Batangas***
Nakakatuwa namang isipin na nakaabot ako sa examination. Muntik na akong pagalitan nung Prof namin. Talagang minalas lang ako nung araw na 'yun.
Tila ba ay nawala ang kaba ko habang nagta-take ng exam. Di ko alam pero hindi talaga ako kinabahan. Siguro sa dami na rin siguro ng nangyari sakin nawala na yung kaba ko.
“Ano Yva naging madali ba yung test para sayo?” tanong ko kay Yva habang kumakain kami ng cassava cake.
“Grabe alam mo di ko alam kung pasado yun, yung iba dun hula-hula ko lang.” sagot nya habang ngumunguya.
“Same, pero di ako kinabahan.” sabi ko naman sa kanya. Binuksan ko ang dala kong bag at kinuha yung little mirror. Palagi ko na 'tong dala. Agad kong tiningnan ang hitsura ko sa salamin.
“Shocks!” sabi ko ng makita ang hitsura ko na parang pagod na kangaroo. Todo ayos pa naman ako kaninang umaga para magmukha naman akong tao pero parang nawalan na yun ng saysay.
Tiningnan ko ang mukha ni Yva na busy sa pagkain. Ngayon ko lang narealize na ang ganda pala nya haha
Muntik na ata syang matunaw sa pagtitig ko. Agad syang nag snap nung kamay nya sabay sabing, “Huy! Bakit ganyan ka makatingin?”
Agad akong napabalik sa ginagawa ko. “Wala ang ganda mo” sabi ko bago ilagay ulit sa aking bag yung salamin.
“Haha crush mo ko 'no? Yiee Ikaw ha Lugin di ka nagsasabi saken. ehe” pang-aasar nya sakin.
“Napaka-ano talaga nito, napatingin lang e bakit ba. Tara na nga!” sabi ko sa kanya at akmang tatayo na pero agad nyang hinawakan ang pala-pulsuan ko.
Binigyan ko sya ng bakit-ano-na-naman-look.
Bigla na lang nya kong kinindatan sabay swag.
“Langyang 'to” sabi ko sa kanya na nandidiri pa.Agad syang tumawa ng malakas sabay kuha ng bag nya. Nagkahangin na naman ang utak nya. Tsk tsk. Hahabulin ko na sana sya pero narealize kong hindi pa nga pala bayad 'tong kinain namin.
“Langya talaga, naisahan ako dun ah.”
Gabi na at nakauwi na rin ako dito sa dorm namin. Halos tahimik lang dito ganun pa din. Nabobored ako kaya kinuha ko phone ko para tingnan ang mga socmed account ko.
May mga nagchachat sakin pero hindi ko naman nirereplyan. Wala talaga sa motto ko ang lumandi sa chat. Biglang nag pop-up yung message ni Yva. Akala ko kung sino pero ng makita ko yung nickname, ay alam ko na.
May Yva na sya:
— Punta ka dito sa rooftop now na. May sasabihin ako sayoHuh? Aba at nasa rooftop pa ang luka. Ano naman kayang ginagawa nya dun? Agad akong nag-type.
— Bakit? tinatamad ako, dito mo nalang sabihin sa chat
Agad nya itong naseen. Typing..
May Yva na sya:
— Sige ganyan ka na“Oh, I'm here na. Ano ba sasabihin mo?” sabi ko sa kanya, nakita ko yung pagkagulat na reaksyon nya. Nabigla siguro kasi akala hindi talaga ako pupunta.
“Mabilis ka pa sa kidlat ha” sabi nya at lumapit sakin. Dahan-dahan nyang itiningala yung mukha ko para makita ko ang madilim na kalangitan.
Agad akong napangiti ng makita ko yun. Ang daming stars!
“Ang ganda” mahinang sabi ko habang pinagmamasdan ang lahat ng iyon.
“Na-miss mo?” tanong ni Yva habang nakatingin rin sa langit.
“Oo, sobra” sagot ko, hindi parin mawala sa mga labi ko ang labis na kaligayahan. Normal lamang naman to para sa iba pero para samin hindi.
Sa tuwing nakakakita kami ng napakaraming bituin, naalala namin yung nakaraan. Noong mga panahon na wala pa akong iniisip na problema. Noong mga panahon na kasama ko pa sila Mommy at Daddy.
Namimiss ko na sila, sobra. Gusto kong umiyak pero ayokong gawin ito habang pinagmamasdan ko ang nagniningning na kalangitan. Gusto kong makita ako nila mom at dad ng nakangiti at hindi umiiyak.
Niyakap ako ni Yva. Alam nyang nakatago sa mga malalalalim kong ngiti yung sakit. Alam nya yung tunay na nararamdaman ko ngayon.
Huminga sya ng malalim bago nagsalita. “Gusto mo bang umuwi tayo sa Batangas bukas?” tanong nya sakin dahilan para mapawi ang lungkot na nararamdaman ko.
Sobrang miss na miss ko na ang tahanan ko. Halos 15 years na ata akong hindi nakakabalik doon. Hindi ako makabalik doon kasi pinagbawalan ako nina tita. At isa pa, manganganib ang buhay ko kung babalik ako dun. Hays, Gustong gusto ko ng makabalik muli doon. Naiisip ko na ito na rin marahil ang tamang panahon. Panahon na para kumilos, panahon na para simulan kong malaman ang katotohanan. Kinakabahan man pero wala na akong paatubiling sumagot.
“Sige”
Author’s Note:
February 23,2022 | Sa wakas nakapagsulat din kahit maikli lang ang Chapter na ito :) Srry sa matagal na update! Ngayon lang ulit nagkahangin utak ko hahaha. Salamat sa matagal na paghihintay samahan nyo muli ako sa mga susunod na kabanata. </33
YOU ARE READING
It's Better to be Bitter (On-going)
Teen Fiction"Ako yung babaeng allergic sa love" - Luis Genefier Rodrigo Ang sabi nila, lahat daw ng nangyayari sa ating buhay ay nakatakda ng mangyari. Yung para bang nakasulat na ang magiging buhay mo bago ka pa lamang isilang dito sa mundo. Ang sabi naman ng...