Paubaya

15 2 0
                                    


Masaya akong muli ka makasama, mahal ko

Muling nakapiling ka makalipas ang ilang taon

Ngunit bakit sa iyong pagbalik,

Ay hindi lang ikaw ang syang naparito?

Isa ang umalis, ngunit dalawa nang bumalik


Hindi ko matiis

Panibughong sumisibong

Ni hindi na makapag isip, kung ang gawa'y tama.

Dahil sa pag ibig ko sayo'y

Puso ng iyong kasintaha'y aking ibinigay sayo.

RuboutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon