𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐈

49 0 0
                                    


(𝙇𝙐𝙉𝘼 𝙔𝙎𝘼𝘽𝙀𝙇𝙇𝘼)

God, ano po ba 'tong pinasukan ko?

"Ms. Luna Ysabellá, we still have an hour before we proceed to the church. Do you still have things that you want to be settled, maam?" tanong ng wedding organizer sa akin. Kinakabahan man, ngumiti na lamang ako at umiling bilang tugon. Nagpaalam naman na itong umalis at iniwan muna akong mag-isa.

Sa totoo lang, sari't-saring emosiyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na mawari sa sarili ko kung matutuwa ba ako dahil sa wakas ay napansin na rin ng mga magulang ko ang presensiya ko o  malulungkot dahil ayoko ng ganito.

Totoong ayoko naman talaga.

*𝑓𝑙𝑎𝑠ℎ𝑏𝑎𝑐𝑘*

"Ysabellá, talagang marunong ka ng sumunod sa akin!" Tuwang tuwang sambit ni Daddy nang makauwi kami ng bahay.

"Good job, Anak! Ganiyan nga, basta sumunod ka lang kay Dad, okay? Because our future is already written, you'll marry the Fetalé's heir that owns the biggest company in Asia and Europe and Daddy's will be the soonest President of that company! Isn't that great?! I'm so proud of you!" Hinagkan naman ako ni Mommy bilang papuri sa naging resulta ng plano nila ni Daddy.

Sa totoo lang, nawiwindang pa rin ako sa nangyayari, paano nila ko nagawang ikalakal sa ibang tao para lang sa sarili nilang interests?

Gusto kong magreklamo pero paano? Gayong ngayon ko lang naman sila nakitang masaya para sa akin?

Hindi ko naman maiwasang maluha sa nangyayari.

Magkahalong saya at lungkot ang nadarama ko habang pinagmamasdan sila Mommy. Masaya dahil ito ang unang beses na nakita kong naging masaya sila nang dahil sa akin at lungkot dahil alam ko namang may kapalit.

Pero bahala na.

*𝑒𝑛𝑑 𝑜𝑓 𝑓𝑙𝑎𝑠ℎ𝑏𝑎𝑐𝑘*

So, paano pa ako magba-backout? Lord, ikaw na talaga ang bahala.

*𝑘𝑛𝑜𝑐𝑘 𝑘𝑛𝑜𝑐𝑘*

Naagaw naman ang atensiyon ko nang may kumatok sa pinto, so aalis na ba kami?

Agad na akong tumayo at nagtungo sa pinto ngunit bago ko pa pihitin ang doorknob, kusa na itong nagbukas at gayon nalang ang pagkagulat ko sa kung sino ang bumungad sa akin.

"N-North? A-Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't---"

Bigla siyang pumasok at sinarado ang pinto.

Teka, ano bang balak niyang gawin?

"Luna, I want you to stop the wedding. Hindi 'to tama, please wag ka naman sumipot."

"H-Ha? A-Ano bang pinagsasasabi mo, North?" May kyuryosidad kong tanong, hindi kasi nagegets ng utak ko yung mga sinasabi niya sa akin.

"Luna please naman oh, I'm begging. Please stop the wedding, wag ka ng sumipot! Babayaran nalang kita kahit magkano! Magkano bang gusto mo? Gusto mo ng blank cheque? Name your price---"

"H-Hindi ko naman ng kailangan ng pera, North... Ang gusto ko lang naman talaga ay---" Pangangatwiran ko nang biglang hawakan niya ang braso ko at hinila ako papalapit sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ngayon ang tensiyon sa pagitan naming dalawa.

"A-Ano ba! Bitawan mo 'ko, North---"

"Damn it, Luna! Alam ko naman ang intensiyon ng pamilya mo, you only want the company at hindi ako tanga!"

Nagulat ako sa sinabi niya, agad ko namang binawi ang braso ko at tumalikod sa kaniya.

"I-I'm sorry, North. H-Hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo, kahit ilang blank cheques pa ang ibigay mo sa akin, hindi ko talaga magagawa ang gusto mo."

The Unavowed MarriageWhere stories live. Discover now