"Manang, ako na po riyan." Kinuha ko ang dishwashing liquid ngunit hindi umalis si Manang sa pwesto niya. "Sige na po, para makapagpahinga na rin po kayo.""Naku, iha. Pagagalitan na naman ako ni ser nito." Sagot ni Manang habang nakatingin sa likod ko. Bigla na naman akong kinabahan. Lumingon ako at nagtama ang paningin namin ni Raven. Walang mabasang emosyon. Hindi ko malaman kung ano ang iniisip niya. Kung may galit pa ba siya sa akin. O baka galit pa talaga.
Matagal siyang nakatitig sa akin at patuloy namam akong napapalunok."Sige po, Manang, kayo na po riyan." Tumalikod na ako nang bigla kong maramdaman ang kamay ni Raven sa pulsuhan ko. Matagal ko itong tinitigan hanggang sa kusa na siyang bumitaw.
"I'm sorry," Tumango ako. Nakakapagtaka ang ginagawa niya ngayon.
"Nicoooo, laro tayooo." Tumakbo papunta kay Nico na ngayon ay may hawak na bola. Kasama niya si Mama Yssa sa sala. Next week na ang second birthday niya kaya't pinagpaplanuhan naming basketball ang theme niya. Gusto ko itong paghandaan lalo pa't siya ang unang apo ng pamilya. Darating din mamaya ang mga magulang ko para bisitahin si Nico pati ang pamilya ni Raven.
"Chloe, napaano pala 'yang marka sa pulsuhan mo?" Napatingin ako sa kamay ko. Matagal akong natahimik dahil hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoo.
"Nadulas po ako noon."
"Hindi ka naman kasi nag-iingat, e. Sa susunod kung hindi mo kaya, magpatulong ka. O kaya magpatulong ka sa asawa mo." Hinawakan ni Mama Yssa ang kamay ko. "Right, Raven?" Nilingon ko si Raven na parang wala sa sariling palakad-lakad sa kusina. Saka lang siya natauhan nang makita niyang nakatingin kaming lahat sa kaniya, even the maids.
"I'm sorry?"
"Ang sabi ko, tulungan mo rin 'tong asawa mo, tignan mo, nasusugat tuloy siya." Nangunot ang noo ni Raven na tumingin sa akin.
"Hayaan niyo na po, Mama. Marka na lang din po ang naiwan, e." Titig na titig pa rin sa akin si Raven.
Say something, Honey.
Tumayo ako at sinundan si Raven dahil lumabas siya. Hindi pa siya nakakalayo sa paglalakad nang makita ko siyang dumiretso sa garden.
"Mahilig ka na pala sa mga halaman?" Hinawakan ko ang bawat bulaklak na nadadaanan ko sa garden kung saan dinidiligan ni Raven ang mga ito. "Sabagay, matagal na ring hindi tayo nagsama-"
"Do you still love me?"
"Ayos ka lang ba? Bakit parang bumait ka naman sa'kin. Hindi ba't kagabi lang ay sinigawan mo ako tapos-" Naramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Hindi ko inaasahan ang kaniyang ginawa. Siniil niya nang paulit-ulit ang pag-ibabang labi ko habang nakahawak sa bewang ko. Gumanti ako ng halik. Mula sa mababaw hanggang sa umiinit at naga-alab na pag-iibigan naming dalawa. Napahaplos ako sa kaniyang dibdib nang biglang mapadpad ang labi niya sa leeg ko. Napahawak ako sa batok niya.
"I'm so sorry, Chloe." Niyakap niya ako nang mahigpit at hinalikan niya ang buhok ko nang paulit-ulit. Hindi ko alam kung nananaginip ako dahil nakakapagtaka na nanggagaling ito sa kaniyang bibig.
"Hindi ba ako nananaginip?" Sambit ko sa gitna ng dibdib niya.
"Can you feel kisses in your dreams?" Napahawak ako sa labi ko. Totoo nga ito. Bigla na lamang tumulo ang luha ko sa hindi inaakalang dahilan.
YOU ARE READING
A Marriage Vow
RomanceMarriage is the beginning of everything. Once you enter a married life, you need to face your responsibilities and cherish the person who takes your vow.