1

8 0 0
                                    

Leshe. Bakit ngayon pa?

Hindi ako handa. Hindi ako nakapaghanda. Sabagay, wala naman talaga akong balak na maghanda.

Nyeta kasi. Ba't biglang nagbigay ng quiz si Ma'am Galaiti?

Hindi ako nakapag-aral. At wala talaga akong balak mag-aral.

Ssh. Bukod kase sa pinanganak talaga akong natural na maganda, ba't kasama pa ang pagiging tamad?

Tch.

Naghahanda na ang lahat ng kanilang mga gagamitin para sa surprise quiz nga ni ma'am.

"Subject, Mathematics," mahinahon niyang sabi.

Shutangina tologo! Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng subject na pagpilian mathematics pa talaga ang napili. Talagang nananadya ang matandang dalagang 'to!

Pag di ako nkapagtimpi, kokoyatan ko na talaga 'to.

Pakshets lang kase. Bakit ba kelangan pa ng subject na Mathematics? Sabi ng iba, kelangan daw yun sa pang araw-araw na buhay. Bakit?

Pag ba bumili ako sa tindahan, kelangan may equation pang sinasabi? Gaya nare.

"Pagbili nga po ng 2.5x0.00008 na kilo ng bigas,"

Seriously?

Tss. Pero kelangan ko naman gawin ang aking mumunting tungkulin bilang isang STUPIDYANTE.

Binuksan ko na ang aking magandang bag, gaya ko. Kumuha ako ng papel at ng..

Teka..

Nasaan ang ballpen kooo?!

Punyemas. Punyemas talaga! Pag minamal-- I mean pag sinuswerte ka nga naman. *evil grin*

Mukhang nakikisama ang pagkakataon. Hihihi.

"Mam, may I go out? Kelangan ko lang pong bumili ng ballpen, I lost kasi eh,"

Shet naman Ores! Ikaw na ang nagtataglish.

Nga naman. May natututunan nga din naman ang mga gaya kong STUPIDYANTE eh! Level up oh!

Tatayo na sana ako ng bigla akong sigawan ni Mam.

"Ms. Dolores Beech! gamitin mo nga yang utak mo. Pwede ka naman munang manghiram sa iba ah? Bakit kelangan pang bumili sa labas?" nanggagalaiti niyang sagot sumbat sakin with matching laki ng kanyang ilong.

Teka, minumura ba 'ko ng isang 'to? 

Eh? Shung ko. Yun nga pala apelyido ko. Kaumay.

Ssh..

"Eh ma--" aalma pa sana ako ng pinandilatan ako ng mam ng mata. Oh gosh! Nakakatakot!

Leshe. Ampangit niya pag galit.

Yung akala kong swerte, naging malas. Kumbaga sa pagkapanalo, ginto na, naging bato pa.

Leshe again.

Manghihiram akong ng ballpen kung sino man ang meron. Nasa may bandang palabas na ako ng seating line ng biglang--

Boogsh!

Natapilok ang lola niyo. Nyemas.

"Pucha!" Pabulong kong sabi. Kamalasan nga naman oh-oh!

Ballpen - [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon