23

2.7K 81 4
                                    

Miss

My shoulder keep shaking as I tried to resist the sob. Akala ko tapos na ang iyak ko pero nang malaman ko pa ang totoong dahilan ng lahat ay hindi ko na muli napigilan maging emosyonal.

"Y-you don't have to do that..." saad ko sa bisig niya. Patuloy ang pag-alo niya sa akin kahit wala naman silbi 'yon. Mabuti na lang at nasa labas si Klezo nang makauwi kami, marahil alam nila mom na mag-uusap pa kami.

Hindi ko naman kailanman inisip pa ang maghiganti o isipan siya ng masama dahil sa nangyari. Yes, it was all wrong. It was horrible. Hindi kailanman magiging tama ang pangyayaring iyon, but I come to manage to get through everything with their help.

Akala ko nga, iyon na ang pinakamalalang mangyayari sa akin. Akala ko iyon na ang pinakapagsubok ko sa buhay na ito pero wala nang mas sasakit pa nang pati ang anak ko ay nawala sa akin. We didn't have  the chance to be with her, halos minuto lang ang tinagal niya sa mundong ito pero ang sakit na nadulot na iyon ay walang katumbas.

"I can't directly give you justice with what happened. But I hope this can be a way," dagdag na paliwanag niya.

Inayos niya ang mga takas na buhok ko sa aking basang mukha. He keep kissing my head but the shockness, fear and concern for what happened to him marks my mind and heart.

Umiling ako.

"Nilagay mo ang sarili mo sa kapahamakan! They can continue the operation without you, trabaho naman nila iyon!" asik ko.

He sighed. "I want to do it—"

"For me?" dugtong ko sasabihin niya. Paulit-ulit niya man sabihin sa akin, hindi maiibsan ang naramdaman ko sa isiniwalat niya. Yes, I am touched that he was risking for my sake. To get back at me. For the injustice.

But I never wanted him to be at risk. Hindi ko kailanman gugustuhin iyon. Alam niya dapat iyon... dahil sa kabila ng nangyari noon, siya pa rin ang pinili ko.

"Alright, stop crying please?" Muli niyang pinunasan ang magkabilang pisngi ko."I'll never hide anything again from you."

I gulped and closed my eyes tightly as I nod. Bago pa man ako magmulat ay naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa akin. Dinama ko ang labi niya at napatugon sa kalagitnaan. Maingat at marahan ang mga halik niya, malayong-malayo sa unang halik na ibinigay niya sa akin na hindi niya rin halos maaalala.

His lips cupped my lower lip softly, paulit-ulit na parang ayaw niya nang tantanan. His right hand pull me more, he even slanted his head for full access.

"Mmhh," I moaned against his lips when I am running out of breath. Ang dalawang kamay ko ay dumiin sa kanyang dibdib sanhi nang paghiwalay niya sa akin.

"Aw," He uttered in pain.

Mabilis kong inalis ang kamay ko. "I'm sorry!"

Naikagat ko ang ibabang labi nang makita ang ekspresyon niya. Ilang beses ko na bang nasagi ang sugat niya? Ako itong alalalang-alala pero paulit-ulit ko naman nasagi.

"Stop biting your lip now,"

Maang akong muling sinalubong ang mata niya. "Huh?"

"Nothing, I said let's rest already. Maybe Klezo is already asleep downstairs."

Sumang-ayon ako sa sinabi niya, at naunang tumayo. Sumunod siya at sabay kaming lumabas ng kwarto. Pagkababa namin ay tama nga kami ng hinala, natutulog na si Klezo sa sofa. Pinalibutan siya ng mga unan, si Dad pa ang nagbabantay na halatang inaantok na rin.

"Dad, akyat ko na po." Imporma ko rito, bahagya pang nagulat na nasa harapan niya na kami ng anak niya marahil sa antok.

He scooped Klezo and transfer it to my arms, I smiled as our son immediately hugs my neck while still sleeping.

Left with no choice (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon