PROLOGUE

74 0 0
                                    

"𝐘𝐒𝐀𝐁𝐄𝐋𝐋𝐀!!!" Napabalikwas ako sa kinauupuan ko nang marinig ang nanggagalaiting tinig na nanggagaling sa ika-unang palapag ng aming tahanan. Ang tinig na kay Daddy mo lang maririnig mula sa tahanang ito.

---
Kasalukuyan akong nagaayos sa harap ng salamin sa hindi malaman-lamang dahilan, nariyang kinukulot ko ang dulo ng aking buhok, naglalagay ng make up sa aking mukha at nagpapabango dahil utos ito ni Mommy, magpaganda raw ako dahil isasama nila ako sa family friend namin.

Nakakapanibago ang araw na ito. Hindi naman sila naging ganito sa akin noon.

Napabalik nalang ulit ako sa wisyo nang marinig ko ang malalakas na katok mula sa labas ng aking pinto.

"YSABELLÁ!!!"

Ayan na, sumisigaw na naman siya. Natataranta akong nagmadali at dali-daling isinuot ang aking sandalyas na may 3 pulgada ang takong. Tumayo na ako sa kinauupuan ko nang biglang bumukas ang pinto.

"Ikaw bata ka, hindi mo ba kayang kumilos nang mabilis?!" Wika ni Dad habang nagkukuyom ang mga kamao.

"D-Daddy, sorry po pero okay na po! P-pwede na po tayong---ahhhh!" Napasigaw ako nang hablutin nito ang kuwelyo ng dress ko at marahas itong iniangat na nagpalutang sa akin sa kinakatayuan ko.

"Talaga bang inuubos mo ang pasensiya ko, Ysabellá?! Alam mong--"

"Thomas! Bitawan mo siya!"

Biglang lumitaw si Mommy sa harapan naming dalawa.

"Napaka-impatient mo talaga! Masasayang ang oras natin dahil sa pagiging iritable mo!" Sigaw naman ni Mommy kay Daddy.

Agad naman akong binitawan ni Dad at humarap ito kay Mommy.

"Pagsabihan mo yang anak mo! Napaka-walang kwenta kahit kailan!" asik nito at umalis.

"Your Dad is so impatient! Anyways... fix yourself Ysabellá, hindi pwedeng masira ang lakad natin ngayon nang dahil lang sa commotions niyong mag-ama at kung gusto mong matapos na 'to... sumunod ka na sa ibaba."

I smiled bitterly.

---

"It's nice to see you again, Thomas!" Masayang bungad ng isang matipunong  ginoo na tantiya ko'y nasa mid 50's na. Napaka-elagante ng suot nito na lalong ikinabata ng kaniyang hitsura, naka-suot ito ng formal dinner suit na tinernuhan ng black satin pants at leather shoes.

"In the same way, Rupert." Tipid na sagot ni Dad. Sinalubong niya si Sir Rupert sa edge ng hagdan at kinamayan ito.

"I would like you to meet my Family. This is Alice, my wife and Luna Ysabellá, my youngest." Pagpapakilala sa akin ni Dad, agad naman akong ngumiti at inilahad ang aking kamay upang pagbati.

"I'm very pleased to meet you, Sir Rupert." bati ko rito na ikinatawa niya.

"You're so formal naman, Hija. You can call me Tito." Aniya at inabot ang nakalahad kong kamay. Natuwa naman ako dahil tila sobrang bait ng taong ito.

Naputol ang aming paguusap nang dumating ang isang ginang na animo'y diwata dahil sa kaniyang awra kahit nasa mid 50's na rin ito.

Wow, Napakaganda niya.

Mala-porselana ang kaniyang kutis na tila'y nagniningning na parang palamuti sa chandelier ng kanilang mansiyon. Bilugan ang kaniyang mga mata at saktong tangos ng ilong na bumabagay naman sa kaniyang heart-shaped na mukha. Ang ganda rin ng kaniyang labi na tinernuhan pa ng matamis na ngiti, at infairness napakaputi ng kaniyang mga ngipin.

Napansin ko rin na maganda pa ang hubog ng kaniyang katawan sa edad niya ngayon. 'Rare type' raw kung sila'y tawagin.

Napaka-flawless niya talaga overall.

Agad din namang napukaw ang atensiyon ko sa pagdating ng isang binata at tumabi ito sa ginang na kanina ko pa pinagmamasdan. Matipuno ito at ang gwapo ng kaniyang mukha.

Kung tititigan ko nang mabuti, tila ay nahahawig ito sa Ginang at kay Tito Rupert. Hindi kaya ay ito ang kanilang anak?

"Here they are."

---

"So, since everyone is here, I think it's about time to talk about the proposal, Kumpadre."

"What proposal, Dad? Is this related to  our company?" Kyuryosidad na tanong ni North na kanina lang ay walang imik sa hapag-kainan.

"Well son, I think it's about time to talk about your marriage with Ysabellá."

"𝑴𝑨𝑹𝑹𝑰𝑨𝑮𝑬?!" parehong sigaw namin ni North nang marinig ang pinaka-imposibleng salita na pwedeng mangyari sa buhay ko.

Tama ba talaga yung narinig ko? M-Marriage?!

"Dad! What the hell is this? Is this some kind of your jokes again? Are you for real?!" Sunod-sunod na tanong nito kay Tito Rupert.

"Hijo, please calm down. Let your father explain first." Malumanay na tugon ni Tita Olivia. Hinintay naman naming lahat ang sasabihin nito.

"You've heard it right, Hijo. We're planning a marriage for the both of you. Since you're my only child and the only heir of the company, I need to take this personally, so whether you like it or not... I'll be the one that will decide about it, North." aniya sa seryosong tono. Hindi naman mailarawan ang mukha ni North dahil sa mga narinig nito.

"I guess this is it, Kumpadre! I think we should celebrate thi--"

"No! I won't, Dad! I'm the one who decides my future and you can't just interfere anything about it! If you're worrying about your damn business, I'll show you that I can handle it ALONE! I will never engage myself to any plans of yours and that is final!" Padabog itong tumayo at umalis sa harapan naming lahat. Nanatili akong walang kibo at weird na pinakikiramdaman ang mga tao sa paligid ko.

"I'm very sorry for the attitude he showed, Hija. I hope you understand that we do this because it's for you and North's future." Paghihingi ng dispensa ni Tita Olivia sa ginawa ni North.

"O-Of course not, Olivia! There's nothing to be worry about, she really wouldn't mind, right Honey?" Natatawang tanong ni Mommy habang marahan na hinahaplos ang ulo ko. Napangiti nalang din ako ng pilit.

"I-It's okay, Tita Olivia. Maiintindihan din naman po siguro iyon ni North, hehehe."

"Then let's make this official! Let the wedding preparation begins!" Masayang sambit ni Daddy, tumayo pa ito at itinaas ang kaniyang wine glass.

"Ladies and Gentleman... let's raise our glasses for the upcoming wedding of our beloved children, Let's toss for that, everyone!"

Lahat kami ay tumayo at tinaas ang mga wine glass, ngayon ko lang nakitang masaya sila ng dahil sa akin. Akala mo'y hindi ako pagbubuhatan ng kamay kanina.

Totoo ba talaga na masaya si Daddy sa plano niya para sa akin?

The Unavowed MarriageWhere stories live. Discover now