Pagmulat ko ng mga mata ay si Nico agad ang naisip ko. Hindi pwedeng wala akong gawin. Ako ang ina at ako ang may karapatan.
"Anak, saan ka pupunta?" Nag-ayos pa muna ako bago ko kinuha ang susi sa lamesa.
"Pupuntahan ko po si Nico." Hindi ko na sila hinintay na sumagot. Agad akong nagtungo sa bahay ni Raven.
Maraming sasakyan ang nakaparada. Mayaman si Raven dahil may mga body guards nang humarang sa akin.
"Kailangan ko pong makausap si Raven." Hinawakan nila ako sa magkabilang braso na pilit kong inaalis.
"Let her go." Pamilyar na boses mula sa likod ko. Karga-karga niya ni Nico sa bisig. Mahimbing itong natutulog. Isa siyang anghel na napadpad sa lupa.
"Iuuwi ko na siya." Lumapit ako kay Raven ngunit lumayo siya. "Kailangan niya ako, Raven. I'm his mother." Hindi siya nagsalita at tinitigan lamang ako.
"Hindi ka ba napapagod?" Napayuko ako. Nagpipigil ng luha. "Tignan mo nga 'yang sarili mo!" Napatakip ako ng bibig. Para akong basahan. "Sobrang payat mo na. Sobrang puyat na puyat. Do you even care about yourself!?"
"Wala akong pakialam kahit na magkasakit ako. Basta ibigay mo sa akin si Nico!"
"And do you think maaalagaan mo siya sa kalagayan mong 'yan!?" Nagsimula nang umiyak si Nico. Para akong sinasaksak sa naririnig at nakikita ko. He needs me. He needs a mother.
"Ibalik mo na siya sa'kin, please." Pagmamakaawa ko sa kaniya habang nakahawak sa kamay niya.
"The hell, don't act like I'm stranger. Anak ko rin siya."
Isinakay niya sa stroller si Nico at saka tinawag ang isang maid.
"Huwag mo namang ilayo sa'kin ang anak ko, oh. S-siya na lang ang meron ako...h-hindi ko alam k-kung makakaya kong m-mawala s-siya sa tabi ko..." Humagulgol ako. Pinanood ko siyang pumasok ng mansion nila kasabay ng pagbagsak ng ulan. Unti-unti nang lumalakas at kahit na anong sigaw ko ay hindi na nila ako maririnig pa.
Napaupo ako sa semento habang niyayakap ang sarili ko. Lumalakas ang patak ng ulan ganoon din ang luha ko. Suminghap ako sa kawalan.
"Wala na nga akong asawa, wala pa akong anak..." Humihikbi kong sambit. Napahawak ako sa mukha ko gamit ang dalawang palad ko.
Maya-maya pa ay may naaninag akong ilaw. Hindi ko na aasahang si Raven iyon dahil alam kong wala siyang pakialam sa akin.
"Ma'am, malakas na po ang ulan. Kailangan niyo na pong umuwi." Saan ng lalaki sa kalayuan. "Nagagalit na po si ser."
"Sabihin mo sa boss mo, magalit lang siya hangga't gusto niya. Hindi ako uuwi." Unti-unting humina ang mga salitang ibinigkas ko. Pinilit kong tumayo kahit kanina pa ako nanginginig sa lamig. Bawat hakbang ko ay nakakaramdam ako ng hilo ngunit hindi ko na ito pinansin.
Nasa kalagitnaan na ako sa garage nila nang makaramdam ako ng hapdi mula sa braso ko. Hindi ko alam na may naiwang sugat pala ang kagagahang ginawa ko.
"What the fuck, Chloe!?" Muli akong nabuhayan nang marinig ko ang boses niya.
"I-iuuwi ko na ba si Nico?" Nakahawak siya ng payong ngunit wala si Nico sa bisig niya. "Raven, natutulog na ba siya? May binigay ka bang gatas? Malambot ba 'yong hinihigaan niya? May mga laruan ba siya? Hinahanap ba niya ako? Umi..iyak ba?" Hirap na hirap kong binigkas ang mga linyang ito at hindi ko na alam kung ubos na ba ang luha ko o pagod na akong umiyak. "Magsalita ka naman, please. Para naman akong tanga rito, oh!"
YOU ARE READING
A Marriage Vow
RomanceMarriage is the beginning of everything. Once you enter a married life, you need to face your responsibilities and cherish the person who takes your vow.