“ANONG nangyari diyan sa kaliwang pisngi mo Macy,bakit namamaga iyan?”tanong ni Charm ng makaupo kaming dalawa. Andito kami sa loob ng cafeteria. Sinamaan ko siya ng tingin ng maalala ko ang ginawang pagsampal sa akin ni Mama kahapon. Hanggang ngayon ay namamaga at namumula parin ang kaliwang pisngi ko kahit na nilagyan ko na ito ng yelo kagabi.
“Relax Macy,ang aga-aga ay tumataas na naman ang blood pressure mo baka mamaya niyan ay aatakihin kana ng highblood,”kuwan ay humagikhik siya na para bang may nakakatawa sa mga sinabi niya. Kung hindi ko lang kaibigan ang babaeng ‘to ay baka matagal ko na itong sinapak.
Wala talaga ako sa mood na makipagbiruan sa babaeng ‘to ngayon. Tinuon ko nalang yung pansin ko sa hotdog na nasa plato ko. Hiniwa ko ito ng pinong pino gamit ang lanseta. I'm wondering kung bakit hotdog ang tawag rito,ano ‘to? Mainit na aso,may highblood na aso? Manhood ba ito ng aso? If yes,yuck! That so gross... . Binitawan ko yung lanseta at ni layo sa harapan ko yung plato na may lamang hotdog.
“Oh,anong nangyari?”tanong ni Charm sa akin na nakataas ang isang kilay.
“Nothing. Next time ay huwag kanang bumili ng hotdog...”she nodded.“By the way, nasaan sila Trevor at Clint?”i asked.
“Nakita ko silang dalawa kanina na pumasok sa lumang building. Siguro ay tatambay na naman ang dalawang yun sa rooftop,”sabi niya habang nakasilip sa glass wall ng cafeteria.
Tumango ako at pagkatapos ay sumimsim ng yogart. Inikot ko ang paningin ko sa buong sulok ng cafeteria, marami-rami narin ang mga estudyante na tumatambay sa loob.
“Hoy! Macy,nakita ko yung ginawa mo kanina sa may gate...loka ka talagang babae ka,buhusan daw ba ng mineral water yung ulo ng isang estudyante,”tumatawa niyang sabi. Napangiti ako ng bahagya ng maalaala ko yung nangyari kanina sa gate ng Mellington University.
“She deserve it,haharang-harang sa daan na parang siya yung may ari ng paaralan...”that girl is getting through my nerve. Kung hindi lang ako nagmamadali kanina ay baka hindi lang ganun ang aabutin niya sa akin. I might choke her giraffe neck.
“Ang astig mo talaga Macy,bagay na bagay talaga sayo ang pangalan na binansagan nila para sayo na the evil bitch! ”humagalpak siya ng tawa pero ng makabawi ay agad naman siyang nag seryoso.“Paano kung ipatawag kana naman sa dean official ?What if ma-detention ka ?”
Dapat bang problemahin yun? Hindi pa ba siya nasanay na palagi akong napupunta sa dean office,go to detention room,suspend for a week? Umiling nalang ako at kinagat ang burger.
Hindi lang sa mga nobela nangyayari ang mga ganitong bagay. I'm a bad bitch,the bully queen in this university. Ako ang kontrabida sa lahat ng mga kwento ng mga bida.
Isa akong malaking tae sa unibersidad na ito pero hindi lang nila ako magawang i-kick out dahil malaki ang pakinabang nila sa akin pagdating sa sining. Isa ako sa pinakamagaling na estudyante sa BS Architecture. I'm good in art at malinis kung magtrabaho.
“Charm,may load ka ba?”sandali kong tinignan ang relo ko sa aking braso. It's already 9:35 in the morning at napag-alaman ko na walang klase sa next subject dahil may importanteng lakad ang professor ko sa Geometry.
“Wala e,kaka expired lang ng load ko kahapon. Bakit ba?”
“Tatawagan ko sana si Clint,may lakad tayo ngayon.”
“Saan naman tayo pupunta?”hinawi niya ang hibla ng kaniyang buhok na tumabon sa kaniyang kaliwang mata.
“Sa badass bar, magliliwaliw tayo d’on!” nakangisi kong sabi. Mas gugustuhin ko pang pumunta sa maiingay na lugar kaysa sa umuwi sa impyerno kong bahay. Paniguradong masisira lang ang araw ko kapag makikita ko ang pagmumukha ng mga pamilya ko.
BINABASA MO ANG
[Sozhalet' Series#1] Luha Ng Pagsisisi
BeletrieLuha Ng Pagsisisi ay kwento ng isang suwail na anak. Anak na walang ibang ginawa kundi ay ang pasakitan ang ulo ng kaniyang mga magulang. She's lazy, a war freak girl... hanggang kailan pa kaya siya magiging ganito? Hanggang kailan pa kaya siya magb...