ICSYD #21 - "First Case and A Coffee"

428 18 6
                                    

Rhiona

Linggo ngayon at bumalik ako sa hospital kung saan kasalukuyang nakaadmit yung lola ko. Pagkarating ko doon ay agad na bumungad sa akin ang mukha ni Mama hindi ko akalain na nandito parin pala siya.

"Oh, nandito ka pala, wala ka bang trabaho ngayon?" Tanong niya

"Nakipagpalit muna ako ng shift sa katrabaho ko" sagot ko naman

Bigla naman pumasok sa isip ko yung gusto kong sabihin sa kanya tungkol kay Papa, tungkol sa gusto kong hustisya na para sa kanya.

"Uh... Ma, nakita ko pala yung... Pumatay kay Papa" ako, I just heard her mock.

"Gamit yang abilidad mo? Oh, anong gusto mong gawin natin ngayon? Balita ko pa naman ay sinundan mo ito at muntik ka pang mapatay... Amg tanga-tanga mo talaga minsan no?" Wika niya, kahit masakit yung mga salita na sinabi niya sa akin ay wala akong pake, ganon naman sya palagi eh.

"Nakatanggap ako ng tulong mula sa kakilala ko, gusto niyang tumulong sa pagkuha ng hustisya kay Papa" diretsong sabi ko, napatigil naman si Mama sa sinabi ko at tumayo ito sa harap ko.

"Ano?... Tulong? Hustisya para sa Papa mo?" Nagulat naman ako sa biglang pagsampal niya sa akin "Nahihibang ka na ba Rhia! Tatlong taon na wala yung Papa mo kaya pwede ba! Patahimikin mo na ang kaluluwa niya!" Galit na sabi niya

"Ngunit Ma... Paano kong gusto nga ni Papa ng hustisya! Paano kong gusto niyang mairesolba ang kaso na iyon na hindi niya natapos... Hindi ko matatanggap ang tulong na iyon kung walang dahilan yun Ma!" Sigaw ko

"Tumahimik ka Rhia! Please parang awa mo na tigilan mo na yang kahibangan mo!!! Hindi mo alam ang papasukin mo na gulo Rhia kaya tumigil ka, pwede?" Wika ni mama, eto yung pangalawang beses na nag-away na naman kami " Kung gusto mong makuha yang hustisya para sa papa mo, pwes! Huwag kang magpapakita sa amin ng mga kapatid mo, naiintindihan mo!" Sya

"Pero Ma... Ginagawa ko lang naman ito kung ano ang nararapat para kay Papa, pero bakit... Bakit hindi ko makuha yung suporta mo para sa akin? Oo alam ko kung ano" Sabi ko habang pinipigilan ko yung mga luha ko na nagbabadyang tumulo "Kahit kailan, wala akong ibang hinangad sa inyo kundi yung ituring mo din ako bilang anak mo... Pero nang dahil iba ako sa mga kapatid ko ay nagawa mo akong ipagtabuyan"  wika ko, bahagya pang nabasag yung boses ko sa dulo dahil sa bigat na nararamdaman ko, hindi ko mawari kung bakit ganito nalang yung galit niya sa akin simula ng mapanganak ako.

"Kung maibabalik ko lang ang panahon Rhia na nasa sinapupunan pa kita, kung alam ko lang na magiging ganito yung anak 'ko, 'ni sana ay hindi nalang kita agad binuhay... Dahil ang totoo Rhia, nagsisisi ako kung bakit iniluwal pa kita" sabi niya

Napaawang naman ang labi ko sa sinabi niya, napatitig ako sa ceiling upang mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo. Sapat na yung mga sinabi niya upang maramdaman ko na 'di ako ganon ka' importante sa kanya, na para bang pinapahiwatig niya sa akin na dapat lang sa akin ang hindi mabuhay sa mundong ito.

Agad ako lumabas sa kwartong iyon at nagpunta sa isang balkonahe dito sa hospital na ito, napahawak ako sa dibdib ko... S-sobrang sakit...

Nagdusa akong habang buhay ng dahil sa sumpa ko'ng ito, kailan ba nila ako matatanggap? Ginusto ko bang maging ganito?! 'Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nagkaganito? Tapos isusumbat niya sa akin ang mga salitang iyon?

You're eyes are beautiful and you are unique.

Bigla kong naalala ang sinabi niya. Is it truly that my eyes are beautiful and I am unique? Or he only said that because he needs something from me?

Pinahid ko ang mga luha sa mata ko, saka ko inayos ang sarili ko, kung 'di ko man makuha ang suporta niya para sa paghananap ko ng hustisya kay papa, pwes.. gagawin ko yun, hindi naman ako magisa eh. Andun naman si Nyx para samahan ako. 

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now