PROLOGUE

8 0 0
                                    


Ako ay nakatungtong sa isang malaking bundok sa kalagitnaan ng kabisera ng aking bayan. Nakikita ko ang kalawakan ng kalangitan sa kalagitnaan ng katanghalian. Nakatutok sa akin ang maliwanag na sikat ng araw na tila ba ito ay may mga mata na mga nanlilisik. Habang akin itong pinagmamasdan napansin kong ang aking kapaligiran ay unti-unting dumidilim kasabay ng panghihina ng aking paningin. Kinilabutan ang aking buong katawan dahil tila isang kakaibang nilalang ang tumatakip sa mismong kinalalagakan ng araw. Ang uri ng nilalang na ito ay lumilipad sa kalagitnaan ng araw, napansin kong mayroon syang tatlong pares ng pakpak ang isang pares ay nakatakip sa kanyang ulo, ang ikalawang pares ay nakatakip sa kanyang katawan, at ang nasa likuran na pares ay ang ginagamit nya sa kaniyang paglipad. Sa ibabaw ng nilalang na ito ay lumitaw ang kakaibang nilalang na tila ba isang gulong ng kalesa at napalilibutan ito ng mga mata. Nagbabaga ang nilalang na ito at napakabilis ng kanyang pag-ikot. Sa ibaba naman ng nilalang na ito ay isa pang kakaibang nilalang na mayroong apat na ulo. Napansin kong ito ay may ulo ng tao na sa kanyang likuran ay ulo ng matandang agila, sa kanyang kanang bahagi ng kanyang ulo ay mayroon itong ulo ng matandang leon, at sa kaliwang bahagi naman ay isang ulo ng matandang baka. Eto ay may dalawang pares ng pakpak ang isang pares ay nakatakip sa kanyang katawan at ang tanging makikita lamang dito ay ang kanyang mga paa na tulad ng sa mga baka.

 Eto ay may dalawang pares ng pakpak ang isang pares ay nakatakip sa kanyang katawan at ang tanging makikita lamang dito ay ang kanyang mga paa na tulad ng sa mga baka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang aking tinititigan ang kanyang mata kasabay nito ang pag-angat ng mga tubig sa mga karagatan na tila ba hinihigop nya ito papunta sa mismong araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang aking tinititigan ang kanyang mata kasabay nito ang pag-angat ng mga tubig sa mga karagatan na tila ba hinihigop nya ito papunta sa mismong araw. Napansin kong unang natuyo ang karagatan ng Pasipiko kasabay nito ay ang paglabas ng mas marami pang kakaibang mga nilalang na tila ba ito ay mga kampon ng Hades. Nagsisilabasan sila mula sa pinakamalalim na bahagi ng tuyong karagatan ng Pasipiko. Sila ay mayroong pitong grupo na pinamumunuan ng pitong demonyo at nakita ko ang kanilang pinaka-pinuno ay nagngangalang Beelzebub. Sumigaw si Beelzebub at tinukoy ang isa sa tatlong nilalang.  "Kayong mga nananatiling matatag sa pagsisilbi sa inyong panginoon, hindi ninyo baga alam na kayo ay nalinlang sa kanyang mga kamay? Kayo ay pinaikot sa kanyang mga salitang hindi makatotohanan? Kami ay lumisan sa aming kinalagakan na pinagtapunan sa amin ng inyong panginoon dahil alam namin na eto ang panahong pinakahihintay ninyo upang agawin ang mga nilalang na akala ninyong totoong nasa inyo." Habang si Beelzebub ay nagsasalita, lalong kumapal sa kapaligiran ng tuyong karagatan ng Pasipiko ang mga kampon nila.

Isang malakas na dagundong ng trumpeta ang naririnig mula sa kalawakan. Lumaki ang mga ulap at ang araw ay tila ba susunugin ang buong kalawakan sa sobrang liwanag nito. Ang akala kong ulap na lumalawak ay mga simpleng ulap lamang ngunit habang ito ay papalapit sa aking kinalalagakan eto ay mga nilalang na may mga pakpak ng agila. Kalat ang liwanag sa buong kalawakan. Nakita ko ang pitong arkanghel hawak ang kanilang mga sandata. Nakapaikot sila sa buong mundo at nakataas ang kanilang mga sandata sa kalawakan. Lumipad ang mga kampon ng Hades papunta sa kalawakan upang makipaglaban sa mga anghel na ito. Habang pinagmamasdan ko ang paglalaban ng mga ito tila ba papalapit sa akin ang tatlong nilalang na nauna kong nakita. Pinalibutan nila ako at iniangat sa kalawakan papunta sa araw. Nanginig ako sa sobrang takot kaya napapikit ako habang iniaangat nila ako sa kalawakan.

The Four Wicked Horsemen (The Holy Grail Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon