Prologue
.
.
"Honey!" tawag sa akin ng bampira kong asawa walang iba kundi si Chen."Bakit ba?! Nandito ka na naman. Can you please stop following me!" Sungit kong sabi ko sa kanya. Sabay irap sa kanya.
Nandito nga pala ako sa burol dito sa may malaking puno. May duyan eh mahangin at payapa.
Ngunit akala ko lang pala na payapa dito nandito parin si Chen na sumunod sa akin. trip ko magbasa ng libro niya na pa tungkol sa mga bawal at hindi bawal na gawin ko na binigay ng magulang niya dahil naipakasal ako sa prinsepe na di ko naman mahal. Natapos na kasi niyang basahin ito kaya ako naman ang magbabasa. Nakaka bwisit na sobra parang di man lang siya napapagod kaka sunod sa akin .
"Ang sungit naman ng asawa ko." Sabi niya at lumapit sa akin, sa harap ko mismo at TUMINGIN siya ng deresto sa mata ko at ngumiti.
"Pwede bang lumayo kang bampira ka lagi mo nalang akong bwinibwisit kahit saan man ako magpunta. Lumayo ka nga sa akin!" sigaw ko sa kanya at pinaghahampas ko siya ng libro kong hawak.
At sinasangga naman niya ito gamit ang kamay niya at bigla akong napatigil dahil sa sinabi niyang.....
"Bakit ba ganyan ang pakikitungo mo sa akin." Binaba niya ang kamay niya at serysong tumingin siya sa akin at ...
"Lagi ka nalang ganyan sa akin. Lagi mo akong tinatarayan, sinusungitan, nilalait at..." bigla siyang yumuko at huminga ng malalim tapos
"higit sa lahat lagi mong pinaparamdam sa akin na wala akong kwentang tao --I mean asawa mo kahit na bampira ako. Simula nung maikasal tayo" biglang nabasag ang boses niya at tumalikod na siya.
Naglakad na siya para bumaba ng burol pero bago siya makalayo sa akin may sinabi siya pero nakatalikod parin.
"Pupunta pala dito ang mahal ng Reyna at mahal na hari bukas. Iyon lang maiwan na kita" sabi niya at di man lang lumingon. At bumaba na ng burol ng tuluyan.
Habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya habang bumababa .
kaya nahulog ko iyong libro ko sa kamay nang di ko namamalayan dahil nawala ako sa sarili ko dahil sa sinabi niya kanina kung bakit ganun ang Turing ko sa kanya.
Nang mapulot ko yung libro at may makita ako nahulog isang litrato.
.
.Litrato ko nung bata ako.
.
.
Litrato ko ito noong nagbirthday ako sa London at buhat buhat niya ako ganoon parin ang itsura niya hanggang ngayon mas nag matured ngalang yung pangangatawan niya ngayon kasi mas kumisig pa siya dahil sa pag eensayo niya araw - araw kaysa noon.Tatlong taong gulang palang ako dito. At tinignan ko sa likod may nakasulat ng "My Princess I'll promise you I will protect you no matter what happen and I will sacrifice my life just for you to live with me forever. I always love you my soon to be my wife Mrs. Dianne Kim Smith, My Princess, My Love. Happy birthday " .
Grabeh yung nakasulat dito.
At may nag init ang mga gilid ng mata ko at may tumulong luha.
Kung ganun matagal na niya akong mahal simula nung bata pa ako. Pero bakit? Masyado pa akong bata noon para mahalin niya. Pero ngayong malaki na ako kaya pinagkasundo kami ng mga magulang namin kaya na ikasal kami.
Paano ako nakapayag sa kasal? Dahil ayaw ko lang naman na magalit at lalong lumayo ang loob ng aking mga magulang sa akin kaya pumayag akong pa kasalan si Chen kahit na labag sa loob ko. Kaya nga noong maikasal kami 5 months ago pinaparamdam ko sa kanya na ayaw ko siya na hindi ko siya mahal dahil hindi siya importante sa buhay ko. Kaya pala ganun ganun nalang ang pinagsasabi niya sa akin.
Ano bang gagawin ko?
Parang may parte sa puso kong kumikirot at napaupo nalang dahil sa hindi na ako makahinga sa kanina pa akong umiiyak.
Dahil sa kadahilanang tatanggapin ko ba siyang buong buo sa puso ko ? o tuluyan ko nalang siya ipagtabuyan dahil hindi ko siya mahal?
Ang gulo!
Ang gulo gulo!
.
.
. . . . . .. . . .
A/n: subaybayan ang mga susunod kong kwento at malalaman niyo kung ano pa nga ba ang dahilan kung bakit ayaw ni Dianne na mahalin ang kanyang asawang prince vampire.
BINABASA MO ANG
The Vampire's First Love
أدب المراهقينSi Dianne Kim ay isang simpleng babae. Para SIYANG robot na sinusunod lahat ng sasabihin ng kanyang mga magulang upang hindi magalit at malayo pa ang loob ng kanyang magulang kahit na ito ay hirap na hirap na. At dahil sa pinagkasundo siya anak ng k...