1

20 2 0
                                    

"Florencia, do you think I'll pass this test?" May pag-aalinlangan sa boses nya. At halatang halata ko 'yon.

Sinusuri ko siyang tiningnan at napahinga ng malalim,"Bree kung hindi ka makakapasa d'yan wag na sila mag pa test dahil ang bestfriend ko ang pinaka deserving na babae sa balat ng lupa para maging pulis!" Napangiti naman si Bree sa sinabi ko.

Naku nag lalambing lang to kaya ganire.

"Ano plano mo sa inaalok ng kuya mo?" Tanong ko sakanya, "Alam mo na diba ayaw kunin ni kuya Shin yung kumpanya ng papa nyo kasi meron syang sariling business?"

Sumama naman ang timpla ng mukha ni Bree ng marinig ang sinabi ko.

"Why? What's wrong? Ang gandang opportunity nun, Breng." I even give her motivational stare na lalong ikinasama ng mukha nya.

"Alam mo naman na wala sa utak ko ang business anek anek na yan, I even talk to dad last week before I decided to take the exam."

Umangat ang kaliwang kilay ko sa sinabi nya, "Ano sagot ni tito?" But she just shrugged.

Minsan nagtataka na ako kung anak ba talaga sya ng mga Tan.

Their family was known as monsters in terms of business race sya lang ang nag iba ng landas. One time nga naitanong namin sakanya kung nag rerebelde siya kaya ganyan ang kinukuha niyang trabaho but she just answered us, "It's boring na maupo sa apat na sulok ng opisina at pumirma pirma." And the rest is history.

Noon pa man sa kaniya na ako madaming na didiscover, nabobored din pala yung mayayaman akala ko pag madami kang pera happy happy na mas problematic pala sila jusko.

"Ate?" Boses ni Inday Luning ang nag takas sakin sa pag de-daydream ko.

Napalingon naman si Bree sa may pinto kung saan naka silip ang ulo ni Inday Luning sumenyas sya na lumapit ito parang naiilang pa nga yung dalaga kay Bree, kitang-kita sa mukha nya ang discomfort pero lumapit pa din siya sa amo niyang hindi mawari kung ano ang ugali.

Pakamot-kamot naman sa ulo si Inday ng tumango si Bree, nag papahiwatig na sabihin nya kung ano kailangan nya, "Pwede po ba ako mag day-off?" Agarang tanong nito. Natawa ako ng pumikit sya na parang sisentensyahan sya sa korte.

I even heard Bree's laugh,"Bakit ba takot na takot kayo sakin?" Tanong nya dito.

Agad nanlaki ang mata ni Inday Luning. Ang cute nya!

"Hala, ma'am hindi po!" Mabilis pa nyang pinaling paling ang ulo.

Tumango naman ang amo nya halata sa mukha na pinag titripan yung bata, "Hay nako Bree, aalis na ako baka hinahanap na me ni tatay." Pag papaalam ko dito dahilan para malipat sakin ang tingin nya at tumango.

"Go bat nag papaalam ka pa?" Aba!

"Inday Luning you can have your day-off on Sunday nandito lang naman ako sa bahay, for now samahan mo'ko sa grocery nag bilin si manang na wala na tayong stocks."

Hindi na talaga ako pinansin ni gaga nauna pa syang tumayo sakin at lumabas ng library nya. Ganda talaga nito bisitahin.

Napansin ko naman na namumula ang pisngi ni Inday Luning ng mapatingin ako sakanya.

Malamig naman dito ah?

Napalingon ito sakin dahilan para mag madali ito lumabas ng pinto pero bago pa sya makalabas nilapitan ko ito at inakbayan. Halata ang uneasiness nya.

"Crush mo si Bree no." Bulong ko dito. Napasinghap pa nga sya dahil dun pero hindi nya tinanggi lalo lang syang namula.

"Bakit mo naging crush yun?" Nagtatakang tanong ko pa dito. Luminga-linga sya sa paligid parang chinicheck kung may nakakarinig ng usapan namin.

SIRIUSWhere stories live. Discover now