Finale 2 - Everything Left Unsaid

377 8 0
                                    

Rhia

Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto, inikot ko ang aking mga mata sa paligid saka ko lang napagtanto na nasa kwarto pala ako, sa luma naming bahay.

"Rhia, gising ka na ba? Magligpit ka na ng gamit mo papasok pa tayo" wika ng isang lalaki pamilyar ang boses sa akin

Si Papa ba iyon? Pero... matagal ng patay si Papa

"Ate ano baaa kanina ka pa tinatawag ni Papa" biglang pumasok si Reese sa kwarto ko napatingin naman akonsa kanya, ang bata pa ni Reese.

Teka lang ano ba ito?

"Papa si Ate ayaw pa kumilos"sumbong ng kapatid ko

"A-andyan si P-papa?" Tanong ko kay Reese na napakunot ang mga noo nito

"Papaaaa, si Ateeeee"sigaw ng kapatid

"Ano ba at ang ingay mo Reese!" Galit na sabi nung boses, si Mama ata yon

"Ano ba Rhia?! Kikilos ka dyan o di ka papasok ngayon?!" Galit naman na utos ni Mama sa akin ngayon.

Hindi ko man maintindihan ang mga pangyayari ngayon, ngunit sinasakyan ko nalang ito, baka nasa isang panaginip lang ako. Kung panaginip man ito, ayaw ko ng magising please lang.

Namimiss ko yubg ganitong scenario sa bahay, yung umaga palang sinesermonan na ako ni Mama at sinusundo ako ni Papa sa eskwelahan.

Pagkalabas ko ng kwarto, pagkababa ko sa may sala papuntang kusina ay nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa harap ng mesa, nakauniporme pang pulis at may hawak na dyaryo habang binabasa ito. Si Papa.

Hahakbang pa sana ako para puntahan sya at yakapin ngunit lumingon na ito sa akin,kitang kita ko ang mukha niyang nakangiti sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapaluha, miss na miss ko na ang Papa ko.

"Oh Rhia, bat ka umiiyak?May problema ba?"tanong niya

"P-papa, t-talaga bang buhay ka?"napakunot naman ito sa sinabi ko

"Anong klaseng tanong yan Rhia?nanaginip ka ba ng masama?"wika niya

"H-hindi po" sagot ko

"Halika nga dito" hahawakan niya sana ako ng bigla akong umiwas

"Bakit anak?" Takang tanong niya

"Ayaw ko po maulit yung nangyari, makikita ko ulit kung paano ka mamatay, may sumpa ako Pa" wika ko sa kanya

Napatawa naman si Papa

"Alam mo nasobrahan ka ata sa mga pinapanuod mo, wala kang sumpa"wika ji Papa at sya na mismo lumapit sa akin at niyakap ako, bahagya pa ako napapikit at hinintay na may makita akong kakaiba ngunit totoo nga'ng wala yung sumpa ko.

Talaga bang wala na ito? I can live my life here being a normal person?

"Ipapangako ko na hindi ko ilalagay ko yung sarili ko sa panganib anak, lalo na kayo" wika niya

Naglaho ng parang bula ang ngiti ko kanina, yang kataga ding iyan ang sinabi niya sa akin nung mga araw na bago sya tuluyang namatay.

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now