"Pabili nga po ng toyo Aling Piling," ang sabi ko sa tindera sabay abot ng sampung-piso sakaniya. Napatingin siya sakin at tila ba kinilatis ako mula ulo hanggang paa.
"Bakit po?" takang tanong ko sakaniya.
Is there something wrong? baka may dumi sa mukha ko nakakahiya yun panigurado!
"Oo tama!" biglang sabi niya na parang may napagtanto. "Ikaw nga iyong anak ni Crisanto Vergara!" gulat na sabi niya.
"Opo ako nga po iyon," kumpirma ko sa sinabi niya.
"Kung ganun ang yaman mo pala?," Ang sabi niya at umupo sa upuan niya. "Bakit ka bumibili ng toyo dito sa tindahan ko kung mayaman kayo huwag mong sabihin na naghihirap kayo kaya ka bumibili ng mumurahing toyo."
Punyeta naman ang chismosa talaga!
"Aling Piling iyong toyo ko po pakibilisan naman gagamitin pa iyan ni nanay Corla," naiinip na sabi ko sakaniya.
"Sabihin mo muna sakin hija, magkano ba ang sahod ng mga magulang mo sa trabaho nila?" takang tanong niya.
Bwiset! bibili lang naman ako ang dami pang tanong daig pa si Boy Abunda sa babaeng to.
"Sa sobrang laki po kaya niyang bilhin ang kaluluwa niyo kung hindi niyo ibibigay sakin ang binibili kong toyo," diretsang sabi ko. Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at dali-daling kinuha ang toyo at ang perang inilapag ko.
"Salamat po," magalang na sabi ko at umalis na.
Ilang mura ang isinambit ko ng mapagtanto ko kung anong sinabi ko kay Aling Piling. Paniguradong talk of the barangay na naman mamaya sina mama sa sinabi ko. Aling Piling is a certified chismosa according to some people here in our barangay. Ang sabi-sabi pa ay ilang ulit na daw iyang naireklamo sa barangay minsan ay umabot pa sa Tulfo In Action ngunit hindi parin nagtanda ang ale.
Lumiko ako sa kanang kalye patungo sa bahay namin. Hindi naman masyadong mainit dahil sa lilim ng mga punong kahoy sa gilid ng daan. Matalahib ang lugar na ito ngunit hindi naman ganoon kadelikado para sa isang tulad ko na dumaan. Hinubad ko ang tsinelas ko dahil sa putik na paniguradong kakapit dito. Yumuko ako upang pulutin ang tsinelas na kakahubad ko lang ng may magsalita sa likod ko.
"Bakit mo huhubadin iyan?," isang baritong boses ang nagpatigil sakin sa paghubad. I immediately turn my gaze to the man who owns that rough baritone voice. Literal na lumuwa ang mata ko ng makilala ko ang may-ari ng boses na iyon. I cursed and run as fast as I can that I forget my slipper. Habang tumatakbo ako ay naalala ko ang mga nangyari kahapon.
Damn it!
"Done packing your things?" tanong ni papa sakin sa sala. Tumango ako at pinunasan ng wet wipes ang mukha ng three weeks old kong kapatid na si Cliff. My mom gave birth to him three weeks ago and dahil premature siya he needs to be incubated dahilan ng paglabas niya noong isang araw galing sa hospital. He had health complications kaya naubos ang perang inipon nina papa sa pagpapagamot sakaniya causing us to leave our place.
"Ready kana?" tanong ni mama sakin habang papasok kami sa eroplano. I nodded my head as an answer it won't change anything even if I said I am not yet ready for this.
Pumunta ako sa designated seat ko at katabi ko ang isa kong kapatid na eight years old na si Jaictin and as the plane flew I knew that I should leave behind the things I used to be and start a new beginning.

BINABASA MO ANG
Lost in your paradise (La Visayas Istorya series #1)
Любовные романыLaura Celina Vergara is a city girl but for some reason she was forced to leave the place she used to live together with her parents. Living in the paradise made her lost. Wanting so much to get over her life, will she be able to find the right path...