September 04:
Nakatambay lang kaming apat sa terrace, ako, kim, ruther at kuya andrei.Ganito lang kami mga nakatambay, nagcecellphone, hindi mga nag-uusap. Minsan nga ako lang ang madaldal saamin minsan nagrereklamo sila sa daldal ko kesyo wag ako maingay kasi may ginagawa dila *laugh*
"Tara sa Hannah's kain tayo" sabi ni kim, eto na naman kami nagkayayaan na naman kumain, hindi ko sure kung anong ipambabayad namin ni kuya pero sana makahingi kaming pera kay mama.
(Hannah's laga laga, kainan siya malapit saamin, Goto ata yon or parang goto yung tinitinda)
"Wait tingnan ko kung makakahingi kaming pera kay mama" sagot ko "Ge zy ikaw na lang manghingi damay mo na rin ako" sabi naman ni kuya.
Hindi naman nakaangal si mama dahil binigyan pa rin niya ako ng 100 pesos sabi ko ay samin naman ni kuya andrei iyon.
Wala pang ilang sandali ay umalis na kami kay kuya andrei ako nakaangkas at si kim naman kay ruther, nang makarating kami sa hannah's ay umorder na agad si kuya.
"KKB ha" sabi ni kim "Oo nga KKB" sagot naman ni ruther "siya kuya tara na kami'y walang pera" sagot ko sabay tawa naming lahat.
Nang makakain na kami ay dumiretso na agad kami pauwi dahil baka hanapin yung motor na gamit namin, tumambay na lang ulit kami at asusual walang usap na nangyari saaming apat nagphone lang kami hanggang sa mag-uwian.
September 05:
As usual, walang pinagbago sa kagabi, tambay na naman kami sa terrace, hindi pa ako nakakaligo pero sila wala silang pake kasi tatambay at tatambay sila kahit ano pang ginagawa ko.Nagve-vape lang si Ruther tapos si Kim umuwe lang saglit kasi liligo lang din daw siya si kuya andrei naman kasama lang din ni Ruther sa labas nakatambay lang din.
Nang matapos maligo sabay kami ni kim na tumambay, kami lang apat dito sa terrace walang bago.
Naglabas ako ng pagkain this time para naman hindi kami maboring, puro kami cellphone eh. Nagkwentuhan lang din kami ni kim habang nakain pinagkukwentuhan namin yung mga jowa namin. Yes opo may jowa po ako at si Kim. Si Kiko Ecuado at ang jowa naman ni kim ay si Sean Tan.
Pinagkwentuhan lang namin kung gaano namin kamahal yung mga jowa namin kahit sobrang toxic na ng relasyon namin.
Bigla bigla naman nasingit ni Ruther dito "tanga ka naman zy, nagtitiyaga ka sa katoxican niyan" sabi ni ruther "ay wow naman talaga epal ka peram na lang vape" sabi ko pinahiram din naman niya agad.
Sobrang bait samin ni Ruther as in. Tsaka never niya kami pinababayaan ni kim pati din naman si kuya hindi kami pinababayaan.
Alas dose naguwian na kami, para naman maaga kami makatulog. Alanganing oras na rin kasi kahit sobrang lapit lang ng bahay namin sa isa't isa nakakatakot pa rin naman.
September 06:
May nagiinuman saamin, syempre hindi mawawala si ruther non. Mabuti at sa likod sila nagiinom at hindi sa may harap. May natambayan pa rin kami ni kim kahit papaano.Bukas din may inuman na naman panigurado dahil birthday ng isa ko pang kuya. Hindi na kami nag-abalang tawagin sila kuya at ruther.
Bumili na lang kami ni kim kila ate gina ng pagkain, malapit rin naman samin iyon kaya, kayang kaya lakarin kahit walang kasama.
Nagkuwentuhan na lang ulit kami about sa life, lovelife and also na gusto na naming magtrabaho.
Oo gusto na naming magtrabaho ni kim, madami kami inaapplyan pero wala pang natawag samin, nag-sasawa na kami sa bahay, syempre gusto rin naman namin makatulong sa mga magulang namin.