Kaya ko siyang mahalin hangga't buhay pa ako.
Nangako kami sa isa't isa na magmamahalan kami nang habang buhay. Sa harap ng Diyos at sa harap ng aming mga magulang. Mahal na mahal ko siya kahit ang anak lang namin ang habol niya."Huwag mo na akong hintayin, baka hindi ako makauwi ngayon." Lumapit siya kay Nico at kinarga ito. Hindi na bago sa akin ang linyang iyon, at kahit asawa ko na siya ay hindi ko siya pwedeng pakialaman sa kahit na anong bagay.
Malambing siya noon, ngunit sa paglipas ng ilang taon ay nagbago siya. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa ugali ko, o dahil may iba na siya."Mag-iingat ka," Lumabas na siya ng bahay at doon na tumulo ang aking luha. Kung kaya ko lamang ibalik ang oras na hindi ko siya kailanman nakilala ay ginawa ko na. Kung kaya ko siyang mahalin, sana ay kaya ko rin siyang iwan. Naiwan ang cellphone niya sa sofa ngunit hindi ko iyon pwedeng hawakan, dahil nagagalit siya sa tuwing pinapakialaman ko ang mga gamit niya. Tumunog ito nang ilang beses, ngunit hindi ako mapakali kaya't ito'y kinuha ko na.
Pagkakuha ko ng cellphone ay tumambad ang katotohan sa akin. My Future calling... Tumulo ang aking luhang kanina pa namumuo sa aking mata. Hindi ko ito sinagot at hinayaan lang itong tumunog. Nakatingin pa rin ako sa cellphone nang biglang bumukas ang pinto. Agad akong tumayo ngunit paglingon ko ay nakatayo na siya sa harap ko. "Niloloko mo ba ako?" Pinunasan ko ang aking luha at saka ako tumayo. Hindi siya nagsalita at agad na kinuha ang cellphone niyang naiwan. "Raven," Nanghihina kong tugon."Hindi pa ba malinaw sa'yo? Hindi na kita mahal." Tumalikod siya sa akin ngunit hindi ako makagalaw.
"Pero kasal tayo." Hinawakan ko siya sa kamay ngunit agad niya itong inilayo. Humarap siya sa akin at tinanggal ang singsing sa kamay niya.
Humihikbi ako at hindi ko alam kung ano ang pwede kong maging reaksyon. Magiging masaya ba ako, dahil sa wakas ay makakalaya na ako mula sa kasinungalingan? O magiging malungkot ako dahil makakalaya ako sa pagmamahalan namin?"Raven, please. Mahal na mahal kita, dapat mo ba itong gawin?" Umiiyak kong sambit.
"Hindi na nga kita mahal! Hindi mo ba ako naiintindihan?" Lalo akong naiyak sa mga sinasabi niya. "Iwan mo na ako. Hindi na ako masaya sa relasyon natin." Hinawakan niya ang kamay ko. "Nangako ako sa'yo sa harap ng altar, ngunit hindi ko na kayang manatili pa sa piling mo." Naglakad na siya palabas ng pinto at naiwan akong tulala. Paano niya ako nagawang iwan ng ganoon? Paano niya nasasabi iyon sa harap ng anak namin? At paano niya nagawang itapon na lang ang pinagsamahan namin? Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sina mama. Sinabi ko sa kaniya na gusto na akong hiwalayan ng asawa ko. Hindi sila makapaniwala, pero iyon ang totoo.
SOUND TRACK
"DATING TAYO" BY: TJ MONTERDELagi na lang ganito
Isipan ay gulong-gulo
Lagi na lang nabibigo
Ngunit ikaw pa rin ang sigaw ng pusoIlang liham na ang sinulat sa'yo
Ilang luha na rin ang natuyo
Kailan kaya muling makakatawang
Hindi ko pinipilit walang lungkot na sumisilip
Kailan kaya muling makakamit
Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip
Kailan
Kailan
Kailan ang dating tayo
Kung ano man ang totoo
Isip man ay litong lito
Handang handa akong sumalo
Pagkat ikaw pa rin sigaw ng puso
Ilang awit na ang inalay sayo
Ilang luha na rin ang natuyo
Kailan kaya muling makakatawang (kailan kaya muling)
Hindi ko pinipilit walang lungkot na sumisilip (kailan kaya)
Kailan kaya muling makakamit (kailan kaya muling)
Ang iyong yakap at halik ng hindi sa panaginip
Kailan (kailan)
Kailan (kailan)
Kailan (kailan) kailaan
Kailan ang dating
Kailan kaya muling matatamasang
Ikaw ay makasama at sabay tayong kakanta
Kailan kaya muling mararanasan
Sa pagdilat ng mata ika'y hindi lang ala-alaIlang luha na rin ang natuyo
Kailan kaya muling makakatawang
Hindi ko pinipilit walang lungkot na sumisilip
Kailan kaya muling makakamit
Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip
Kailan
Kailan
Kailan ang dating tayo
Kung ano man ang totoo
Isip man ay litong lito
Handang handa akong sumalo
Pagkat ikaw pa rin sigaw ng puso
Ilang awit na ang inalay sayo
Ilang luha na rin ang natuyo
Kailan kaya muling makakatawang (kailan kaya muling)
Hindi ko pinipilit walang lungkot na sumisilip (kailan kaya)
Kailan kaya muling makakamit (kailan kaya muling)
Ang iyong yakap at halik ng hindi sa panaginip
Kailan (kailan)
Kailan (kailan)
Kailan (kailan) kailaan
Kailan ang dating
Kailan kaya muling matatamasang
Ikaw ay makasama at sabay tayong kakanta
Kailan kaya muling mararanasan
Sa pagdilat ng mata ika'y hindi lang ala-alaLagi na lang ganito
Isipan ay gulong-gulo
Lagi nalang nabibigo
Ngunit ikaw pa rin sigaw ng pusoIlang liham na ang sinulat sayo
Ilang luha na rin ang natuyo
Kailan kaya muling makakatawang
Hindi ko pinipilit walang lungkot na sumisilip
Kailan kaya muling makakamit
Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip
Kailan
Kailan
Kailan ang dating tayo
Kung ano man ang totoo
Isip man ay litong lito
Handang handa akong sumalo
Pagkat ikaw pa rin sigaw ng puso
Ilang awit na ang inalay sayo
Ilang luha na rin ang natuyo
Kailan kaya muling makakatawang (kailan kaya muling)
Hindi ko pinipilit walang lungkot na sumisilip (kailan kaya)
Kailan kaya muling makakamit (kailan kaya muling)
Ang iyong yakap at halik ng hindi sa panaginip
Kailan (kailan)
Kailan (kailan)
Kailan (kailan) kailaan
Kailan ang dating
Kailan kaya muling matatamasang
Ikaw ay makasama at sabay tayong kakanta
Kailan kaya muling mararanasan
Sa pagdilat ng mata ika'y hindi lang ala-alaMula sa aking pagtulog ay hindi ko maiwasang isipin kung bakit nangyayari sa akin 'to.
Mahal na mahal namin ang isa't isa, ngunit bakit ngayon ay naglaho na?"Chloe," Lumapit sa akin si mama at niyakap ako nang mahigpit. Wala nang mas sasarap pa sa yakap ng isang ina. "Alam kong nasasaktan ka, pero nandito kami. Mahal na mahal ka namin." Bumuhos ang aking luha dahil sa mga sinabi ni mama. Umalis ako sa yakap nang biglang umiyak si Nico.
"Anak, huwag mong iiwan si Mommy, ha?" Humagulgol ako habang nakayakap sa kaniya. Alam kong hindi niya ako naiintindihan ngunit gumaan ang aking pakiramdam dahil sa kaniya.
Dito nagpalipas ng gabi si mama dahil wala rin naman akong kasama. Ako ang bumili ng bahay namin ni Raven, ngunit ngayong wala na siya ay ako na lang ang nakatira dito. Sobrang lungkot at sakit na makita siyang masaya sa iba, habang kami ng anak niya ay nangungulila sa kaniya.
Ilang beses man akong umiyak ay hindi ko na maibabalik ang oras na mahal pa niya ako.
Hindi ko matanggap na gano'n na lang niya itatapon ang relasyon namin, na parang walang saysay sa kaniya. Ibinalik niya ang wedding ring na ibinigay ko sa kaniya, ngunit hinding-hindi ko isusuko ang aking pag-ibig sa kaniya.
YOU ARE READING
A Marriage Vow
RomanceMarriage is the beginning of everything. Once you enter a married life, you need to face your responsibilities and cherish the person who takes your vow.