69

673 35 8
                                    

🧿 🍄 🧚🏼 🌈 🌱

Limang minuto na siguro akong nakatayo rito sa tapat ng pinto sa tinutuluyan ni Azalea. Nakatitig lang.

'Di ko rin alam bakit 'di pa ako kumakatok dito. Simple lang naman gagawin ko; kakatok, ibibigay sa kaniya ang dala ko at pagkatapos ay painumin ng dinurog na biogesic.

Ilang minuto pa ako nag-isip-isip bago malalim na huminga at saka kumatok.

Wala agad akong narinig na respond. Baka nagpapahinga 'yon? Nakakahiya namang disturbohin.

Pero kahit ganoon ang inisip ko, kumatok pa rin ako ulit. Kailangan niya na rin kumain at uminom ng gamot, kaso lang, wala pa ring response kaya mas nilakasan ko na ang pagkatok. Ngayon ay may naririnig na akong boses, pero hindi klaro, kaya dinagdagan ko pa.

"Ingay..." dinig kong aniya pagkabukas ng pinto. Nakakamiss naman marinig boses nito!

I looked at her. Nakapikit ang mata niya at nakasandal sa pinto. Nahihilo ba siya?

May comforter na nakayakap sa kanya tapos abot 'yon pa sa sahig. Iyong sout niya ay PE uniform noong high school... tapos namumutla.

"Azalea..." tawag ko. Doon lang siya napamulat. Kita ko pa ang gulat niya. "Ayos ka lang? Nahihilo ka ba?"

Napansin kong lumunok siya bago tumango. Nahihilo nga siya?

"Bakit ka nandito?" tanong niya at tumingin pa sa kamay kong nakatago sa likod.

Pinakita ko sa kaniya ang kamay kong may dalang plastic bag. "Nagdala ako ng lugaw."

Tumango siya bago nilakihan ng bukas ang pinto. Sign ba 'to na pinapapasok niya ako? O hindi? Pero bago ko pa maitanong ay pumasok na siya sa loob at humiga sa sofa. Kaya pumasok nalang ako.

"Uminom ka na ba ng gamot ngayong gabi?" Umiling siya. "Ah... 'di ka pa kumain?" Umiling ulit siya. "Okay lang ba pumunta ng kusina? Ihahanda ko lang 'tong lugaw." Tumango siya.

Bakit ba ayaw niyang magsalita?

"Saan kusina niyo?" tanong ko, para naman magsalita siya. Pero tinuro niya lang ang bandang kanan.

Gusto ko pa naman marinig boses niya.

Hinayaan ko nalang siyang magpahinga kahit na sigurado akong 'yan lang ginawa niya buong araw. Dumeretso ako sa kusina at hinanda ang lugaw, nagdala na rin ako ng tubig. May tatlong gamot na durog na kaya kumuha nalang ako ng isa roon.

"Azalea..." tawag ko. Walang sagot mula sa kaniya kaya nilapag ko sa center table ang mga dala at mahina itong niyugyog. "Kain na tayo, Azalea."

Tumango siya.

Inalalayan ko itong maupo bago ako umupo sa tabi niya.

"Subuan ba kita? O kaya mo na?" Baka kasi mamaya hindi pala siya komportable sa ganoon.

"Subuan mo na 'ko. Giniginaw ako, 'di ko maalis ang comforter." mahinang sagot nito habang nakapikit pa rin.

Minix-mix ko muna ang lugaw para lumamig bago siya sinubuan, pero tubig daw first kasi nauuhaw siya. Sarap naman kurutin.

Pagkatapos kumain ay hihiga na siya dapat pero sabi ko, inom muna ng gamot.

"Ikaw na uminom." paiyak na aniya.

"Wala naman akong sakit..." natatawang sabi ko at saka nilapit ang baso sa kamay niya para mahawakan niya.

Nagtatalo pa kami sa pagpapainom sa kaniya ng gamot, pero sa huli; nanalo pa rin ako. Hay, ako nanalo sa una naming bangayan... cheers to more! Charet.

"Uuwi ka na?" tanong niya nang makahiga siya. Dilat na ang mata niya at mukhang 'di na inaantok.

"Hugasan ko muna 'yong pinagkainan mo, tapos uuwi na. Bakit, may kailangan ka pa?" nag-aalalang tanong ko.

Umiling ito at pumikit na. Pumunta akong kusina ulit at nanghugas ng mga plato. Pagkatapos ay bumalik agad ako sa sala, nakaupo na si Azalea at tulala.

"Psst, uwi na ako." pag-agaw ko ng atensyon niya.

Lumingon siya sa akin saglit bago pinalo-palo ang upuan. Pinapaupo niya ako; kaya lumapit ako't naupo sa tabi niya.

"Bakit? Ayos ka lang ba?"

She nodded before yawning. Halos lumabas na 'yong puso ko nang pinagpahinga niya ang ulo niya sa balikat ko.

Hinayaan ko siya roon kahit halos 'di na ako makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib ko. May heart racing atang nagaganap, e.

"Namiss kita."

Pakiramdam ko nilagnat na rin ako dahil sobrang nag-init ang buong mukha ko.

"Huy..." tatawa-tawang tawag ko.

"It's true," sabi niya. Sinuntok pa ako sa bewang! "I think I should let you know before... I die."

Napakurap ako bago awkward na tumawa. "Ha, mamatay? Ikaw? Lagnat lang 'yan, wala na 'yan bukas 'pag iinom ka lagi ng gamot."

"'Di mo ba ako na-miss? I think I should know as well," sabi niya na parang walang narinig mula sa akin.

"S'yempre... miss din."

"I know." tumawa siya. "I like you so much, Syver. You should know it din... before I leave this world."

Kumunot ang noo ko. Seryoso ba'ng mawawala siya? O gawa lang ng lagnat kaya siya ganiyan mag-isip?

"Azalea, huy.. lagnat lang 'yan."

"Whatever, Syver." aniya bago bumangon. Tinignan niya ako sa mata saka inulit kyong sinabi niya. "I like you very much... is it okay to hug you?"

Kinakabahan, tumango ako.

Dahan-dahang lumapit si Azalea sa akin at saka ako niyakap. Doon ko lang din napagtanto kung gaano rin kalakas ang kabog ng puso niya.

────────────────────

KismetWhere stories live. Discover now