7:30AM
I woke up---that time. Excited na excited ako kasi magkikita kami ulet sa school. This time, is our big day. Syempre, excited din siya kasi alam niya na 3rd Anniversarry namin. Yeah. Tatlong taon na kami. At dahil 18th birthday ko din ngayon. Big na big day talaga.
"Bye, mama! Pupunta na po ako sa school!"Paalam ko kay mama, I kissed her in the cheeks.
"Ingat anak, Umuwi ng maaga. Maghahanda pa tayo sa debut mo. Happy birthday!"Ngumiti naman ako, I kissed her again.
"Thankyou mama, Teka--Asan si papa?"Tanong ko sakanya,
"Tulog, pagod sa work."
"Sige po, Mama. Aalis na ako. Baka malate po ako eh. Bye po ulet!"I kissed her again before leaving. Bago ako makalabas ay minake sure ko talaga kung dala-dala ko ang gustong bilhin niya nung time na pumunta kami sa mall noon. Gusto lang niya naman kasi ng bagong cellphone. That time kasi, bibili kami ang kaso lang. Nanakawan siya ng bag. Andoon yung pambili niya ng bagong phone kaya hindi natuloy.
Sumakay ako sa sasakyan namin at wala pang-20 mimutes ay nakarating na ako doon. Masayang-masaya akong naglalakad sa corrid, Para akong tumatalon-talon sa saya habang tinitignan ng mga ibang estudyante. Napaka-blooming ko. Nakarating ako ng classroom at ang buong akala ko andoon siya. Wala, late nanaman yun. Hay nako! Lagi namang late yun tuwing magc-celebrate kami ng Anniversarry at Monthsarry! Pero okay lang, bumabawi naman sakin 'yun eh. ^_^
Dumaan ang tatlong subject, recess, dalawang subject ulet at lunch break ay wala parin sya. Hindi papasok? Bakit kaya? Sa sobrang pagaalala ko ay tinawagan ko siya at saka ko lang narealize na wala sakanya ang phone niya. Haaaaay. I decide to wait until dismissal. Hindi ako naubusan ng lakas, masigla pa rin ako!
I texted mama na male-late ako sa pag-uwi, sinabi ko na sila muna ang bahalang mag-ayos ng debut ko. Nagpasya akong pumunta sa condo niya, na malapit lang sa school kaya nilakad ko.
Nasa tapat na ako ng pintuan niya, Naglabas ako ng matamis na ngiti dahil sa nararamdaman kong excitement ngayon. I opened his door and went to his room. Wala sya doon. Asan naman sya? Bumaba ako at dumiretso sa kusina. Wala parin sya. Nagalala nanaman ako. Naglakad ulit ako papunta sa kwarto niya, Sa CR kaya? Binuksan ko ang CR and then i saw a guy! What the heck?
"Ahhhhhhh!"Sigaw ko habang nakatingin sakanya,
"What the----!"Dali-dali syang kumuha ng towel para ipantakpan sa sarili niya.
"S-sorry!"Sigaw ko sakanya, at sinarado ang pintuan. Sino 'yun? Sino yun? Nakakatakot ang nakita ko! AHHH! Maglalakad sana ako ng marinig kong bumukas ang pintuan at lumabas ang lalaking kaninang nasa banyo.
"Sino ka? Asan boyfriend ko?"Tanong ko sakanya, "Bakit andito ka sa kwarto nya? Paano ka nakapasok? Magnanakaw ka ba na nakikiligo? Oh my gosh! Tatawag ako ng police!"Sigaw ko sakanya at akmang kukunin ang cellphone ng pigilan nya ako.
"Sorry miss, ang pag kakaalam ko. Kwarto ko 'to at ako dapat ang nagtatanong sayo kung bakit at paano ka nakapasok dito, Ikaw siguro ang magnanakaw. At hindi ako dahil kwarto ko 'to may karapatan akong maligo, Rapist ka ba?"
"Anong rapist!"Hinampas ko siya. "Hindi ako rapist! Girlfriend ako ng may-ari ng kwartong 'to! Saka kung magiging rapist man ako, Hindi kita papatulan!"I heard him smirk.
"Gusto mo bang ipareport kita?"Nabigla naman ako sa sinabi niya.
"Ikaw! Hindi ka mabiro! Sige. Rapist na ako! Lalabas na ako! Ay! Magnanakaw nalang pala! Kukunin ko 'yung vase mo ah!"Sabi ko sakanya at kinuha ang vase na nasa gilid.
BINABASA MO ANG
Sunday's Breaker
HumorSunday hates vex. Sunday needs ice cream. Huwag natin syang istress-sin.