Chapter Four (IV)

4 0 0
                                    

         "Huy Cindy buti nakapunta ka tara simba na tayo". Yaya ni Daniel.  "What a coincidence brad andito pala kayo ni Cindy sabay na ko ohh" Pagsingit ni Gerald sa usapan nina Daniel at Cindy.

Gerald's POV

         Holiness mamaruniness its papa Daniel magsisimba? bukod sa pogi na faithful pa sya nakakainlove hayy i love you na papa d sana magkatabi tayo sa simbahan.

Imagination open

          Nagdadasal kami ni Daniel tapos hinawakan nya kamay ko tapos mag kakatinginan kami tapos hahalikan ko siya.

Imagination close

         "Huy Geraldine pumayag na si Daniel my loves mo? huy" Sabi ni Sherwin. Ayy nagkiss. Yun ang nasabi ko sa aking pagkagulat sa ginawa niya. "Haru si mamars nagiimaginasyona nanaman sya anu nagkiss kayo ni Daniel wake up hindi magiging kayo ok". Sabi naman ni Michael wag nga kayong maingay baka marinig kayo ni Daniel. Sindak ko sa kanila pero sabay naman silang tumawa "Mamars yung papa Daniel mo nauna na, nasa loob na maguumpisa na ang misa pumasok na tayo mukha ka ng tanga dyan kakaimagine". Sabi ni Sherwin. Buti na lang at hindi nyo pinagnasahan si Daniel? Tanong ko sa kanila.

         "Mamars pinagnasahan na namin yan mula nung first year college kasi laging bumibisita ang school nyan sa school namin noon para sa basketball tournament. Hinunting ko nga yan sa fb kaso may gf na sya kaya nanghinayang kami. Partida pinag agawan pa namin yan ni Michael at ng iba pang kabaklaaan dun sa Wilsons Academy no." Sabi ni Sherwin. Sha nga pala, galing sila sa Wilsons Academy habang ako naman ay sa Boystown College, all boys dun kaya nabusog din mata ko dun hahaha pero closeta ako dun hirap na baka mahuli ae masira pa beuty ko dun har har.

         Pumasok na kami sa church and of course nanduduon si papa Daniel katabi nya si Cindy. Pano kaya kung ipaligpit ko si Cindy charot ayy nasa simbahan pala ako sorry na po Lord in the name of love lang po. Maya maya ay napatingin sa amin si Daniel at nginitian ako gosh ang gwapo niya talaga grabeh naoobsess na ako sa lalaki kaloka. Nireplayan ko din siya ng ngiti at sabay tingnin kina Sherwin at Michael na animoy nakikipagusap gamit lang ang mga mata. Nasa dulo kami ng upuan. Sila Papa Daniel naman ay nasa kabilang row pangatlo sa may dulo sa may isle kami pareho so tanawan talaga kami.

End of POV

         Pagkatapos ng misa ay niyaya nina Gerald sina Cindy at Daniel na kumain sa labas nagkaroon pa ng pagtatalo kung sino ang magbabayad kaya nagsuggest na lang si Daniel na kanya kanyang bayad na lang total ay may mga pera sila ngayon. Sa kainan habang sila ay nagkukuwentuhan ay nagpaalam sina Cindy Sherwin at Michael upang gumamit ng banyo kaya ang naiwan ay sina Daniel at Gerald.

         "Pare may sasabihin ako sayo" sabi ni Daniel. "Oh anu naman yun Daniel". Sabi naman ni Gerald "Panu ko ba sissimulan amm Gerald malaki". Sabi ni Daniel "Malaki? anung malaki...". Sa isip isip ni Gerald ay malaki ang ano ni Daniel pero.

         "Malaki ba ang tution for this sem?" Sabi ni Daniel na siyang nakapag panganaga na lamang kay Gerald. "Yung tuition? malaki?" Sabi ni Gerald.

         "Oo Gerald tinatanung ko kung malaki ba yung tuition this sem kasi hindi pa ako nakakapagbayad ae" Paliwanag ni Daniel "Ahh medyo lang 35000 plus graduation fee na 25000 so bale 60000 this last sem". Sagot ni Gerald. "Sigeh pareh salamat". Sabi ni Daniel "Wala yun kaw pa". Sabi ni Gerald.

                    Napaisip si Daniel sa halaga ng kulang sa tuition niya palibhasa 50000 lang ang ibinigay sa kanya ng school as varsity scholar kaya nagiisip ito ng pwedeng gawin bukod sa pagtatrabaho sa Coffee Shop. Habang nag iisip ito ng mga posibleng trabaho ay pinapakiramdaman pala siya ni Geralad at bigla itong nagsalita. "May alam akong trabaho".  "Ha anu naman yun?". Tanong ni Daniel. "ganto yun malaki ang kita dito sa trabahang to" Sabi ni Gerald. "Ayy parang alam ko yan ahh ayoko Gerald ayoko ng ganyang trabaho". Pagtanggi ni Daniel. "Sira hindi sa ganun ang dumi ng isip nito ang ibig kong sabihin ay mag networking ka" Sabi ni Gerald

         "Yun na nga yung kinaayawan ko bakit ano ba yung nasa isip mo? Hmm baka kasapi ka dun Gerald ahh ok lang sa akin tanggap pa din kita ehh haha" Pangaasar ni Daniel. "Gago hindi ako kasam dun dumi ng utak mo Daniel... sige kung ayaw mo edi mag waiter ka na lang" Pangkukulit ni Gerald. "Ayoko kawawa ang katawan ko dun". Pagtanggi ulit ni Daniel. "Daniel naka katol ka ba kalalabas pa lang natin ng simbahan, ganyan ba ang tama ng holy water sa utak mo, syempre hindi sa mga sinasabi mong bar na may ganung serbisyo".. Sabi ni Gerald.

         "Iniingatan ko lang kasi ang kagwapuhan ko ehh alam mo na indemand ngayon lalo na sa mga chicas at beks haha..." Pagmamayabang ni Daniel "Grabeh tinatangay ako ahh ang hangin...". Sabi ni Gerald na kabaliktaran naman sa inisip nito na "Oo nga gwapo ka talaga kaya nga nainlove ako sayo ehh". "... Pautangin na lang kita magkano ba ang kulang?" Dagdag pa ni Gerald.

                    Tinanggihan ni Daniel ang alok ni Gerald. Kung gaano ka mapilit ni Gerald ay siyang pagmamatigas naman ni Daniel sa pagtanggi kaya sa huli ay hindi niya tinanggap ang offer ng kaibigan. Maya maya ay nakabalik na sina Cindy.

         "Huyy pasensya na ahh natagalan kami pano si Cindy ang tagal na nasa banyo" Sabi ni Michael " "Oo nga pano kasi anu nga ba yun Cindy?" Dagdag pa ni Sherwin sabay ngiti na parang nakikipag usap kay Cindy.

         "Sensya na guys mahaba pila sa banyo ae nasira kasi ung tatlong cubicle kaya isa lang ang gumagana". Sabi pa ni Cindy.

         Natawa si Daniel nang binatukan ni Cindy si Sherwin. Habang kumakain ay tinuloy na ni Daniel ang kanyang plano na pag amin kay Cindy. Ngunit si Cindy ay may iniisip na posibleng mangyari ngayong araw dahil may plano pala sila nina Sherwin at Michael.  

My boyfie is gay WEWZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon