siyang makatayo.

"Sorry po talaga kuya... May hinahanap lang kasi ako... Yung bagong release ng Icha Icha Tactics."

"Oh talaga? 'Yun din yung hinahanap ko! Sabay na tayo."

"Sige, ok lang sa akin."

"Im Gabriel by the way. Gabriel Alcantara. Gaby for short."

"Mae. Mae Dimaculangan."

Nag patuloy sila sa pag-lalakad...

"So... Saan ka nag-aaral?" Biglang tanong ni Gaby.

"Sa Munsci..,

"Dun ka rin?! Hahaha! Mag ka schoolmates pala tayo eh!

"Hahaha! Oo nga noh. Katuwa naman. Tapos dito pa tayo nagkakilala..."

"Nakakatuwa talaga. Teka, ayun 'yun diba?"

-- SHELF #45

--Icha Icha Tactics

--by Jiraiya Sama

"Loko, sino kaya 'yung author na yan at ginamit pa pangalan na Jiraiya? Sa Naruto yun diba?" Biro ni Gaby.

"Haha! Alam mo rin pala ang Naruto? Oo, si Jiraiya nga 'yun, isa sa naging mentor ni Naruto."

"Naman! Mahilig ako 'dun eh!"

Nagpatuloy

Alam Mo Na Hindi Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon