Unang araw nang ika'y makilala,
Puso ko'y agad mong nasungkit.
Ni wala man lng babala,
Na sa aking pagkahulog ay wala palang sasalo.
Masakit para sa akin
Ang malamang puso mo'y ibinigay sa iba.
Hindi ko makayanan na makita kang masaya sa piling nya,
Habang ako'y nagdurusa sa kadahilanang hindi ako ang dahilanan ng iyong mga ngiti't halakhak.
Mga titig mong para sa kanya lang.
Sa mga ngiti mong dama ang pagmamahal para sa kanya.
Sa mga biro niyang kahit na walang kwenta ay iyong tinatawanan.
Mga tingin mong kahit kelan ay hindi man lang ako nadaanan.
Hindi ko maintindihan kung anong meron sa kanya na wala ako.
Hindi ko maintindihan kung ba't sya ang nilaman ng puso mo't hindi ako.
Samantalang ako'y mas maganda sa kanya
At talagang mas magaling kahit saan mang kategorya.
Kaya ako'y hindi masisisi nino man,
Sa aking salang nagawa.
Kasalanang hindi ko pagsisisihan kailan man,
Pagkat ito lamang ang paraan para puso mo'y mapasakin.
Na pinili ang nag iisang option para puso mo'y aking makuha.
Mapasakin ka't hindi mapasakanya.
Ikaw ang naging dahilan ng pagkaganito ko
"So don't blame me, my love"
Pagkatapos ng klase, ika'y aking inabangan,
Sa eskinitang walang tao.
Ilong mo'y tinakpan gamit ang dala kong pamunas,
Na naging dahilan ng pagkawalan mo nang malay.
Ika'y aking dinala sa inabandonang bahay
At sinimulan na ang aking plano
Katulad ng itinuro sa amin kung pano buksan ang balat,
Ay ganun din ang aking ginawa sa iyo.
Ahh sa wakas, napasa akin din ang iyong puso.