Chapter 2: "Naiwan Mo Kasi 'To Eh"

56 5 4
                                    

"Guys, tigil!"

"Allen, pang sampung late mo na 'to ah."

"Ooh! Ang daming late ngayon!"

Isang tipikal na araw para sa ating mga student council members. Ang kanilang secretary, si Aivie Navarro, ay busy sa pag-sulat ng pangalan ng mga violators sa kanilang SC logbook. Ang president naman na si Miguel De Jesus, ayun, kinakausap ang Coordinator of Discipline sa kanilang department tungkol sa mga latecomers na paulit-ulit nalang.

"Mae!"

"O bakit, Aivie?"

"Pwede ikaw muna ang mag-sulat? Kakausapin ko lang si Kuya Miguel, eto kasing si Allen Pablo, pang-sampung late na niya ito, sunod-sunod pa. Wait lang ha."

"No problem Aivie, basta ikaw."

Nanlaki ang mga mata ni Mae sa logbook. Ang daming na palang pangalan ang nailagay pero hindi pa nailalagay lahat ng violators.

"Patay tayo diyan... Ang dami..."

Pero hindi siya pinigilan ng kaisipang ito at bagkus ay nagpatuloy sa pagsusulat ng mga violators.

Allen Pablo... IV-B... Late Jullani Estrella... II-A... No ID... Ethan Coladilla... II-A... No ID...

Hanggang dumating na si Aivie

"Uy! Thank You Mae!"

"No problem." Nakangising sagot ni Mae.

-EJ's POV-

"Guys, pinapatawag tayo ni Sir ah. Meeting daw ehh, para yata iyon sa mga training ng mga third year students natin."

"Walang problema sa akin. Makakadalo ako." Ani ni Justin Cayman, best friend ni Ej at campus heartthrob.

"Sa iba, hindi ba pwede? Sabihin niyo lang"

"Ej, lahat kami makakadalo.''

"Good! Dismissed!"

Napatingin ang lahat sa kanya, and then sa bawat isa, tsaka natawa.

"Ej! Nagimproved ka ah!"

"Hahahaha! Sige, mamaya nalang hapon, uwian."

"Aye aye captain!" Umalis na nagtawanan ang mga loko.

Tapos na pala ang flag ceremony. Wala na rin ang mga estudyante, pwera lang sa mga SC members. May meeting na naman yata.

Anyway, 'di ko na problema 'yun. 'Di muna ako babalik sa classroom. Tambay muna nang saglit.

Ay, aalis na sila. Sige dun muna ako, pagkaalis nila nang tuluyan.

Nang makaalis na ang mga SC members...

Ang sarap. Ang tahimik. Mapayapa akong mapapaisip nito.

Teka, ano 'yun...?

Nakakita ng wallet si Ej. Pink. Pahaba. Tapos may nakasulat sa harap na Libra.

Siguro isa 'to sa mga SC members kanina. Tingnan ko nga lang yung laman.

May personal info, cards, WOW SOSYAL, ay, cards lang pala sa isang arcade akala ko Credit Card, uy TOKENS, ay sa Fun World lang pala akala ko sa Timezone.

Nakalagay sa kanyang info ay...

Name: Mae Dimaculangan

Age: 13

School: MunSci (Muntinlupa Science High School)

Year & Section: VII-A

Ibibigay ka nalang ito sa kanya, tapos babalik na ako sa classroom.

Pumunta si Ej sa classroom ng VII-A. Kumatok siya. Nagkataong si Mr . Vargas ang nandun, ang adviser ng naturang section na 'yun.

"Sir, may I excuse Ms. Mae Dimaculangan?"

Biglang nag-cheer ang buong classroom. Ayie diyan, Ayie doon. Mga grade 7 talaga...

"Yes you may Ej. Mae?"

"Yes sir?''

"May nage-excuse sayo sa labas. You may leave the classroom for a while."

"Yes sir."

Sa labas ng classroom...

"Hi."

"Hi din po, kuya.''

"Haha. Ej nalang itawag mo sa akin."

"Okay... Ej... Bakit niyo po ako inexcuse?"

"Ah, eto... Naiwan mo kasi eto kanina sa student lounge, nakita ko kanina nu'ng nakaupo ako dun."

Inabot ko sa kanya yung wallet. Bakas sa mukha niya kung gaano siya kasaya.

"SALAMAT PO KUYA! Ay, Ej pala... Hahahaha! Basta salamat po talaga!"

"Sus, wala 'yun... Nice to meet you by the way."

"Likewise, Ej."

Ngumiti siyang nagpaalam at bumalik sa kanyang classroom. Ganun na rin ang aking ginawa.

-A/N-

Sorry kung maikli itong chapter...

I'll be updating as soon as possible :)

Alam Mo Na Hindi Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon