Kabanata 1

1 0 0
                                    

Pagbaba ng barko sa Caticlan ay bumungad sa akin ang napakaraming tao. Naghalo halo ang mga pasaherong nag hihintay ng kanilang barko, tricycle driver, at pamilya ng mga pasaherong katulad namin ay kakababa lang.

"Hari, wag kang humiwalay sa ate mo." Paalala ni mama.

Nilingon ko ang kapatid ko at sumabay siya sa akin ng lakad.

"Ma, sinong susundo satin?" Tanong ko habang naghahanap ng pamilyar na mukha sa alon ng mga tao.

"May ginagawa ang mga tito niyo kaya hindi nila tayo masusundo. Hayaan niyo na at malapit na din naman yung sakayan ng van."

Sa pagkakatanda ko bago makapunta sa isla ay sasakay muna kami ng van mula dito sa Caticlan at magbabangka papunta ng isla.

Nang tuluyan kaming makapunta sa sakayan ay nirentahan na lang ni mama ang buong van para umalis na agad at hindi na maghintay na mapuno pa. Matapos maayos ang mga maleta ay unang pumasok si Hari na siyang sinundan ko at ni mama.

Napalingon ako sa kapatid ko ng suotin niya ang earphones niya at tumanaw sa bintana. Si Hari ay 11 years old habang ako ay 14. Makulit at mapag birong bata si Hari kaya ang hula ko kung bakit siya tahimik simula nung nakaraang linggo ay dahil tutol siya sa pag uwi ng probinsya. Maging ako ay paniguradong maninibago din pero wala akong magagawa kundi tanggapin na lang ang desisyon ni mama. Hindi naman kasi kami mayaman. At yung pera pang naipon ni mama ay naubos sa pagpapagaling kay papa. Naaksidente si papa sa sinasakyan niyang taxi. Ilang buwan din siyang na coma bago tuluyang mabawian ng buhay. Mahirap na wala si papa pero kailangan maging matatag kami para kay mama na mag isa na lang na nag aalaga sa amin.

Hindi ito ang unang punta ko dito sa probinsya ni mama. Sa totoo nga ay mula nung bata ako, tuwing bakasyon ay pumupunta kami dito. Pero natigil iyon nung 9 years old ako dahil naging busy sa trabaho sila mama. Kaya ganun na lang din siguro ang reaksiyon ni Hari dahil bata pa siya nung huling punta niya dito at tutal ay hindi niya na maalala iyon.

Nakatulog ako sa byahe at nagising ng maramdaman ko ang pagtapik ni mama sa akin.

"Baba na tayo, gumising na kayo."

Inaantok kong inalog din si Hari para magising siya. Dito kami binaba ng van sa bayan. Kailangan na lang namin maghintay ng kaunti para mapuno ang pasaherong kailangan sa bangka.

Mula sa seawall ay matatanaw mo pa rin ang isla, medyo malayo nga lang. Bukod sa kinakabahan ay nakaramdam rin ako ng excitement. Habang tanaw ang isla ay bigla kong naalala sila Riva. Kumusta na kaya sila?

Sila ang mga kababata ko sa isla. Bukod sa mga bata kong pinsan ay sila din ang kalaro ko noon. Sila lang kasi ang mga kaedad ko o malapit sa edad ko. Pero nung hindi na kami nag bakasyon dito ay wala na akong balita sa kanila. Hindi din kami nagkaroon pa ng ibang communication dahil hindi naman sila gumagamit ng mga social media accounts. Wala din naman kasing cignal sa isla. At hindi ko din alam kung natatandaan pa nila ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Every SummertimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon