ABALA ako sa pag-aayos ng mga libro nang nabaling ang aking tingin sa lalaking nagbabasa. Araw-araw siyang pumupunta rito sa bookstore pero wala man lang siyang binibili. Nasa isang sulok lamang siya at nagbabasa ng mga libro na hindi naka-plastic. Puwede naman siyang pumunta sa library kung wala dito ang hinahanap niya.
Mayamaya, nilapitan ko siya. "Excuse me, sir."
Hindi niya ako pinansin. Abala pa rin ito sa kaniyang pagbabasa. Hindi niya 'ata ako narinig.
"Excuse me, sir," I repeated.
Hindi niya pa rin ako pinansin. Kaya naman kinalabit ko siya at agad naman niya akong nilingon. Pagkatapos, nag-sign language siya.
"I'm sorry. I can't hear you. What did you say?" he asked.
Napaawang naman ang mga labi ko. I didn't expect that he couldn't hear. Ang akala ko hindi niya ako narinig dahil sa pag-focus niya sa kaniyang binabasa.
Mayamaya, nag-sign language rin ako. "I'm so sorry, sir. I didn't know. I just want to ask if you have already found the book that you are looking for. Napansin ko po kasi na parati kayong pumupunta rito. Baka kailangan po ninyo ng tulong?"
Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako. Kaya naman nagtaka ako.
May dumi ba ako sa mukha?
"Do you understand sign language?"
"Yes, sir. I studied sign language because I have a mute brother."
Nag-aral ako ng sign language upang magkaintindihan kami ng nakababata kong kapatid. Simula no'ng iniwan kami ni mama, ako na ang nag-alaga sa kapatid ko. Pumanaw na rin si papa pagkatapos no'n. Kaya naman ginawa ko ang lahat ng aking makakaya. Siya na lang kasi ang natitirang kamag-anak ko. Maliban kay mama.
Bakas sa kaniyang mukha ang pagkamangha. "That's great. I'm glad that I found someone like you. Can we be friends?"
"Sure, sir." I smiled.
"I am Luke Collins. Just call me Luke."
"It's nice meeting you. I am Carolina Arriola," pagpapakilala ko rin sa kaniya.
Nabaling ang aking tingin sa pinto nang may biglang pumasok. Pagkatapos, ibinalik ko ang aking tingin sa kaniya. "Maiwan ko po muna kayo." Paalis na sana ako nang bigla niya akong hinawakan sa kamay. Kaya naman natigilan ako at humarap sa kaniya.
Agad niyang binitawan ang kamay ko. "Do you have time after this?"
Hindi agad ako nakasagot. Wala naman akong lakad mamaya kaya okay lang.
Tumango-tango ako. Pagkatapos, agad na pumunta sa counter. Nilingon ko muna siya bago humarap sa customer.
"May rewards card po ba kayo, ma'am?" tanong ko habang ini-scan ang mga pinamili nito.
"Yes," tugon nito sabay abot ng kaniyang rewards card na agad ko namang kinuha.
Pakatapos ng trabaho, dinala ako ni Luke sa isang café na malapit lamang sa bookstore. Inilibot ko naman aking tingin sa buong paligid. Mayamaya pa, nabaling ang tingin ko sa kaniya.
"What do you like?" he signed.
Napatingin naman ako sa menu at napaisip. "Cappuccino," tugon ko gamit ang sign language.
"How about cake? Do you like cake?"
Tumango-tango ako at saka ngumiti. Agad naman siyang um-order. Tinitigan ko naman siya habang kausap ang crew. Even though he is deaf, he can communicate well. He tried his best.
BINABASA MO ANG
Love Sign (Will be Part of Grenierielly Book Publishing's First Anthology Book)
RomanceLuke Collins always visits the bookstore but never buys anything. He only did one thing: flip through the pages. Then he was noticed and approached by Carolina Arriola, who works at the bookstore, and found out he was deaf. But since she studied sig...