19

3.8K 145 44
                                    

MESSENGER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MESSENGER

Dominador Calleja
11:42

Dominador:
Nov
Tapos na klase mo? Hahaha

Novah:
Patapos na.
Sasagarin ata hanggang 12 PM nitong prof ko 💀
Palabasin niyo na kami sa klaseng 'to!!!
Dominador reacted 😆

Dominador:
Discussion pa rin? HAHAHA
Ang malas mo talaga

Novah:
Sinabi mo pa!!!
UGH
Nag-advance pa talaga siya ng lessons 💀

Dominador:
Okay 'yan
At least, advanced na 'yong alam mo. 😌

Novah:
ARE YOU KIDDING ME?!?!
Dominador reacted 😆

Novah:
Tapos ka na rin sa klase mo?

Dominador:
Oo hahaha kanina pa
Kumakain lang kami sa labas ni Miro

Novah:
Ay, hindi ako sinama
#FakeFriend
Dominador reacted 😆

Dominador:
Sira, nasa klase ka. HAHAHA

Novah:
Oo nga pala HAHAHA
Kayo lang ni Miro?

Dominador:
Hindi hahaha
Kasama si Go, Anj, Roz, Nico, saka si Li
#7thWheeling
Novah reacted 😆

Novah:
Kumusta naman ang 7th wheeling mo?
HAHAHA

Dominador:
Okay naman hahaha
Naninibago lang ako
Kasi alam mo naman.
Sanay ako na single mga kaibigan ko dati.
Tapos si Nico, 'di ko naman siya madalas makita no'ng SHS kami kahit na magkaklase naman kami. Kaya hindi ko nakikita na magkasama sila madalas ni Leion.
Two years na hindi nagparamdam si Nics pagka-graduate namin ng high school.
Kaya no'ng naging sila ulit ni Leion, parang hindi rin ako kaagad nakapag-adjust.

Dominador:
Si Miro rin
Sira, sanay ako na kaming dalawa ang nangangantyaw noon kina Go at Rozel
Ngayon, ako na lang. 💀
Novah reacted 😆

Dominador:
Hindi naman nila ako ina-out of place
Si Miro naman, parati akong sinasama sa usapan. Pati na rin 'yong iba.
Pero ako mismo, pakiramdam ko, parang hindi dapat ako nandito

Novah:
Sira hahaha
Normal naman 'yang nararamdaman mo kasi syempre parang puro sila by pair
Pero 'wag ka mag-self pity
Sabi mo nga, nag-e-effort sila para hindi mo maramdaman na out of place ka
Meaning, they care for you

Novah:
Saan ba kayo?
Tapos na ang klase ko
Puntahan na lang kita
Para hindi kayo odd number

Dominador:
Sira, 'wag na hahahahaha

Novah:
Ilibre mo na lang ako!
Nahiya ka pa, gunggong HAHAHAHA
Ilibre mo 'ko kasi gutom na 'ko
Bilis

Dominador:
Sigurado ka?

Novah:
Sira
Libreng food ang usapan
Sigurado ako basta pagkain
Dominador reacted 😆

Dominador:
Thank you, Nov
Hindi kailangan
But I really appreciate that
And I would love that

Novah:
Naks, English hahaha
Itabi mo 'yan. Pang-thesis mo 'yan
Dominador reacted 😆

Novah:
Saka, ano ka ba?
Magkaibigan tayo
Ang magkaibigan, nagtutulungan
Ako, hindi kita gagawing 7th wheel
Ikaw, babayaran mo ang pagkain ko
Quits, 'di ba?
Dominador reacted 😆

Dominador:
Oo na HAHAHA
Damihan mo ang order mo
Libre ko lahat

Novah:
Tanga
'Di mo na kailangang sabihin 😎

The 7th Wheel (DIM Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon