3

13 0 0
                                    

"Ano minamaktol mo jan?" Bree asked abala ito sa pagbabalat ng dragon seed. "Nagtatampo ako sayo, wag mo 'ko kausapin." I said and rolled my eyes.

She throw the peel of the dragon seed to me, "Bobita! Hindi ko din alam na ikakasal na si kuya!" I glared at her. Sus, siya nga lagi ang kasama ng mga kuya nya.

Pumunta ako sa opisina nya tapos ito lang sya walang paki ganda pa ng siyesta ni gaga buti nga hindi nalulugi kompanya nila tito.

"Pero alam mo, the girl who's my brother will marry..." She seriously looked at me, "Was Kuya Andrei's referral, yun ang nakuha kong intel pambawi na din kasi diba hindi ko naman alam na masyadong malala na ang pagmamahal mo sa kuya kong may sapak sa utak."

Sabi ko na si Kuya Shin ang naka isip ng idea na 'to hindi na ako mag tataka. Lagi kasing pang out of this world ang idea nya, sakit sa ulo.

"Kilala mo kung sino?" I asked.

She shrugged, "Hindi, wala sa invitation and even mom and dad doesn't have any idea kung sino ang babae." I nod. Kung ganon hindi din alam nila tita kung sino ang pakakasalan ni Zyg, pero bakit pumayag sila?

"Alam ko kung ano iniisip mo..." She said dahilan para mapataas ang kilay ko.

Madam Auring yarn?

"My mother, she doesn't want to be involved pag dating sa desisyon nila kuya, naalala mo diba noong nag away sila dahil nag padala si Mom ng isang katerbang guard para bantayan si kuya kay creepy Sam."

I remember that time, nasa US si Zygfryd para sa kanyang seminar pero napilitan itong umuwi at sinalo na lang ni kuya Bryz ang said to be meeting nya sa isang prinsipe sa England dahil nag padala si tita ng sampong body guard para bantayan sya.Malinaw na naalala ko din kung paano nagalit si Zygfryd dahil doon, at ayoko nang alalahanin pa.

"Kaya gora lang ng gora si Mom, even me, walang balak kumontra sa desisyon nya kaso sa maling tao naman sya lumapit." Huminga pa ito ng malalim na parang problemado tuloy pati ako namomroblema na din.

"Tomorrow is the wedding right?" And she smiled and nod , she's obviously mocking me.

"Tigilan mo yang nakakaasar na ngiti mo, Bree." I warned her. She just laugh and wink at me.

"Ganito, samahan mo na lang ako bumili ng damit na isusuot para bukas..." Ipinagpag nya ang kanyang kamay sa suot na blazer.

Ang balahura talaga ni Bree, sigurado sakit sa ulo ang dala nya sa asawa in the future.

"Bili ka na din ng sayo, my treat." At dahil libre nya daw sino ba naman ako para tumanggi.

Once in a blue moon pa naman 'to kung mag labas ng pera, sulit sulitin ko na din.

"Ayan ang gusto ko, libre." Ngisi ko pa dahilan para bigyan nya ako ng weird na expression.

"Creepy mo." Banat nya bago maunang lumabas ng opisina.

"Told yah, legit ang aking source girl ikakasal na nga daw yung isa sa mga anak ng Tan." A woman in red slap her friend's arm while gaping on her phone. Mga chikadora!

Umirap ang kaibigan nya, "Saan mo na naman napulot yan?"

"Not napulot term, please..." Ang arte. "I have a reliable source." Ika pa nito.

Muli ay umirap na naman ang kaibigan nito, "Alam mo Victoria tigil-tigilan mo ang pagiging tsismosa mo."

Pak! Bet ko attitude ni ate girl friend.

"Tsismosa ka talaga kahit kailan, Flor." Napalingon ako sa nagsalita.

Binato ko ito ng hawak na hanger.

"Tanga narinig ko kasi surname nyo."

Inikutan ako ng mata ni Bree. Akala mo naman kina ganda nya yan mukha lang syang teletubbies.

"Try mo kaya isukat yang bitbit mo, hindi po yan kusang yumayapos sa katawan para malaman na bagay sayo." She said. Doon ko lang din napansin na iba ang suot nyang damit. Nag sukat si babaita ng hindi man lang ako inaya.

Mabait na kaibigan.

"Nag sukat ka tapos hindi mo man lang ako sinabihan?" I pinched her elbow and gave her a glare.

Inihampas nya naman sa akin ang binato kong hanger kanina, "Tonta! Kanina pa kita tinatawag pero parang lutang ka na naman." Masakit yung hampas nya infairness.

"Mag susukat na ako jan ka lang! Wag mo subukan umalis ikaw mag babayad nito." Banta ko sakanya na hindi nya naman pinansin umupo na lang sya sa isang sofa at nag basa ng magazine.

Hmp! Mamaya pipili ako ulit ng mas mahal yung ubos isang buwan nyang sweldo para bawing bawi.

Agad kong sinukat ang hawak kong damit pero nahirapan akong maabot ang zipper sa likod, bakit ba kasi may zipper halos lahat ng damit.

Binuksan ko ang tabing ng fitting room at tatawagin sana si Bree pero may kausap na lalaki, infairness gwapings.

"Pssst, Bree!"

Napalingon naman ito sa direksyon ko.

She mouthed "what?" and I motioned the zipper on my back na gets nya naman ata kaya tumayo sya pero bago umalis ay sinamaan nya ng tingin ang lalaki na kausap.

"Hoy, ikaw ha..." Pangbubuyo ko pag ka lapit nya. Nangunot naman ang noo nito halatang na asar. "Sino yun?" I again asked.

Tumaas ang kilay ni Bree, "Tigilan mo 'ko baka iwan kita dito." Tugon nya dahilan para mapa nguso ako.

Damot.

Parang tatanong lang e. Hindi ba kami friends para ibulong nya lang sakin ng konti ganon.

"Ayan..." She checked me from head to toe. "Pwede na yan, mukha ka ng tao." She said and left me there with big eyes. Kainis ano pinapalabas nya na mukha akong hayop?

Tatamaan talaga sakin yang si Bree. Manang-mana sa mga pinag manahan.

"Bilisan mo!" She shouted. Napalingon sa kanya ang ibang namimili dahil sa lakas ng boses nya. Sakit talaga sa bangs kasama 'to.

SIRIUSWhere stories live. Discover now