Chapter 2

12 0 0
                                    

Handler, Honcho

Five months later...

Araw ng klase. Kasama ko ngayon si Vanessa at Appeya sa isang Club Café.  Breaktime kasi naming tatlo, nagkataon na may event sa school namin at yon ang Founder's Day.

"Jocco, ano? Tatanggapin mo ba ang offer na maging Honcho?" Tanong ni Appeya.

Ibinaba ko naman ang tinidor at linunok muna ang kinakain kong mocha cake bago sumagot.

"Pinag-iisipan ko pa." Sagot ko.

"Alam niyo, ang weird niyong dalawa." Sabi ni Vanessa sabay turo ng tinidor sa aming dalawa ni Appeya.

I just tilted my head naively.

"Bakit mo naman nasabi, Van?" Kuryoso kong tanong.

Nagiging weird ba talaga ako lately?

"Oo, nga. Ba't mo nasabi?" Segunda ni Appeya.

Vanessa rolled her eyes. "Palagi kayong nakatungo at nagce-cellphone. Tuwing may klase nyo lang ibaba mga cp nyo tsaka palagi kayong nakangisi. Ano ba ang inaatupag niyong dalawa, huh? Nakakatampo na kayo." Himutok nito.

Tumawa ako gayundin si Appeya.

"Luh, ganun ba talaga kami?" Sabi ko.

"Oo! At nakakainis na kayo. Para kayong mga baliw!" Naiinis na sabi ni Vanessa.

"Loka ka! Sinabihan naman kita diba na sumali sa group namin." Sabi ni Appeya kay Vanessa na ngayon ay nakacross arms.

"Ayoko nga. Ang jeje nyo, haler! 2022 na! Wake up! Wag kayo puro RPW."

Tumawa si Appeya pero tumaas lang ang isa kong kilay.

"Hoy, anong jeje? Gagita ka. Hindi RPW grupo namin. Mga real account lang pwedi dito." Sabi ko.

"Eh, ano naman? Rpw pa din 'yan sa mata ko."

"Grabe ka naman, wag mong i-stereotype, Van." Sabi ko.

"Alam mo Van, 'di ka rebisco. Hindi ka special, pero sumusobra ka na." Sabi ni Appeya.

Napangisi naman ako sa sinabi ni Appeya. Baliw din talaga 'tong si Appeya.

Vanessa just rolled her eyes as she picked up her frappe and took a sip. "Whatever."

Nagkibit - balikat nalang ako. Nakita ko namang bumaling ulit sa akin si Appeya.

"So, ano nga? Will you accept Honey's offer?" Pagbabalik - tanong ni Appeya.

"Ano ba ang trabaho ng Honcho?"

"Honcho, sila ang magmamanage ng group or division niyo. You see there are 5 divisions in our group right? Each division has its own henchmen. Isang Deputy Honcho at Honcho." Pagpapaliwanag ni Vanessa.

"Ows..."

"Hmm, I'll think about it." Sabi ko.

Nandito ako ngayon sa basketball court ng aming village. Naglalaro kasi si kuya ngayon kasama sila Clifford at Kit. Nabuburyo ako sa amin kaya naisipan kong sumama kay kuya.

Nakatukod ang aking siko sa aking tuhod habang ang kamay ko naman ay nakasuporta sa baba ko. Napabuntong - hininga ako.

"I'm bored." I mumbled.

I glanced at my phone and turned on my mobile data. Suddenly, a lot of messages bombarded my messenger. But one of it was Francis chat head that popped out.

Nakuryoso at nagtaka naman ako kung bakit magcha-chat ang lalaking 'yon.

Francis: This will be the last day that Honey's offer will still stand. Is it a yes or a yes?

One Fated Encounter (Internet Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon