Chapter 5: Antichristus (Antichrist)

3 0 0
                                    

Ang desisyon ng International Criminal Court hinggil sa kasong kinakaharap ng World bank ay ikinagalit ng mga kasapi ng United Nations at United Kingdom. Ibinasura nila ang kaso dahil sa mga ebidensyang hindi napatunayan sa patuloy na imbestigasyon ng naturang korte. Ngunit, bumitiw sa pwesto si Vikktor bilang Presidente ng World Bank Group dahil mas marami pa siyang nalamang anomalya sa loob at sa labas ng grupo. Ipinagpatuloy ng lalaki ang kaniyang pagiging obispo at pumasok sa Vatican upang magsilbi sa simbahan. Ilang buwan lamang ang lumipas at idineklara syang kardinal ng simbahan.

Unang araw niya pa lamang sa Vatican ay agad niyang isinulong ang pagbabawal sa mga imahe ng mga santo. Nagulat ang mismong santo papa sa desisyong ito. Ngunit, nadepensahan ito ng may akda na walang iba kundi si Vikktor. "Ano ang ikinakatakot ninyo sa pag-aalis ng mga imaheng ito? Hindi baga't wala namang imahe ang Diyos sa langit?"

"Ngunit, ito ay mga representate lamang ng mga santo upang ating mas malalim na mapagnilayan ang kanilang mga nagawa sa simbahan." Tugon ng santo papa.

"Kung ating titignan sa panahon natin ngayon. Bakit wala ng naniniwala sa ating simbahan? Dahil may mga taong mulat na sa turo at aral na ipinapangaral ng mga bulaang mangangaral sa buong mundo. Nauubos na ang mga taong naniniwala sa ating mga katuruan dahil mas naniniwala sila sa mga ganitong pamamaraan."

Napaisip ng malalim ang santo papa sa depensa ni Vikktor. "Bigyan mo ako ng mga ebidensyang dapat kong paniwalaan."

Inilatag ni Vikktor ang populasyon ng kanilang simbahan sa mga simbahang binanggit niya na hindi naniniwala sa rebulto at nakita ng santo papa na mas dumadami ang kanilang mga bilang.

"Nakababahala ang mga data na iyong ipinakita. Sa aking pamumuno sa simbahan, ang iyong pasya at ang aking desisyon ay iisa. Ngunit, patuloy namin itong iimbestigahan. Bibigyan ka namin ng update tungkol sa desisyong ito."

Ilang araw ang lumipas 

Sa Corte di Cassazione (Supreme Court):

Nagkaroon ng pulong ang mga kasapi nito kasama ang santo papa at ang may akda ng pagtanggal ng mga imahe sa simbahan. Inilitis nila ang patungkol dito at binigyan ng maraming katanungan ang kardinal na may akda ng desisyong ito. Sa bandang huli, nanalo ang desisyon ng kardinal sa korte dahil sa kaniyang ipinaglaban. Maging ang bibliya na ginagamit ng simbahan ay inihabol na tanggalin sa kadahilanang may mga pasalin-saling hindi tumutumbok sa tunay na turo at aral ng kanilang diyos.

Ilang araw pa ang lumipas. Pinulong ng santo papa ang mga kardinal sa buong mundo upang ihayag ang desisyong ito at upang ikalat sa buong mundo ang pagsira sa mga imahe at mga bibliyang kanilang dating pinangangalagaan.

Marami ang humadlang sa desisyon na ito dahil hindi makatarungan ang pagwasak. Ito ang pagsisimula ng rebelyon ng mga pari at madre, at mga panatiko ng simbahan. Nais na ipaliwanag ng mga kardinal sa mga pari ang maliwanag na dahilan ngunit huli na ang lahat dahil sa mga pari at madreng bigla na lamang nagkaroon ng desiyong tumaliwas sa kanilang pananampalataya.

Dito nakita ng mga kardinal ang mga taong tunay na nananampalataya sa Diyos at dito napagdesisyunan pa ng ilang mga kardinal ang patuloy na pagpasa ng mga desisyon katulad ng pagbabawas ng mga santo, pamimigay ng mga lupain ng simbahan sa mga kapus-palad, pamimigay ng kalahati ng kita ng simbahan pabalik sa mga tao, pagbawas sa mga seremonyas tulad ng pagbibinyag, mga kapistahan, pagbawas sa mga holiday at marami pang iba. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Four Wicked Horsemen (The Holy Grail Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon