Lumalalim na ang gabe
ngunit heto pa rin ako't di makatulog
kasabay ng pag lipas ng oras ay ang
paglandas ng masaganang luha saking mata
habang mga alaala ay pilit na isinasantabi.Mga alaalang iniwan mo saking puso't isipan
Mga alaalang kaysarap balikan ngunit may kirot at pighating nararamdaman
Mga alaalang di na muli pang maibabalik sapagkat iyo nang tinuldukan.Iniisip kung saan ba ako nagkulang
Bakit kay dali mo akong tinalikuran
Sobra ba ang pagmamahal na ipiadama't di mo na nagustuhan
Nasasakal na ba kita
O may iba ka nang minamahal
Kaya Kay dali mo akong nilisan.Diba't Kay saya pa natin nuong huli tayong magkasama
Bakit ngayon umaayaw kana
Nangako kang tayo hanggang dulo
Hadlangan man ang ating pag mamahalan ay di tayo matitibag
Pero bakit kusa kang umayaw
Sa hawak kung mahigpit at handa kang ipaglabanIniwan mo akong luhaan
Naguguluhan at di maintindihan
Kung bakit bigla kang sumuko't umayaw sa pag ibig na ating sinumpaan
Na walang hanggang pagmamahalan
May bago ka na banginamahal
Kaya iniwan mo akong luhaan.